Dani Napakahusay naman nitong friend namin!" saad sa akin ni Marj habang pumapalakpak ito matapos kong kumanta. Ngayon kasi ay nag-eensayo ako para sa nalalapit na Battle of the Bands at dahil suportado ako ng mga kaibigan ko ay sumama ang mga ito kung saan ako nag-re-rehearsal. "Totoo ka d'yan, Marj! Nakakanggit nga eh! Alam mo kung may ganyan akong boses na katulad kay Dani eh baka nag-champion na ako sa The Voice at The Clash!" Wika ni Kara na sinang-ayunan naman ng kanyang kambal na si Mira. "Sandali nga lang." ani ni Mira dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Bakit Mira?" "Dani, nagtataka lang kasi ako.. hindi ba't battle of the bands ang sasalihan mo? Eh kung gano'n, bakit wala kang kasamang mga guitarist, drummers o di kaya pianist? kasi 'di ba ganun sa music hero ng eat bulag

