Froi Kaagad kaming sumugod sa ospital nang mabalitaan namin kay Murphy Aguilar na napahamak si Alliah at kagagawan iyon ng mga gagong sina Guil at half brother niya at professor ni Alliah na si Charlie Fernandes. Sinasabi ko na nga ba't hindi talaga mapagkakatiwalaan ang Guilherme na iyon. Malalagot siya sa akin kapag nakita ko ang pangit niyang pagmumukha! "Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin ang ginawa ng Guil na 'yon noon sa ex-girlfriend niya, Sergio? Hinintay mo pang mapahamak si Alliah bago ka umaksyon!" singhal ko kay Sergio na kanina pa hindi umiimik habang nagmamaneho papunta sa ospital kung saan naka-confine si Alliah at kasama roon si Murphy. Na-cancel ang mall show namin dahil sa nangyari pero wala na kaming pakialam. Kailangan naming makita at maalagaan si Alliah, gusto

