Dani "Tip lang, Dani.. ang magpapawala lamang sa galit ng isang demonyong katulad ni Daimonn ay isang mapusok at nag-aalab na halik" Bwisit! Nakakarindi naman at kanina pa paulit-uli sa aking isipan ang sinabi ni Rence sa akin para mapaamo ko raw si Daimonn. Tsk! Pero teka.. sandali nga lang, bakit ganon? bakit kailangan ko siyang kumbinsihin at paamuhin eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya? "Ano bang nagawa kong mali?" tanong ko sa aking sarili at napailing na lamang. Hindi ko namalayang sa kakaisip ko ay nasa tapat na pala ako ng kwarto ni kuya Daimonn. Ano nang susunod kong gagawin? Kakatok pa ba ako sa kwarto niya? Papasok na ba ako? Hihingi na ba ako ng sorry? Hahalik--- Wait! Bakit kailangan ko siyang halikan? At bakit din pala kailangan kong humingi ng tawad sa kan

