Dani Humihingal akong napaupo sa isang bakanteng upuan nang makapasok ako sa isang walang lamang kwarto. Wala rin kasing klase ngayong araw dahil idinaraos ngayon ang aming intramurals. "Dani?" napatigil ako at napakagat ng aking sariling labi ng marinig ko kung kanino nanggagaling ang mga tinig na 'yon. Zac? ani ko sa aking isipan at hindi ko na naman napigilan ang aking sarili dahil napaluha na naman ako. Bumalik na naman kasi ang mga tagpo kanina na kung saan nahuli ko si Zac at Britney na naghahalikan. Ang sakit. Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang sigawan, murahin at sampalin ngunit hindi ko kayang gawin ang mga ito. Hindi ko alam kung bakit pero sadyang mahal ko lang talaga yata si Zac dahil imbis na saktan ko siya at sampalin ay nagawa ko

