Froi Kanina pa ako inuubo at nagkaroon na ng trangkaso dahil sa lamig ng panahon lalo na't bumabagyo. Ako lang ang mag-isa dito sa kwarto ni Silas dahil natulog siya sa kwarto ni Luca na hindi pa nakauwi sa bahay nila. Punyemas! Nabugbog na nga ako tapos trinangkaso pa ako? May imamalas pa ba ako sa lintik na buhay na 'to? Bumangon ako sa kama ni Silas at isinuot ang puting t-shirt na ipinahiram niya sa akin. Nasanay na ako na kahit malamig ang panahon ay matutulog akong nakahubad, pero ngayong may sakit ako ay hindi ko kinaya ang lamig. Wala pa ring tigil sa pag-ulan, hindi na kumukulog at kumikidlat pero malakas ang ulan. Sumandal ako sa headboard ng kama at hinilot ang sintido ko. Parang binibiyak sa sakit ang ulo ko. Ang laki-laki kong tao pero heto't nagkasakit ako! Bigla ay naka

