Alliah "Why choose one when you can choose all five of us?" Simula nang aminin ko ang tunay kong nararamdaman para kila Sergio, Froi, Iall, at Kyron ay hindi na nila ako tinigilang suyuin. Si Riosh na boyfriend ko na ay hindi rin alam ang gagawin kung paano mapapaalis ang apat na kaibigan niya sa buhay ko. Mukhang malabo na iyon lalo na't umamin na ako ng nararamdaman para sa kanila at iyon ang panghahawakan nila para hindi ako tigilan at lubayan. Ayokong maging impokrita pero gusto ko ang panunuyo ng apat sa akin. Gusto ko sila at sa kaisipang magkagusto sila sa ibang babae ay nasasaktan na ako. Ganoon na ba ako ka-selfish para angkinin din sila gayo'ng si Riosh ang boyfriend ko? Ang hirap pigilan nitong nararamdaman ko at sana'y maintindihan ito ni Riosh. "Are you okay, Alliah?" Nat

