Dani "Thank you po maam and sir sa pagtanggap niyo po sa akin at sa pagtanggap niyo po sa relasyon namin ni Dani." nakangiting pasasalamat ni Zac sa aking mga magulang. Lumapit si mommy kay Zac at hinawakan ang kanang kamay nito. "You're welcome hijo. Palagi kang welcome sa tahanan namin at higit sa lahat welcome ka sa pamilya namin atsaka pwede bang tito and tita na lang itawag mo sa amin dahil boyfriend ka naman ng anak ko." wika ni mommy at ngumiti kay Zac. Tumango si Zac at sinuklian ng ngiti ang aking ina. Nang binitawan ni Mommy ang kamay ni Zac ay si Daddy naman ang lumapit dito at humawak ang aking ama sa balikat ni Zac at tinapik-tapik ito. "Zac hijo, alam kong mabait ka kaya sayo ko pinagkakatiwala itong anak ko. At bilang ama ni Dani hijo ay hiling ko lang na kahit ano man an

