Alliah Pagkasara ko sa gate ng bahay namin ay nakita ko si Sergio na nakasandal sa hood ng kanyang kotse habang naka-krus ang mga braso. Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit sa akin. Nagulat ako dahil nagpakita na siya matapos ng ilang linggong niyang hindi pagpaparamdam. Namiss ko siya pero nang maalala ang ilang beses kong pag-iyak nang dahil sa kanya ay muling nagbalik ang galit at tampo ko. Lalagpasan ko na sana siya nang hinawakan niya ang braso ko. "Alliah, let's talk, please..." Nagmamakaawa niyang sabi. "Kailangan ko nang pumasok dahil baka ma-late pa ako sa klase ko." malamig kong tugon at hahakbang na sana ulit paalis nang humarang naman siya sa daraanan ko. "I know you're upset because I haven't been able to talk to you for a few weeks, but I'm just upset too becau

