Alliah Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pumasok sa loob ng kwarto ng condo unit ni Riosh sila Sergio, Froi, Iall, at Kyron. Nasa likod nila si Riosh na may sugat sa ibabang-labi at hindi makatingin ng diretso sa akin. Kinabahan ako nang makita ang nag-aapoy sa galit na mga mata ng apat na magkakaibigan at mukhang alam na nila ang nangyari sa amin ni Riosh. "Get up." Natakot ako sa lamig ng boses ni Sergio. Seryoso ngunit nakatiim-bagang siya na tila nagpipigil ng galit. Bumangon ako mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama at umupo na lang sa gilid. Kakagising ko lang at masakit ang ibaba ko gawa ng nangyari sa amin kanina ni Riosh. Napansin ko na wala nang bahid ng dugo ang bedsheet ng kama at ang ibig sabihin no'n ay pinalitan na niya ito habang natutulog ako. Mas lalo pa ya

