"Jusmiyo marimar! Light na make up na nga lang ang inilagay ko sayo pero bakit mas lalo yatang nagmukha kang babae hijo?! Nasa'n ang hustisya!" Nalolokang saad ng isang beki na make-up artist sa akin ng matapos niya akong maayusan. Hindi ako alam ang isasagot ko sa kanya kaya ngumiti na lamang ako rito upang maging reaksyon ko sa kanyang mga sinabi.
Pinagmasdan kong maiigi sa salamin ang aking mukha. Simple lamang ang naging ayos ko at wala masyadong inilagay na kolorete sa aking mukha. Kahit napakasimple lamang ng aking ayos ay masasabi kong tama lahat ng mga sinabi niya.
Mukha nga akong isang babae ngayong gabi.
"Ano nga palang pangalan mo, hija.. este hijo pala?!" tanong nito sa akin at dahil sa sinabi niya ay hindi ko napigilang matawa. Mabilis lamang ang aking naging pagtawa dahil mas minabuti kong sagutin ang tanong niya.
"Ako po si Daniell Luiss Walton." magalang kong pagpapakilala sa aking sarili at ngumiting muli sa kanya.
"Napakahaba naman ng pangalan mo.. Daniell Luiss?! Ano kaya ang pwede kong itawag sayo?! Baka kasi ang maitawag ko na naman sayo sa susunod eh ganda na?! aba! baka masuntok mo pa ako sa mukha n'yan!" sambit nito sa akin dahilan ng muli kong pagtawa.
"Dani. Dani po ang kadalasang tawag sa akin ng karamihan." ang naging sagot ko sa kanyang katanungan.
Tinignan ko siya gamit ang salamin.
"Kayo po ba? Ano po palang pangalan niyo?" ako naman ang nagtanong rito dahil gusto ko ring malaman kung sino siya.
"Naku Dani! siguro ay mas mainam na 'wag mo na lang alamin ang tunay kong pangalan dahil baka magimbal ka! Ahmm.. siguro tawagin mo na lang ako sa palayaw kong 'May-may'." nakangiting sagot nito sa akin na siyang tinanguan ko lamang.
Sabay kaming napalingon ni Ate May-may ng may kumatok sa pinto ng aking kwarto at iniluwa nito ang isang armadong lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga body guards ng aking ama.
"Excuse me po sa inyong dalawa. Sir Dani, pinapasabi po ng mga magulang niyo na malapit na pong mag-umpisa ang inyong selebrasyon." wika ng armadong lalaki sa akin dahilan para mapatango ako sa kanya.
Hindi nagtagal ay lumabas na ang lalaki at isinara na ang pinto ng aking kwarto.
"Naku! infairness ha! Gwapo iyong body guard niyo Dani! Kilala mo ba 'yon?! Baka naman pwedeng malaman ko ang pangalan ng poging iyon!" sabi ni ate May-may sa akin ng matapos niyang makita ang armadong lalaki na pumasok kanina at kumausap sa akin.
"Pasensya na ate May-may pero hindi ko po kasi kilala yung lalaking 'yon eh?! Bago lang po yata 'yung body guard na 'yon?! pero don't worry po dahil kapag nalaman ko yung pangalan no'n eh ipapakilala ko siya kaagad sayo." nakangiting saad ko rito at si ate May-may naman ay nagtatalun-talon at kinikilig na parang akala mo e isang dalaga.
Naku naman!
"Jusko Dani! Ikaw na talaga ang pinagpala! Sobrang ganda mo lalo sa damit mo! nakakaloka!" sambit ni ate May-may sa akin ng maisuot ko ang surprise gift na damit sa akin nina mommy at daddy.
Isa itong blue coat at sa loob no'n ay pastel blue naman na polo shirt habang sa pan-ibaba ko naman ay pantalong itim.
"Happy birthday, Dani! I-enjoy mo ang iyong birthday ha!" masayang pagbati ni ate May-may sa akin at niyakap niya ako na akin namang ginantihan.
Kung may nagtatanong kung ano ang tunay kong sekswalidad.. siguro ay alam niyo na ang kasagutan.
Opo. Isa po akong babae na nagkatawang lalaki. In short, I am gay.
***
"And now, let's give around of applause for our birthday celebrant...
Mr. Daniell Luiss Walton!" pagpapakilala sa akin ng host ng aking party.
Biglang bumukas ang pintuan dahilan para lumakad ako habang naghihintay sa hagdanan ang aking mga magulang. Narinig ko ang malakas na palakpakan at hiyawan ng mga tao ng makita nilang sabay-sabay kaming naglalakad nina mommy at daddy patungo sa event stage.
Mas lalong lumakas ang palakpakan ng mga panauhin at bisita ng mag-focus sa aming tatlo ang on the spot light. Napatingin ako sa aking mga magulang or should I say.. sa aking tumayong mga magulang.
Sina Mommy Luissa at Daddy Eduardo Walton.
Yes. Sila ang tumayong mga magulang ko ng iwan ako ng kung sino sa tapat ng bahay nina mommy at daddy.
Dalawang taong gulang pa lamang ako noon ng ampunin ako nina Mommy at Daddy. At sobrang pinasasalamat ko dahil hindi ko mararamdaman ang karangyaan ng buhay ko ngayon kung hindi dahil sa kanila at kahit hindi man ako galing sa kanilang dalawa ay ni minsan ay hindi nila pinaramdam sa akin na hindi nila ako anak bagkus ay minahal nila ako at tinanggap na para talagang isang anak.
"Happy birthday, anak ko!" nakangiting pagbati sa akin ni mommy. Gumanti ako ng matamis na ngiti sa kanya at binigyan ko siya ng isang halik sa kanyang pisngi.
"Happy birthday, anak! Dalaga na ang anak natin, mahal!" ang bati naman sa akin ni Daddy at nagawa pa nitong magbiro. Napatawa si Mommy dahil sa biro na sinabi ni Daddy at dumagdag pa ang kasiyahan ng dalawa ng napanguso ako sa harapan nila.
Napakaswerte ko sa kanila dahil binigyan ako ng diyos ng mga mabubuti at mapagmahal na mga magulang.
***
"Happy birthday, Dani!" Nakangiting pagbati ni tito Danilo, isa sa mga business partner ni Daddy sa aming kompanya. Matamis akong ngumiti kay tito Danilo at nagpasalamat sa ginoo.
Halos mamanhid na ang panga ko sa pagngiti sa lahat ng mga bisita at parang malalamog na rin ang aking pisngi sa kada panauhing makikibeso sa akin.
Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil ang totoo n'yan ay naeenjoy ko pa nga siya. Syempre kaarawan ko ngayon kaya dapat ito ang gawin ko.
Nang matapos na ako sa mga business partners at kumpare't kumare ng aking mga magulang ay sunod kong pinuntahan ang lugar kung nasaan ang aking mga kaibigan.
"DANI!" Malakas na sigaw nilang apat ng makita nila akong palapit sa kanila. Nang makarating na ako ay mabilis nila akong niyakap na siyang tinugon ko naman dahil na-miss ko sila.
"Happy birthday, Dani!" nakangiting bati sa akin ni Mhessy, ang cute at chubby kong friend. Well, may pagka-serious at mysterious type itong friend ko na ito pero super bait nito at napaka-supportive.
"Happy birthday sa maganda kong frenemy!" ang bati naman sa akin ni Marjori or 'Marj', ang napakakulit s***h madalas kong makaaway sa grupo namin. Pero kahit nagkakaaway kami paminsan-minsan ay nagkakabati rin naman kami agad. Hindi pala away, tampuhan lang talaga.
"Happy happy birthday, Dani Lulu!" Sabay na sabi ng kambal na sina Kara at Mira. Yang kambal naman na yan eh ang mga kaibigan kong ubod ng talino. Kaya sa totoo lang minsan.. hindi namin ma-gets yang kambal na yan eh dahil sa sobrang dami nilang alam.
"Thank you sa inyong apat! I love you, four!" Masayang sabi ko sa kanila at sabay-sabay kaming nag-group hug na lima.
I'm very lucky that I have a friends na super supportive, mababait at mahal na mahal ako!
***
"Let's party!" May kalakasang sigaw naming lima kasama ang iba ko pang mga kaklase at iba pang mga kaibigan. Dahil karamihan sa mga kaklase't kaibigan ko ay anak ng mga ka-business partner nina Daddy at Mommy ay wala silang nagawa ng magpatugtog ng malakas at magsayaw ang mga ito sa gitna at syempre dahil birthday ko nga ngayon ay wala akong nagawa kundi nagpatianod sa gusto nilang mangyari.
"Ang saya!" sigaw ng ilang mga kaibigan ko habang umiindak at sumasayaw. Ako naman ay tumatalun-talon lamang dahil hindi ako masyadong kagalingan sa pagsayaw. Katulad ng mga kaibigan at kaklase ko ay syempre masaya din ako. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa aking mga magulang dahil binigyan nila ako ng isang napakaganda, engrande at napakasayang birthday celebration. Nakita kong ang ibang mga ka-business partner nina Daddy ay nakikisayaw na rin sa aming mga kabataan. At nahuli ng dalawa kong mata ang aking mga magulang na sumasayaw na.
Masaya.
Napakasaya ng lahat.
Ngunit natigil ang aming kasiyahan ng bigla na lamang namatay ang lahat ng mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa aming lahat.
Nagsigawan ang mga tao at nagpanic ang iba dahil sa madilim at walang makita sa buong paligid. Miski ako ay wala akong makita o makilala man lang dahil sa madilim.
Nagulat na lamang ako ng may humapit sa aking baywang at inilapit ako sa katawan nito. Magsasalita na sana ako ng bigla itong bumulong sa aking tainga,
"I missed you."
matapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko na lang na nasakop niya na aking labi. Tumagal ang kanyang halik ng sampung segundo at nang maghiwalay ang aming mga labi ay bigla na lamang nagliwanag sa buong paligid hudyat na may ilaw na. Nang magkaroon ng liwanag ay napatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon na nagbigay sa akin ng libu-libong boltahe at halos lahat ng aking mga buhok ay nagsitayuan. Anong ginagawa niya dito?
"K-Kuy-kuya?"
may nanginginig na boses kong saad sa kanya. Ang kaninang seryosong mukha nito ay biglang napalitan ng isang mapanlokong ngisi.
"Happy birthday, Dani."