Dani "Hoy bakla! naglilihim ka na sa'ming mga kaibigan mo ha! Anong ibig sabihin ng pag-holding hands niyo ni Zac?!" mariing bulong ni Marj sa akin habang nakapila kami sa sinehan. Nandito pa rin kasi kami ngayon sa Mall at naisipan ni Zac na manood daw kami ng sine at syempre dahil siya ang nag-insist at nagyaya ay hindi na tumanggi pa si Marj. Oo! Si Marj talaga ang may gusto nito! Gustung-gusto niya ang ganitong mga libre at syempre hindi ko rin namang maitatangging nagustuhan ko ang ideya niya. "Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Wala 'yon, okay! dedmahin mo lang yung sinasabi n'yan ni Zac dahil paniguradong nantitrip lang siya." sagot ko rito. "Tara guys, pasok na tayo!" nakangiting paanyaya ni Zac sa amin. Ngumiti ako rito bilang ganti at dahil nilibre niya kaming manood ng sine. Luma

