Dani Saan tayo pupunta, Zac?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa. Oo, naglalakad kami at sinusundan ko lang siya dahil ipinagpaalam niya ako sa mga kaibigan ko. Natanaw ko ang mga nakaparadang sasakyan dahilan upang malaman ko kung saan kami papatungo. "Let's go somewhere, Dani. Saan mo ba gusto?" tanong ni Zac sa akin ng makarating kami sa tapat ng kanyang sasakyan. "Ahmm.. kahit saan, Zac. Basta hindi malayo baka kasi magalit sina Mommy 'pag ginabi ako ng uwi." nakangiting sabi ko rito. Ngumiti lamang ito at tumango. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan at inalalayan akong pumasok dahilan para magpasalamat ako rito. Habang nagmamaneho ito ay naisipan kong hanapin ang aking cellphone upang matawagan sina Mommy at para maipaalam sa kanila na wala na kaming paso

