Hindi ako nakapag-react agad nang bigla akong halikan ni Eros matapos akong pumayag sa kanyang gusto. Nagbanta siya na babawiin niya ang mga cupids sa kanilang shifter mates at hindi lang yon kaya niya pang bawiin ang second chance na life na binigay niya sa mga ito. Hindi ko akalain na magagawa niya ito dahil lang sa galit niya sa akin, dahil hindi na siya naniniwala sa love, although he is the God of Love. He was always telling me how proud he is with his cupids, that he made beings that could spread love and desire sa lahat ng realms dito sa mundo. Pero nagbago lahat ng yon simula noong iwan ko siya, noong isipin niya na hindi ko talaga siya minahal. Kaya ako pumayag hindi lang dahil sa mga cupids at shifters na madadamay kundi, gusto ko siyang bumalik sa dating Eros na nakilala at naka

