Dani "Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi nga ako marunong lumangoy!" naiinis kong sabi kay Daimonn dahil kanina pa ako nito pinipilit na maligo raw kami sa dagat at kanina pa rin paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako marunong mag-swimming. "Ilang beses ko rin bang sasabihin sayo na ako nga ang bahala sayo! Hindi naman kita bibitawan doon! Kaya tara na!" Sabi naman ni Daimonn sa akin at pilit niyang hinahatak ang kamay ko para makapunta sa dalampasigan. "Ayaw ko nga!" atungal kong sabi rito at binabawi ang kamay ko sa kanya. Binitawan niya naman ang mga kamay ko at nakita kong namaywang ito habang nakatingin ng masama sa akin. "Ayaw mo talagang sumunod sa akin, Daniell Luiss!" Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya at nagulat na lamang ako ng mabilis niya akong nilapita

