Dani "Dito mo na lang ako ibaba, Zac." ani ko rito ng makarating kami sa village. Inihinto niya ang sasakyan. "Sa may kabilang kanto pa ang bahay niyo hindi ba?" nalilitong tanong nito sa akin. "Eh kasi Zac baka kapag tanungin ako nina Mommy kung bakit ako ginabi e kapag nakita ka ay baka ikaw ang mapagsabihan ng mga iyon." paliwanag ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at nagsalita. "Huwag ka ngang masyadong mag-alala, Dani. Ano naman kung mapagsabihan nila ako? at saka ano naman kung makita nila ako? ayaw mo bang makilala ako ng mga parents mo?" wika nito at sa huling tanong niya ay para itong biglang nalungkot. "No, Zac. Hindi naman sa gano'n. kasi--" pinutol ako nito. "Ayun naman pala, Dani e. No need to worry dahil ako ang bahala sayo. Ako ang bahala sa mom and dad mo." nakangiting

