Chapter 3

1327 Words
Dani "Kulang ang salitang kagwapuhan sa lalaking iyan grabe! Sino nga ba yan Dani at napakaperpekto naman niya?! Oh my freaking G.. don't tell me... boyfriend mo siya, Dani?!" Nanlalaking mga matang saad ni Marj habang nakatingin sa akin. Napakamot na lamang ako ng sarili kong ulo at napailing-iling na lang dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga itong Marjori na ito! Masyadong chismosa! Nakakaloka! Tinignan ko ito mata sa mata at sinabing, "Ano bang pinagsasabi mo d'yan, Marjori?! FYI ha! hindi ko boyfriend 'yan!" Hays. Ewan ko ba talaga dito sa babaeng 'to kahit kailan?! Bakit ko nga ba naging kaibigan 'to?! "Hindi mo boyfriend?! Ay maganda 'yan! Kung gano'n eh di akin na lang siya! Pero girl teka lang.. bakit nandito siya sa birthday mo? Did you invite him?" sunud-sunod nitong tanong sa akin ni Marjori at dahil medyo naiinis na ako ng kaunting-kaunti lang naman dahil sa kakatanong niya ay wala akong nagawa kundi sabihin ang totoo. "He's actually my older brother, Mark Daimonn Walton." Pagpapakilala ko sa nakatatanda kong kapatid at napatingin ako sa kanya. Nakita kong abala itong nakikipag-usap sa iilang anak ng mga ka-business partners ni daddy. Nang mapalingon ako sa mga kaibigan ko ay muntik na akong matawa ng makita ko ang ekspresyon nila ngayon na gulat na gulat at hindi makapaniwalang may kapatid ako na kung saan maihahalintulad sa isang bathala. "Mga laway niyo tumutulo!" pang-asar ko sa mga ito dahilan para magsiunahan silang magpunas ng kanilang bibig ngunit ng malaman nilang ginu- good time ko lang sila ay sinamaan nila ako ng tingin. HAHAHA! Napaka-priceless ng mga hitsura nilang apat! "Nakakaloka ka naman, Daniel Luiss! Bakit ngayon mo lang sinabi na may kuya ka palang... YUMMY!" wika ni Marj sa akin at kinagat pa ang pang-ibabang labi nito. "Oo nga! Alam mo Dani ngayon ko lang nalaman na ang sellfish-sellfish mo!" saad naman nitong katapat kong si Mhessy habang naka-pout pa ito. "True!" sabay namang bigkas ng kambal na para silang choir sa simbahan. Magpapaliwanag na sana ako sa kanila ng tawagin bigla ang pangalan ko ng event host para raw sa aking closing remarks. Ngumiti ako ng kay tamis-tamis bago humarap sa lahat ng panauhin. "Magandang gabi po sa ating lahat! Maraming salamat po sa lahat ng dumalo ngayong gabi para sa aking pinakaimportanteng araw. Salamat po sa mga kaibigan ng aking pamilya, business partners, mga kaklase't kaibigan ko at syempre nagpapasalamat ako ng lubusan sa aking pamilya lalo na sa aking mga magulang. Mahal na mahal ko po kayo mommy and daddy, at maraming maraming marami pong salamat sa lahat." Matapos kong sabihin ang aking closing spiel ay naramdaman ko na lamang na may pumatak na palang luha sa aking pisngi. Naiiyak na pala ako. Naiiyak ako dahil sa sayang nararamdaman ko ngayong gabi. "Family Picture po!" tawag sa amin ng photographer dahilan para tumayo kaming tatlo nina mommy and daddy at nagtungo sa pinakagitna ng event stage. "Family picture? bakit para yatang hindi ako kasama?" Nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ng nagsalita. Tama nga ako. Nasa harapan namin ngayon si kuya Daimonn habang nakangisi itong nakatingin sa akin. "Daimonn anak!" masayang wika ni mommy ng makita si kuya at walang anu-ano'y nilapitan ito at saka hinagkan. "I missed you." Nang sabihin iyon ni kuya Daimonn ay tanging nakatingin lamang siya sa mga mata ko na para bang ako yung sinasabihan niya. Agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanya at iniba ang direksyon ng paningin ko. Hindi ko alam pero kahit na napakatagal ko siyang hindi nakita ay kailanma'y hindi nawala ang kabang nararamdaman ko kada maglalapit kaming dalawa. "Wow!" magiliw kong sabi sa aking sarili ng binuksan isa-isa ang mga natanggap kong regalo. Grabe! sa totoo lang ay ngayon lang talaga ako nakatanggap ng sandamak-mak na regalo. Isa-isa ko pang binuksan ang mga natanggap ko pang regalo hanggang sa napag-isip isip kong buksan na ang iniregalo sa akin ng mga kaibigan ko. "Ukelele!" Nanlalaking mga mata kong sabi ng makita ko ang isang kulay bughaw na ukelele at dahil sa tuwa ay hindi ko napigilang mahalikan ang bagay na ito. "I promise na aalagaan kita! I love you my new ukelele!" Masayang saad ko at muli itong hinalikan. I can't wait to play this ukelele kaya nag-strum kaagad ako upang patugtugin ang isa sa mga paborito kong kanta. Ang 'Love moves in mysterious way ni 'Nina'. Who'd have thought this is how the pieces fit You and I shouldn't even try making sense of it I forgot how we ever came this far I believe we had reasons but I don't know what they are Some blame it on my heart, oh //Chorus// Love moves in mysterious ways It's always so surprising When love appears over the horizon I'll love you for the rest of my days But still it's a mystery How you ever came to me Which only proves Love moves... "in mysterious ways " sambit ko sa huling linya ng kanta matapos ay niyakap ko ang aking bagong ukelele. Napangiti ako ng maalala ko kung para kanino ang kinanta ko. First year college ng makilala ko si Dwayne Isaac Montero. O' mas kilala sa kanyang palayaw na 'Zac." Si Zac ay isang varsity player ng basketball team ng university kung saan isa siya sa pinaka-kilala dahilan para rin siya ang maging captain ball ng aming basketball team. Hindi ko namang maipagkakaila na magaling siyang maglaro ng basketball dahil nasaksihan ko na itong maglaro ng manood kami ng mga kaibigan ko. At sa totoo lang, mas lalong lumalim ang pagtingin ko para sa kanya nung araw na naglaro siya. Nung una ay nahihiya akong i-add siya sa f*******: pero dahil mas nanaig ang kalandian ko ay walang atubiling pinindot ko ang 'add as friend' button. Dalawang minuto makalipas no'n ay biglang may nag-notification kung saan si Zac ay in-accept ang aking friend request. Sobrang nag-uumapaw ang kaligayahan ko no'n, grabe! Nitong nakaraang semestre ay nagulat ako ng unang araw ng pasukan, dahil si Zac ay naging ka-blockmate ko sa lahat ng aking mga subjects. At heto pa! naging close kami dahil sa magkatabi kaming dalawa at siya pa ang kumausap sa'kin no'n! At ang mas lalong kinagulat ko pa nang malaman ko na alam niya ang buong pangalan ko dahil nakilala niya ako no'ng in-add ko siya sa f*******: at nalaman niya ring anak ako ng may-ari ng unibersidad na pinapasukan niya. "Your voice is like an angel." Napatigil ako sa aking pagbabalik-tanaw ng nakaraan ng may bigla na lamang nagsalita. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuang kanina pa pala hindi nakasara dahil ito'y nakabukas na kanina pa. "ku-kuya?" gulat kong sambit ng makita ko ito st saka siya unti-unting lumapit sa akin. Umupo ito sa couch kung saan kaharap ito ng kama ko at nakita ko na lang na bigla itong ngumiti habang nakatingin sa akin. "How's your birthday... Bunso." matigas na sabi nito at psrang may galit sa kanyang tono dahilan para bumilis na naman ang t***k ng aking puso. Kaba, 'yan ang nararamdaman ko ngayong kaharap ko si Kuya. Nakatitig lamang ako sa kanya at siya naman ay umupo ng pa-dekwatro habang nakangisi itong nakatingin sa akin. "Hmm. siguro masayang-masaya ang naging birthday party mo, Bunso." nakangiting sabi nito at saka siya biglang tumayo. Dahan-dahan itong lumapit sa kama kung nasaan ako at nang makalapit na ito ay walang atubiling kinuha niya ang ukelele na hawak ko. "ku-kuya..." tawag ko sa pangalan niya ngunit hindi ako nito pinansin bagkus ngumisi lamang sa akin. Balak ko sanang kuhanin ang ukelele na ngayon ay hawak-hawak niya nang bigla niyang hinagis ito sa pader ng sobrang lakas. Dahan-dahan akong tumingin sa ukeleleng nagkapira-piraso ng dahil sa ginawa ni kuya. "Dani." mahinahon nitong tawag sa pangalan ko at ako naman ay sunud-sunurang humarap sa kanya. Hinawakan niya ang ibabang mukha ko at dahil mas matangkad siya sa akin ay pinantayan niya ako at tinitigan sa aking mga mata. "I'm sorry, bunso. Don't worry 'cause I will buy you a new one. But please, don't you dare to kiss that f*cking ukelele again because I will assure you that you will see it again on the wall and i'll break it again into pieces. understood?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD