CUPID 102 Esmerelda’s POV Dala ang aking mga gamit, nagpaalam na ako sa Beast King at sa aking apprentice kinabukasan. Marami akong binilin sa kanya at pinaalalahanan siya sa paggamit ng kanyang magic. Panatag naman ako na magiging mabuti ang lagay niya rito dahil madali lang silang nakapag lagayan ng loob ni Emlove. Nang mag-usap kami ni Lorkhan sa kanyang office matapos ang kasiyahan sa dining room, hindi agad siya pumayag sa gagawin ko. Matagal na kaming magkakilala ni Lorkhan, bago pa siya maging Beast King, magkaibigan na kami, isa din ako sa nagalit sa ginawa ni Aziriel. Nakasama na ako sa iba’t-iba nilang adventures at lahat ng yon ay nadevelop ng mabuti ang aking magic. Siya ang unang tao na sumusuporta sa akin lalo na ng dumating sa buhay ko si Willowe. Siya ang nag-encourage s

