Dani "Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi mo ako kuya, Daniell Luiss!" naiinis nitong sabi sa akin habang nakakunot na naman ang kanyang noo. Paano ba naman kasing hindi siya maiinis?! Magsasabi na nga lang daw kasi ako ng 'I love you' eh may kasama pa raw na kuya. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya at sa pagkunot na naman ng kanyang noo. "Alam mo.. mannerism mo na talaga yang pagkunot ng noo mo!" Bumubungisngis kong ani sa kanya at mas lalo na naman akong natawa ng kumunot na naman sa pangalawang pagkakataon ang kanyang noo. "Huwag mong ilihis ang usapan, Dani! Ang gusto ko ngayon eh sabihin mo sa'kin yung sinabi mo kanina." wika nito at nagbago ang ekspresyon niya dahil ngayon ay nakangisi na ito. Umiling-iling ako dahil sa sinabi niya at inilapit ang mukha ko sabay guman

