Dani Alas-siyete pa lamang ng umaga ay nagising na ako at madaling nagtungo sa banyo upang maligo. Nang matapos ay dali-dali akong nagsuot ng uniporme pampasok at nag-ayos ng sarili. Nang matapos ko na ang lahat ng aking mga gagawin at wala na akong nakalimutan ay bumaba na ako hanggang sa naabutan ko si manang Elsa kasama ang iba pa naming kasambahay na naghahanda ng mga pagkain sa lamesa. "Good morning, Manang!" nakangiting bati ko sa matanda. Gumanti rin ito sa akin at bumati. "Magandang umaga hijo. Kumain ka na." paanyaya nitong saad sa akin. Tumango ako kay Manang Elsa at umupo. Muli kong tinignan ang matanda at itinanong kung nasaan sina Mommy at Daddy. "Ang mommy mo e maagang umalis at magzuzumba raw habang ang daddy mo naman mag-aalmusal na lang daw sa opisina niya." Sagot ni

