Dani "Alam mo kanina ko pa napapansin na walang katau tao itong mall na 'to? Yung totoo.. kabubukas lang ba nito kaya wala akong taong nakikita?" Naguguluhan kong tanong sa kaharap ko na si Daimonn. Oo, Daimonn lang ang gusto niyang itawag ko sa kanya dahil kapag narinig niya raw na tawagin ko siya na kuya ay hahalikan niya ako. As if namang magpapahalik ako 'no?! Nakita kong tumawa ito ng bahagya matapos ay humarap ito sa akin. "Alam mo mahal ko kaya walang ibang tao sa mall bukod sa mga empleyado rito ay dahil sa pinasara ko ito para sa date nating dalawa." sagot niya sa akin matapos ay kumindat ito dahilan ng pag iwas ko sa kanya. Hayan na naman ang mga pamatay na banat niya na talagang iniiwasan ko dahil hindi ko mapigil pigilan ang sarili ko na kiligin. Tumangu tango ako sa k

