"Besh halika na. Nagpunta na silang lahat sa clinic." Inalalayan ako ni Ella sa pagtayo. Hindi ko na namalayan kung gaano na ako katagal na nakaupo sa may buhanginan. Pinunasan ko ang aking mga mata na hilam sa luha. "B-Besh, b-bakit g-ganon? A-Anong n-nangyari s-sa kanya?" Marahang pinunasan ni Ella ang aking mukha saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi. "Besh, hindi natin alam kung ano ang talagang nangyari. Kaya nga kailangan natin siyang puntahan para masagot ang lahat ng ating tanong." Napayakap ako kay Ella at napahagulhol. Ang tagal kong hinintay na magkita ulit kami ni Valdez. But never in my wildest dream and imagination that we will meet again in this kind of situation. "B-Besh p-paano k-kung k-kina--" "Shhh. Huwag mong pangunahan Denden." Putol ni Ella sa sasabihin ko. B

