Dani "Huhulaan ko kung bakit ka umiyak." ani ni kuya sa akin na katabi ko habang ito ay nagmamaneho. Tinignan ko siya at nakita kong naka-pokus lamang ang kanyang mga mata sa daan. "Si Zac ang dahilan 'di ba?" bigla niyang sabi sa akin at tinignan ako. Mabilis kong iniwas ang aking mga mata sa kanya at minabuti ko na lamang tumingin sa bintana ng sasakyan. Narinig kong mahina itong tumawa dahil siguro sa pag-iwas ko sa kanyang sinabi tungkol kay Zac. "Ilang beses ko na kasing sinabi sa iyo na hindi kayo pwedeng dalawa ni Zac." saad ng katabi ko dahilan para mapalingon akong muli kay kuya Daimonn. Nakita kong nakangisi ito habang ito ay patuloy pa rin sa kanyang pagmamaneho. "Kuya Daimonn, pwede ba hindi ito tungkol sa amin ni Zac." seryosong saad ko sa kanya ngunit tumawa lamang ito da

