Dani "I'm done." walang ganang sabi ni kuya Daimonn ng matapos na ito sa kanyang kinakain. Mabilis itong tumayo at umalis sa lamesa. Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang sa umalis siya. "Bakit kaya napakaseryoso ng kuya mo ngayon? Ni hindi nga ako nginitian no'ng binati ako kanina. Ano kayang nangyari do'n?"nagtatakang tanong ni mommy sa akin. Tumingin ako rito at nakita kong nakatingin pala siya sa akin. "I don't know, mom." ani ko kay mommy dahil miski ako ay nagtataka kung bakit gano'n ang naging awrahan ni kuya Daimonn kanina. Sa totoo lang ay tama si Mom dahil hindi naman talaga gano'n kaseryoso 'yon si kuya Daimonn kapag umaga at tsaka kanina hindi niya man lang ako binati at parang hindi ako nito nakikita. Ano kayang nangyari doon kay kuya? "Naku! hayaan na nga lang muna natin

