Dani
"Bunso." napabalikwas ako ng marinig kong tawagin ako ni Daddy.
Ngayon ay nasa hapag-kainan kaming apat. Ako, si Daddy, si Mommy at si Kuya Daimonn.
"Ba-bakit po, Daddy?!" tanong ko rito at pilit kong nginitian ang aking ama.
"why are you acting so weird, anak? bakit tulala ka lang d'yan sa upuan mo at bakit hindi mo ginagalaw ang pagkaing nasa harapan mo? May problema ka ba?" Nagtatakang tanong sa akin ni daddy at hinintay niya ang isasagot ko.
Umiling lamang ako kay daddy at saka muling ngumiti rito.
"I'm sorry, Daddy.. may iniisip lang po ako pero hindi naman po iyon masyadong importante kaya kakain na po ako."
Tumango lamang ito sa akin ng matapos kong magpaliwanag at muli na nitong ipinagpatuloy ang kanyang kinakain.
"Daimonn." tawag ng aming ama sa pangalan ni kuya at hindi ko rin napigilang mapatingin sa aking nakatatandang kapatid ng tawagin siya ni Dad.
"yes dad, why?" wika ni kuya at humarap ito kay daddy.
Nakita kong biglang sumeryoso ang mukha ni dad.
"Akala ko ba.. mas gusto mong doon na lang muna sa states manirahan at mag-aral kaysa dito sa pilipinas?" tanong ni Daddy dito kay kuya.
Nakita kong ngumiti lamang si kuya sa aming ama.
"Dad, anytime I can go there whenever I want to... but syempre, gusto ko namang bumalik dito sa philippines lalo na't birthday ni Dani and I want to spend my time for him... and also for you dad and mom dahil na-miss ko kayo." paliwanag ni kuya kay dad at matapos niya itong sabihin ay bigla na lamang itong tumingin sa gawi ko at ngumiti. Madali kong iniwas ang pagtingin sa kanya at ibinaling ko na lamang ang aking paningin sa aking kinakain.
"Napaka-sweet naman ng anak ko! Alam mo Daimonn.. we are very lucky that God gave us such a kind son like you." nakangiting sabi ni mom kay kuya at nakita kong ginantihan niya ng ngiti ang aming ina.
"So kung gano'n Daimonn.. dito ka ba muna mag-i-stay sa Pilipinas?" tanong ni Daddy kay kuya at dahil do'n ay awtomatiko akong napatingin sa kanya at hinintay ko siyang sumagot.
Nakita kong ngumiti ito sa aming ama at tumango. "Yes and No, dad." sagot ng aking nakatatandang kapatid kay dad.
Napakunot ang noo ni daddy dahil sa sinabi ni kuya.
"What do you mean?"
Muling ngumiti si kuya kay daddy.
"Yes and No, Dad. Yes dahil dito na muna ako sa pilipinas mag-i-stay and No because hindi lang MUNA ang stay ko dito because I decided na dito na ako titira for good." ngiting-ngiti nitong sabi at sunod no'n ay nakangising ngumisi itong muli sa akin.
"Paano naman yung pag-aaral mo doon, anak? Hindi ba't naka-enroll ka na sa isa sa mga sikat na university doon sa ibang bansa?" pagpasok ni mommy sa usapan at tinanong nito si kuya Daimonn.
Dahil sa kinausap ni mommy si kuya ay tumingin ito sa aming ina.
"Mom, before po akong umuwi dito ay nakausap ko na yung admin ng university sa states and sinabi ko na babalik na ako ng pilipinas kaya hindi ko na maitutuloy ang pag-enroll ko doon. And also mom.. bago naman po ako bumalik dito sa bahay natin ay pumunta na ako sa university na papasukan ko at sa totoo lang ay tapos na po akong mag-enroll." Sagot ni Kuya kay mommy na siyang tinanguan naman ng aming ina.
"Maganda kung gano'n, anak.. pero tanong ko lang, saan ka nga palang university papasok?" muling tanong ni mommy sa aking nakatatandang kapatid.
Mas lalong lumawak ang ngiti nito at parang may kakaiba akong nararamdaman sa ngiting pinapakita niya ngayon.
"Actually, saan pa ba ako mag-eenroll, mom? eh di sa..."
hindi niya muna itinapos ang sasabihin niya ng bigla itong tumingin sa akin at ngumisi ito ng nakakaloko.
...sa Walton Unversity."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng malaman ko kung saan siya papasok.
"sa-sa Walton University?" tanong ko rito at kinakabahang napatingin ako sa kanyang mga mata.
Ngumiti ito sa akin at bigla siyang kumindat.
"Yes, little bro'"
Matapos niyang sabihin iyon ay dali-dali kong iniwas ang mga mata ko sa kanya.
Inaasahan ko naman sa una pa lang na talagang doon siya mag-eenroll eh! Dahil in the first place, pagmamay-ari ng mga magulang namin iyon at parte siya ng pamilya kaya kung gusto man niyang pumasok doon ay pwedeng-pwede.
"Mom, Dad, alam niyo ba na may narealize ako noong nando'n ako sa ibang bansa?" saad ni kuya sa aming mga magulang dahilan para mapatingin silang dalawa sa aking nakatatandang kapatid.
Nakita kong parang lumungkot ang mukha ni kuya at siya saka nagsalita.
"Sobrang hirap at malungkot po pala kapag mag-isa ka. I'm sorry po kung mas pinili kong pumunta ng ibang bansa noon at mag-aral doon. i'm really sorry mom and dad. Ngayon po ay talagang ayoko ng umalis ng pilipinas kasi wala akong ibang kasama doon kundi ang sarili ko. Mom.. Dad.. I really don't want to be alone, again."
Sa mahabang litanya ni kuya ay nakaramdam na lang ako bigla ng kirot at awa sa sinapit niya noong nasa ibang bansa siya.
Sa totoo lang ay na-miss ko ng sobra si kuya Daimonn dahil ngayon lang siya nagpakita sa amin.
"Anak, napakasaya ko dahil nandito ka na. Daimonn.. anak.. patawarin mo rin ako, kami ng daddy mo dahil wala kaming nagawa noon nu'ng nag-iisa ka. I'm very sorry, Daimonn, anak. I'm sorry. It's really our fault." Naluluhang saad ni mommy kay kuya Daimonn dahilan para tumayo si kuya at lapitan siya. Niyakap niya ang aming ina at hinalikan ito sa pisngi.
"Mommy.. hindi mo kasalanan even dad kung bakit ako mag-isa noon. Don't blame yourself mom because it's not your fault. Wala po kayong kasalanan dahil ako po.. ako po ang may kagustuhan na tumira sa states at mapag-isa. So please don't cry, mom." ani ni kuya sa aming ina habang nakayakap ito kay mommy.
Dahil sa eksenang nakikita ko ngayon sa pagitan ng aking mahal na ina at sa panganay kong kapatid ay napangiti ako.
Nakita kong biglang tumingin si mommy sa akin at ngumiti.
"Dani, anak, mahal na mahal ko kayong dalawa ng kuya mo. Kaya sana, magmahalan kayong dalawang magkapatid." Nakangiting wika ni mommy sa akin.
Umangat ang tingin ko kay kuya at ngumiti siya sa akin. Bilang ganti ay ngumiti rin ako sa kanya matapos ay muling tumingin kay mommy at tumango rito.
"Opo mommy."
"Wait for your kuya, Dani. Nakalimutan niya raw yung phone niya sa itaas kaya bumalik ng kwarto." Saad ni mommy sa akin. Tumango lamang ako kay mom at minabuting i-check ko na rin ang mga gamit ko na nasa bag at baka may makalimutan ako. Me and kuya Daimonn were going to school. Ngayong araw kasi ang simula ng panibagong semestre.
"Bye mom! I love you." Sambit ni kuya kay mom at humalik ito sa pisngi. Pumasok na ito ng kotse at umupo sa driver's seat. Sabi kasi ni mommy na simula daw ngayon, sasabay na daw ako palagi sa pagpasok at pagpauwi kay kuya.
"Hi bunso!" Nakangiting bati nito sa akin at sandaling lumingon sa akin. Ngumiti lamang ako rito bilang sagot.
"Alam kong naiilang ka pa rin sa akin,Dani." napatingin ako sa kanya ng bigla siyang nagsalita at sabihin ito sa akin. Naramdaman ko na lamang na huminto bigla ang sasakyan kaya muli ay napatingin na naman ako sa kanya.
"Kuya?"
"Dani." sambit niya sa pangalan ko.
"I'm sorry sa mga nagawa ko sayo. Patawarin mo ako sa pagsira ko ng ukelele mo kagabi. Nadala lang siguro ako ng ininom kong alak kaya kung anu-ano na ang nakikita't nagagawa ko. Please bunso, forgive me. Don't worry dahil simula ngayon, magiging mabait na akong kuya sayo. Sorry, Dani. I'm really really sorry." sinsero nitong sabi sa akin.
Pumasok sa aking isipan ang lahat ng sinabi niya.
Nangako ako kay mommy na magmamahalan kaming dalawang magkapatid kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti ako rito.
"Kalimutan mo na lahat ng iyon, kuya. Huwag niyo na po iyong isipin pa." nakangiti kong sabi sa kanya. Sumilay rin ang kanyang mga ngiti ng marinig niya ang pagtanggap ko sa lahat ng ginawa niya sa akin.
"Thank you, bunso." pasasalamat nito sa akin at pagkatapos no'n ay muli niyang pinaandar ang sasakyan upang makarating na kami sa aming paroroonan.