Dani Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Kinusot ko ang aking mga mata at saka humikab. Napangiti ako ng makita ang lalaking nasa tabi ko ngayon at ito'y nakayakap ng mahigpit sa akin. Possessive much talaga ito! Napatitig ako sa kanyang mala anghel na mukha. Mahahabang mga pilik-mata, perpektong tangos ng ilong, manipis na mapupulang labi na bigla na lamang nagpasabik sa aking sistema. Nakagat ko na lamang ang aking sariling labi habang pinagmamasdan ko ang kanyang mapang akit na mga labi. Hoy Daniell Luiss! Masyado mo ng pinagnanasahan iyang ku--- este 'yang si Daimonn! "your very handsome prince is waiting for your kiss, Dani." Nanlaki bigla ang mga mata ko ng may nagsalita na lamang at ito'y walang iba kundi ang kaharap ko ngayon at nakangising si Dai

