Alliah "Hey!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang umupo sa tabi ko si Guil. Bigla akong kinabahan dahil mag-isa lang siya at hindi niya kasama si Jack. Simula nang sinabi sa akin ni Sergio ang lihim na sikreto ni Guil ay nakaramdam na ako ng takot dito. Dapat ay iwasan ko siya at hindi na ako pwedeng makipaglapit sa kanya. Nangako si Sergio na tutulungan niya ang ex-girlfriend ni Guil para makamit ang hustisya na dapat ay para rito at ang kapalit n'on ay maging boyfriend ko siya. Sana ay gawin lahat ni Sergio ang paraan para tuluyan nang mabulok sa kulungan itong lalakeng nasa harapan ko. "Bakit parang nakakita ka ng multo d'yan, Alliah? Is there anything wrong?" Natawa si Guil at nag-lean sa akin para mas matignan ang reaksyon ko. Umiling ako at umiwas ng tingin. "W-Wala naman.

