Dani "Seriously Dani.. hindi mo pa rin ako pinapansin dahil sa ginawa ko sayo kanina?!" Naiinis nitong sabi sa akin habang nagmamaneho ito. Kanina pa kasi siya salita ng salita pero ako naman ay hindi ko pa rin siya kinikibo hanggang ngayon dahil sa kalokohang ginawa niya sa akin. Paano ba naman kasi ako hindi maiinis sa ginawa niyang paglagay niya sa mga kamay ko sa harapan niya?! Jusko! Hanggang ngayon kaya ay hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa niya! Nakakaloka lang 'di ba?! Hindi ko pa rin siya sinagot at tanging nakatikom lamang ang bibig ko upang hindi siya kibuin at pansinin. Narinig kong may binulong ito ngunit dahil masyadong mahina iyon ay hindi ko narinig mabuti ang sinabi nito. Minabuti ko na lamang na humarap sa bintana upang tanawin ang kalsada. Nang makita k

