One

2349 Words
"Rad, tingnan mo sila? Bakit ba tingin sila ng tingin sa atin?" Nakapatong ang ulo ko sa aking kanang kamay na nakatukod sa mesa. Habang hinahalo ko ang aking kape gamit naman ang kaliwa kong kamay. Nasa labas kami ng isang coffee shop kung saan kami nagmemeryenda. Hindi naman kasi mainit kaya dito na lang kami nakapwesto. "Alam kong sobrang ganda mo, Rad, pero bakit pati ako tinitingnan nila ng ganyan?" "Grabe, Aly! Ang laki ng problema mo!" Sarcastic na sabi ni Rad habang nakangiti ng sarkasmo at umiiling-iling. "Hindi nga! Palagi na lang silang ganyan! Malimit tingin ng tingin!" Seryoso kong sabi. Pinipigilan ko ang hindi matawa dahil gusto ko talagang inisin si Rad. "Eh paano, alien sa kanila ang naririnig nilang pag-uusap natin!" Sabi nito tuloy inom sa banana shake nya. "Huh? Bakit naman naging alien?!" Inosente kong tanong. Gusto ko ng matawa dahil nanlalaki na ang mga mata ni Rad na parang hindi makapaniwala na tinatanong ko siya ng mga ganong bagay! "Seriously?!" Nakataas na ang kilay nya. "Aly, baka nakakalimutan mo! Nasa New York ka! At sa tagalog tayo nag-uusap!" Hindi ko na napigilan ang matawa. Ang epic ng reaksyon ni Rad. Nakanguso pa. Natigil ako sa pagtawa nang bigla nya akong batuhin ng tissue na sumapol sa aking mata. "Bakit ginawa mo yon?" "Nangtitrip ka na naman eh!" Nakaingos nitong sabi. I smiled at this. Eversince na nakilala ko si Rad, sobrang gaan na agad ng loob ko sa kanya. Kaya siguro mabilis din akong napalapit sa kanya. Kahit ilang taon ang tanda nya sa akin, nasasakyan naman namin ang trip ng isa't-isa. I looked at her and smiled sweetly. "Ano na naman yan Aly?!" Nakakunot ang noo nitong tanong habang nakanguso. "I will miss you, you know?" Tinitigan ko siya at muling ngumiti. Magbabakasyon kasi sa Pilipinas si Rad. At dahil siya lang naman talaga ang malapit kong kaibigan dito sa New York, sobra ko talaga siyang mamimiss. Lalo pa nga at six months ang bakasyon nya. She raised her brows and looked at me in disbelief. "Bakit kapag ganyan ang reaksyon ng mukha mo, parang ayaw kong maniwala?!" Sumimsim ako sa aking kape. Amuse ko siyang tiningnan. "Ganyan ka naman parati eh. Kapag seryoso na ako ayaw mong maniwala." "Eh paano naman kasi ganyan ang mukha mo!" "Bakit ano bang meron sa mukha ko?" Nakakunot kong tanong. "Parang parating nakakaloko!" Nakaingos nitong sabi bago binalingan ang chocolate cake nya na nasa isang platito. I smirked. "So what reaction do you want me to portray, para lang maniwala ka na nagsasabi ako ng totoo?" "Kailangan mong umiyak at lumuhod sa harapan ko!" Nakakaloko siyang ngumisi. "Haha! So I will not convince you anymore to believe me!" I said as I chuckled. She shrugged and looked at me intently. "Why don't you just come with me Aly?" Natigil ang paghigop ko sa aking kape at nabura ang ngiti sa aking labi dahil sa tanong nyang iyon. Parang nalulon ko ang dila ko dahil wala akong maapuhap na sasabihin. "C'mon Aly, mabilis lang naman ang six months. Saka its been how many years na rin." Sinamantala ni Rad ang pananahimik ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ano bang ikinakatakot mo?" Hindi ko na itinuloy ang paghigop ko ng kape. Tumingin ako sa kanya ng mataman. "You're kidding me, right?" Ito ang topic na ayaw kong pag-usapan namin ni Rad or kahit ng pamilya ko. Ang pag-uwi ko ng Pilipinas. Iniisip ko kasi na wala na rin namang dahilan pa para umuwi ako. Narito na ang buo kong pamilya. At okay na rin naman ako rito, so bakit ko pa kailangang umuwi? "Alam mong hindi ako nagbibiro Aly." Tumingin siya sa akin ng seryoso at parang tinatantya nya ang aking reaksyon. Kinuha ko ang tissue na nasa isang gilid ng mesa saka ko pinunasan ang aking labi. "Ang totoo naman nyan, Rad, hindi naman talaga kita mamimiss." Binawi ko na lang ang sinabi ko sa kanya kanina para hindi na nya ipilit pa ang issue na ito. Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Ayokong salubungin ang mga mata ni Rad. Kilala na rin nya ako kahit paano at ayokong mabasa nya kung ano ang nasa isip ko. "Aly don't you think its about time to go back?" She said it almost a whisper. I clenched my jaw and gave her a daggering look. "I don't even know why we end up in this kind of conversation!" Ang kaninang maganda kong mood ay unti-unting nag eevaporate at napapalitan ng pagkainis. "Alyssa, hindi naman habang buhay mo na lang tatakasan ang nakaraan mo!" Hindi ko alam kung ano ba iyong nababasa ko sa mga mata ni Rad. But whatever it is, I really don't like it! Naikuyom ko ang palad ko na sinundan nya ng tingin. "Hindi ako tumatakas Rad! I just don't see any reason to revive my past!" I bit my lip. "Look at me Rach! I'm having a good life right now. Ano pa bang gusto mo?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses. Hindi lang si Rad ang nagtutulak sa akin na umuwi ng Pilipinas. Pati na rin sina Kuya. Seriously?! Masaya naman ako ngayon sa buhay ko, so bakit ba kailangan pang lagyan ito ng komplikasyon?! "Huwag mo akong sigawan Aly!" Mariin nitong sabi. "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ka ba natatakot umuwi?" I snorted. "Hindi ako natatakot umuwi Rad! Narito na ang buo kong pamilya? Sinong uuwian ko don?" "You're Tita Rona is still there. Eh ako nga, nasa Germany na ang buong pamilya ko pero doon ko pa rin gustong magbakasyon eh!" Tama siya. Naroon pa nga sa Pilipinas si Tita Rona dahil siya ang namamahala sa iniwang kompanya ni Daddy. Dahil na rin siguro sa walang hilig sina Kuya Nelvin at Kuya Aldrin sa business, walang ibang choice si Tita na siya ang magtake over. "Hindi ako katulad mo!" Nakaismid kong sabi. "Iyon nga rin ang ipinagtataka ko sa'yo Rad. Why do you have to go back to the Philippines, when in fact nasa Germany naman ang pamilya mo." Biglang natahimik si Rad. Napatungo siya sa chocolate cake nya at nilaro-laro ito gamit ang kanyang tinidor. "I need to see her for the last time.." Halos pabulong lang ang pagsasabi ni Rad ng mga salitang iyon pero hindi naman ito nakalampas sa pandinig ko. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait para sa kaibigan. "Hanggang sa huli gusto mo pa ring sumugal?!" Maganda naman si Rad. Kung tutuusin ang dami-daming nagkakagusto sa kanya rito, mapa kapwa Pilipino or ibang nationalities. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa tagal na rin nya rito sa New York hindi nya malimutan ang babaeng yon. And to be honest, I really do like Rad. But everytime I will step forward to show her how I really feel for her, parati nya akong pinipigilan. Hindi nya talaga hinahayaang may makapasok sa puso nya kahit ako pa ang pinag-uusapan. At parati nyang sinasabi sa akin na hindi naman daw totoong pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. Maaari raw na infatuation lang ito. Pero sa tuwing tinatanong ko siya kung paano nya nasasabi yon, nagkikibit balikat lang siya at tipid na ngingiti hanggang sa hindi ko na nga rin ipipilit pa ang issue. "I have nothing to lose, Aly." Sinalubong nya ang mga mata ko at nakikita ko sa kanya na talagang determinado siya. "But you know also that you have nothing to gain!" Mariin kong sabi. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil ito. "C'mon Rad, why don't you just give 'us' a chance?" Mabilis nyang hinila ang kamay nya at tumingin sa malayo. "Aly, you know from the start na kapatid lang ang turing ko sa'yo. Ayokong mau--" "But if you will just give me a chance, you know for a fact na pwedeng magbago yon!" I cut her off. "Bakit ba ipagpipilitan mo ang sarili mo sa taong ni hindi ka naman pinahalagahan?!" Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko nang makita ko sa mga mata ni Rad ang sakit at pait sa mga salitang nabitawan ko. Tumingin siya sa akin at mapait na ngumiti. "Do you really love me, Aly?" "Ano ba namang klaseng tanong yan, Rad?" Napatuwid ako ng upo. Masaya naman ako kapag kasama ko siya. Malimit kaming magkasundo sa maraming bagay. Bihira naman kaming magtalo or mag-away. Ano bang dapat kong itawag pa sa nararamdaman ko? "Alam mong mahal kita." "Then come with me in the Philippines." Hindi agad ako nakapagsalita. Nakatingin siya sa akin at hinihintay nya kung anong sasabihin ko. Ang mga mata nya parang may pilit binabasa sa mga mata ko. "Rad, are you serious?! Alam mo na--" "Babalik ako sa Pilipinas para tuldukan na ang nakaraan ko. And I want you to do the same thing." Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa tinuran nya. Wala naman akong dapat pang tuldukan. "Rad, ikaw lang ang may dapat tuldukan. Matagal ng may tuldok ang nakaraan ko." "Maiintindihan ko kung magsisinungaling ka sa akin. Pero sa sarili mo, Aly?! Don't be such a hypocrite!" She gave me that kind of look na parang nanghahamon. Napatiim bagang ako. Bakit ba nauubusan ako ng paliwanag kay Rad? Para bang nababasa nya ang mga nasa isip ko, pati na ang mga nasa kasulok-sulukang parte ng utak ko. I closed my eyes and gently massage my temple. "I know that you don't really love me Aly. Hindi ko alam kung anong eksaktong damdamin mo para sa akin, pero nakasisiguro ako na hindi iyon gaya ng pagmamahal na iniisip mo." Pilit nyang hinuhuli ang tingin ko na para bang doon nya malalaman ang totoo. "Let's have a truce, Aly." I didn't respond. I just gave her a quizzical look for her to continue talking. "Alam kong paghanga lang ang nararamdaman mo sa akin Aly, pero sige, bibigyan ko ng chance iyong sa ating dalawa right after nating masettle ang ating past." She said it in a serious tone. I arched my brow and move my head sideways. "Wala akong dapat i-settle sa past ko Rad." I sighed. "Hihintayin na lang kitang bumalik dito. At kapag ready ka ng bigyan ng chance ang kung anumang meron sa atin, then be it. Just so you know, I'm willing to wait just for you." Tumayo na ako. Ramdam ko ang pagsunod nya ng tingin sa bawat kilos ko. "Mauuna na ako sa'yo. I'll see you around." Dumukot ako ng pera sa bulsa ko saka ko ito ipinatong sa table. Tinalikuran ko na si Rad at mag-uumpisa na sana akong humakbang nang muli kong marinig ang boses nya. "But I need you to be there for me Aly." Kahit mahina ang tinig ni Rad dinig na dinig ko ito at hindi nawala sa pansin ko ang desperation sa boses nya. Muli ko siyang nilingon. Nakatungo pa rin siya sa kanyang chocolate cake. "Rad.." Saka siya tumunghay nang marinig nya ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Parang gusto ng maiyak ng mga matang iyon ni Rad. "Aly, kailangan kita. I-I j-just c-can't do it on my own.." She looks so pitiful. Muli akong bumalik sa pwesto ko at ginagap ang dalawa nyang kamay. "Rad, hindi mo na naman kailangang gawin pa ito. Just stay here with me, para hindi ka na masaktan." Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobra-sobra pa rin ang pagmamahal ni Rad sa babaeng wala namang ibang ginawa kung hindi saktan at paasahin lang siya. "A-Aly, s-she's getting married." Tuluyan ng tumulo ang luhang pinipigilan ni Rad. I hate seeing her like this. Napakamasayahin ni Rad pero pagdating sa babaeng mahal nya, nagiging katulad siya ng isang bata na animo iniwan ng kanyang mga magulang at wala ng ibang mapuntahan. "I-I j-just w-want to know kung minahal nya ba talaga ako.." Pinunasan ko ang kanyang luha. "Rad, para saan pa? Tama na. Huwag mo ng saktan pa ang sarili mo." Pinisil ko ang kanyang mga kamay. "If you want, pwede tayong magbakasyon sa Paris. O kaya pwede rin sa inyo, sa Germany." Nagkibit balikat ako at nginitian siya. "Just stop hurting yourself." Bumitaw siya sa pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay saka siya bumuntong hininga. "Please Aly. Samahan mo na ako. Hindi ko siya kayang harapin ng ako lang.." "Rad.." "After this, titigilan ko na ang kalokohang ito, Aly. Promise! Last na ito! I just need to fight for her for the last time!" Nasa mga mata ni Rad ang pagsusumamo. This is one thing I admire about Rad. Kahit alam nyang at the end masasaktan lang siya, patuloy pa rin siyang sumusugal. Isang bagay na hindi ko kayang gawin. Umiling-iling ako. "I'm sorry. But I just can't come with you Rad." "Pero Aly, kai--" "I can't, okay? I'm sorry." Muli akong tumayo upang hindi na nya ako pilitin pa. Wala na akong balak pang bumalik ng Pilipinas. Hindi ko alam kung anong eksaktong dahilan, basta ayoko ng umuwi. Masaya na ako rito sa New York. Nilapitan ko siya at masuyong hinalikan sa pisngi. "I'll just see you when I see you, Rad. Bye." Nag-umpisa na akong maglakad palayo sa kanya. Hilingin ng lahat ni Rad sa akin at pagbibigyan ko siya. Basta huwag lang ito. Huwag lang ang pagbabalik ko sa Pilipinas. "Aly!" I was stop on my track when she called out for my name. Hindi ko siya nililingon. Hinintay ko na lang ang sunod pa nyang sasabihin. "If you can't do it for yourself, then do it for me, please. Aly samahan mo ako sa Pilipinas. Kailangan kita sa tabi ko." Her voice is starting to crack. "I-Ikaw n-na l-lang ang meron ako. Ikaw lang ang ang tanging nagpapalakas ng loob ko. So please, come with me." Napapikit ako ng mariin. I even clenched my fist. Nagbalik sa akin iyong mga panahon that when I badly needed someone, Rad was the only person whose always been there for me. Kahit hanggang ngayon, hindi nya ako binibigo kapag kailangan ko siya. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa paghakbang palayo kay Rad. Isang simpleng hiling lang Alyssa. Pero bakit hindi mo siya mapagbigyan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD