Dani Agad na ipinarada ni kuya Daimonn ang kanyang sasakyan sa parking lot ng mall. Oo, nandito kami sa mall at dito niya ako dinala dahil gusto niya raw akong igala at baka daw nabuburyo na ako sa aking kama. Well, may point naman siya dahil kating kati na akong gumala dahil namimiss ko na ang mga kaibigan ko. Speaking of mga kaibigan, kumusta na kaya sina Mhessy, Marj at ang kambal na sina Kara at Mira? "Hey! anu na naman ba yang iniisip mo at out of this world ka na naman?!" Umiling iling na sabi ni kuya Daimonn at lumabas na ito ng sasakyan. Patagong umirap naman ako sa kanya at hindi ko na siya hinintay na pagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse dahil ako na ang nagkusang magbukas nito. Hay naku kuya! Akala ko pa naman gentleman ka! Kabanas! "Where do you want to go first,

