Dani "Ang galing talaga ng bestfriend namin!" nakangiting saad ni Marj sa akin pagkababang-pagkababa ko sa entablado kasama nito ang kambal at si Mhessy. "Syempre naman!" sabay na saad ng dalawang kambal at sumasang-ayon ang mga ito sa sinabi ni Marj. tanging ngiti lamang ang naging tugon ko sa mga sinabi nila dahil sa totoo lang ay nakakaramdam pa rin ako ng sakit sa lahat ng mga nasaksihan at nalaman kong panlo loloko sa akin ni Zac. "Hay naku Dani.. ayan ka na naman at nagmumuni-muni ka na naman d'yan." wika ni Marj sa akin nang makita niya akong malungkot. "Hindi.. may iniisip lang ako." Saad ko sa kanya. "Sino naman? si Zac ba?" napatigil ako sa tinuran ng aking kaibigan. Napatingin ako kay Marj at nakita kong umiling-iling ito sa akin. "Naikwento na sa amin ni Mhessy yung t

