Dani "Huy Dani! Nakikinig ka ba?!" napalingon ako sa katabi ko na si Alexis habang hinihintay ang isasagot ko. "Ha?" wala sa sariling saad ko rito dahil ang totoo n'yan ay patuloy ko pa ring iniisip ang kaganapan kanina sa pagitan namin ni kuya Daimonn. Nakita kong napakamot ng ulo si Alexis at matapos ay tinignan ako nito ng seryoso. "Alam kong mabilis ang pagkakaibigan natin, Dani at wala pa tayong isang taon na nagkakilala pero kung may gusto ka mang pag-usapan at sabihin ay nandito lang ako at handa akong makinig sa sasabihin mo." sambit nito sa akin at ngumiti ng kay tamis-tamis. Gumanti ako ng ngiti sa kanya at lubos akong nagpasalamat dito. "Thank you, Alexis. Hindi naman sa wala akong tiwala sayo o kung ano pa mang dahilan pero hindi naman masyadong mabigat yung problemang me

