Alliah "What does this mean, Murphy? You knew Alliah and love her?" umiiyak na sabi ni Katy nang lumapit siya sa amin ni Murphy. Sumunod sa likuran niya sina Guil at Jack. Natigilan sa pag-iyak si Murphy at dahan-dahang tumango. "Yes, Katy, Alliah is the one I'm referring to, the girl I've loved since we were young." pag-amin niya. Napasinghap ako at nakagat ang ibabang labi ko. Ngayong inamin na ni Murphy ang tungkol sa aming dalawa ay hindi ko na alam kung magiging maayos pa ang pakikisama sa akin ni Katy. Umiling si Katy at pilit itinatayo si Murphy sa pagkakaluhod nito sa harapan ko ngunit ayaw pa rin akong bitawan. "She didn't love you, Murphy! Stop chasing her, you don't deserve her!" nasasaktang saad ni Katy. "No! I love Alliah, and I don't care if she already has a boyfriend;

