Alliah Pagkalabas namin ni Froi sa loob ng ospital ay hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Tinablan siya bigla ng hiya dahil ngayong gabi ay nagkasundo kaming dalawa. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit nagmakaawa siya kay Sergio para sa pagmamahal ko pero umurong ang dila ko dahil nahihiya akong magtanong. Nagkahiyaan na tuloy kami. "S-Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa ospital," nagulat ako nang bigla siyang magsalita habang nasa loob kami ng taxi at pauwi na sa bahay. "W-Wala 'yon, pero itatanong ko lang sana kung bakit ka nasugatan sa kamao mo at nagkaroon ng black eye?" tanong ko. Humalukipkip si Froi at sumandal sa upuan ng taxi. Madilim sa loob ng taxi at tumatama ang repleksyon ng mga ilaw sa labas mula sa magandang kulay ng kanyang mga mata. Gwapo siya at aamin

