Prologue
New York
I was f*****g devastated! Its been only three months ago since I left the Philippines, but here comes the news that really drives me crazy!
Dennise Michelle Lazaro going out with Myco Antonio.
Antonio and Lazaro already a couple?!
The DLSU GREEN SPIKER Myco to court the ADMU PRINCESS LIBERO Dennise?
Its all in the social sites. And as much as I want to do something, I just can't! I am miles away from her; different culture, different place, different people, different time zone! New York to Philippines! I'm really doomed!
I closed my eyes tightly only to see Den's smiling face. I already drink a lot, but why the hell the alcohol doesn't do any justice on what I'm feeling right now?!
The pain, the sorrow, the loneliness, the longing, the love.. All I'm still feeling right now! And it all leads to her. My Dennise..
As much as I tried to think that this will be for the best, the pain inside me shouts that its not really fair!
I got inside my car and started the engine. I don't know where will I go. I just drive and drive. My cellphone kept on ringing but I don't like to answer.
Nagsimulang mag-unahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata. Ang sakit-sakit na! Iyong puso ko parang pinukpok ng bato at dinurog-durog. Umasa si Den na ipaglalaban ko siya, pero hindi, hindi ko ginawa! Nagagalit ako sa sitwasyong kinasadlakan ko dahil wala akong ibang napagpilian! Kahit alam ko na tama lang ang ginawa ko, that I made the right choice and the right decision, but why the hell am I suffering?! Bakit kahit alam kong tama naman ang ginawa ko, ang sakit-sakit ng puso ko? Pinaghahampas ko ang manibela sa sobrang inis, galit, lungkot, at sakit na nararamdaman ko.
Tama na Alyssa. Sundin mo ang gustong mangyari ng Daddy mo, ng Papa at Lolo ni Dennise! Kalimutan mo na siya at mag move on ka na! Isipin mo ang sinabi ng Papa ni Dennise, dahil ito ang tama!
I remembered what my father told me. Nakikita ko ang lungkot at sakit sa mukha niya. Its the first time na nakita ko ang ganoong side ni Daddy.
"Alyssa anak, please, magmahal ka na ng iba. Huwag lang si Lazaro! Kahit sino tatanggapin ko, kahit hindi si Laura. Basta huwag lang ang Lazaro na yon anak, please nakikiusap ako sa'yo. Kalimutan mo na siya.."
Napapikit ako at pumasok sa isip ko ang malungkot na mukha ng aking ama. Sinundan ng nakaluhod na si Tito Denver. Tapos ang nakangiti, umiiyak at nasaktang mukha ni Dennise.
'Please, forget her Aly. Forget Lazaro.'
Paulit-ulit ang sinabing iyon ni Daddy. "I can't forget her! I just can't..." Pagmulat ko ng mga mata, hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa isang intersection. Dahil napadiin ang apak ko sa silinyador, hindi agad ako nakahuma upang matapakan ang preno.
Isang nakabibinging busina at nakasisilaw na ilaw ang nagpalakas ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko isa akong papel na magaang tumilapon palabas ng aking sasakyan. Naramdaman ko ang paglapat ng katawan ko sa semento at ang pagkakabagok ng ulo ko sa isang matigas na bagay.
Napahawak ako sa may leeg ko at kahit nangangatal ang aking mga kamay, dahan-dahan kong tinanggal ang kwintas pati na ang singsing na pendant nito. Hinigpitan ko ang hawak dito at mapait na napangiti.
"Dennise.."
And that's when everything went black..