Two

2249 Words
Malayo pa lang natatanaw ko na si Rad na palingon-lingon sa kanyang paligid at tila may hinahanap. Nasa may tapat ng tenga nya ang kanyang cellphone. "Hello, Rad.." Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng lihim. "Where the hell are you, Alyssa?!" Mababakas sa boses ni Rad ang pagkainis at pagpapanic. "Hindi mo na nga ako sasamahan pauwi sa Pinas, hindi mo man lang din ako ihahatid?!" Looking at her from a distance I can see on her reaction that she's kinda pissed. "Pasensya na, na-stuck lang kasi ako sa traffic." Nakatalikod siya sa akin at hindi nya ako nakikita kahit panay ang lingon nya sa paligid. Sabagay, imposible naman ngang makita nya ako sa dami rin naman ng tao rito sa airport. "I really hate you, Aly!" Mangiyak-ngiyak nyang maktol. "Malapit na akong magcheck-in! Alam mo namang ngayon na ang flight ko! Nakakainis ka talaga!" "Huwag kang mag-alala, aabot naman siguro ako." "Kapag hindi ka talaga umabot, Aly, magkalimutan na! Bahala ka!" Ibinaba na nya ang kanyang cellphone. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimple nyang pagpahid sa kanyang mga mata. Siguro naiyak na siya. Binalingan ko sina Kuya na nasa likuran ko. "Paano Kuya? See you after six months?" Pinilit kong pasiglahin ang aking boses upang hindi nila mahalata ang lungkot na bigla kong naramdaman. Sa anim na taong pagtigil ko rito sa New York sobrang napalapit na ako sa kanila. Kahit pa nga magkaiba kami ng ina, hindi naman ito naging hadlang para mas mapalapit sila sa akin at ako sa kanila. And this will be the first time na talagang mapapalayo ako sa kanilang dalawa. Lumapit sa akin si Kuya Aldrin, ang panganay sa aming tatlo. "Bunso, kapag nagkaproblema ka ha? Tawagan mo agad si Kuya ha?" Hinahagod-hagod nya ang likod ko. "Kuya naman! Ilang beses mo ng sinabi sa akin yan ah?" Ingos ko. Napatingin ako kay Kuya Nelvin na nakamasid lang sa amin at napapailing-iling. Sa kanilang dalawa, si Kuya Aldrin talaga ang masyadong nagbe baby sa akin. Noong nagsabi nga ako sa kanila na magbabakasyon ako sa Pilipinas at sasama ako kay Rad, hindi agad pumayag si Kuya Aldrin. Si Kuya Nelvin lang ang pilit na kumumbinsi kay Kuya para payagan na ako. Ayon sa kanya, mas mabuti nga raw at naisipan kong umuwi sa Pinas. Tinapik-tapik ni Kuya Nelvin si Kuya Aldrin. "Hayaan mo na yang si bunso Kuya. Matanda na yan!" Bumaling siya sa akin at pasimple akong kinindatan. Niyakap nya ako at marahang tinapik-tapik sa likod. "Basta alam mo naman bunso na palagi kaming nakaalalay sa'yo ni Kuya Aldrin ha?" Tumango-tango lang ako. Ayokong maiyak, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I don't know what's waiting for me in the Philippines. All I know is that, maybe Rad is right. Baka nga kailangan ko na ring i-settle ang mga bagay na naiwan ko sa aking past. Maybe this is what I really needed to start anew. "K-Kuya n-naman kasi eh. Babalik naman ako eh." Hindi ko na napigilan ang pagmamaktol dahil nag-umpisa na akong maiyak. Mabilis namang lumapit sa akin si Kuya Aldrin at pinunasan ang aking luha. "Bunso ha? Sabi ko sa'yo umayos ka!" Napatawa ako sa tinuran ni Kuya. "Kuya talaga! Oo na!" Hinawakan ko na ang aking maleta. "Sige na, ayoko ng magkaiyakan pa tayo rito. Saglit lang naman akong mawawala. Puntahan ko na si Rad don!" Inginuso ko pa ang pwestong kinatatayuan ni Rad na patuloy pa rin ang palinga sa kanyang paligid. Halos magkapanabay pang tumango sina Kuya bago ako muling niyakap. "Tawag ka agad ha kapag nakarating ka na don!" Si Kuya Aldrin. "Opo!" Tumatango kong sabi. "Kuya Nelvin, allowance ko ha?" Birong totoo ko. Tumango ito at nagthumbs up pa. "Akong bahala bunso!" "Bye!" Mabilis lang akong kumaway sa kanila at tuluyan na silang tinalikuran. Mamimiss ko sila for sure. Pero alam ko namang mabilis lang ang six months. Huminga pa ako ng malalim bago ako naglakad patungo sa pwesto ni Rad. "Hey!" Tumayo ako isang dipa ang layo mula sa kanya. Mabilis ang ginawa nyang paglingon. Tinawid nya ang konting distansya sa pagitan namin saka ako niyakap. "Nakakainis ka talaga Aly! Bakit ngayon ka lang?! Magche-check in na ako oh?" Maktol nito habang panay ang hampas sa braso ko. "Bakit late na ba tayo sa flight natin?" Hindi alam ni Rad ang plano kong pagsama sa kanya. Hindi ko talaga ipinaalam ito sa kanya dahil gusto ko siyang masorpresa. "Anong late na tayo?!" Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako ng masama. "Hindi ba hindi mo naman ako sasa--" Napatingin siya sa maletang hawak ng aking kanang kamay pati na sa kaliwa kong kamay kung saan hawak ko naman ang aking passport na may nakasingit na puting papel na siyang plane ticket ko. Nanlalaki ang mga mata nya nang tumingin siya sa akin. "Aly..?" Tumango-tango lang ako bilang sagot. Napatutop lang siya saglit sa kanyang bibig bago ako muling niyakap. "Oh God Aly! You don't know how much this means to me!" Garalgal na ang boses ni Rad habang mahigpit akong niyakap. Hinagod-hagod ko siya sa kanyang likuran. "Basta may utang ka sa akin Rad!" Biro ko. "Anything you want Aly!" Ear to ear ang ngiti niya matapos nyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. I gave her a mischievous smile. "Really? Sige katawan na lang, okay na ako!" Isang malakas na hampas ang nakuha ko kay Rad dahil sa tinuran ko. "Kailan ka pa natutong maging manyak ha?!" Nakataas ang kilay nyang tanong pero nakangiti naman. Nginitian ko siya at nagpacute. "Ngayon lang!" Hindi ko na napigilan ang matawa. Inakbayan ko siya at iniharap kina Kuya na naghihintay pa rin. "Magpaalam na tayo sa dalawa kong Kuya!" Sabay nguso ko sa pwestong pinag-iwanan ko sa dalawa kong kapatid. Mabilis na kumaway si Rad kina Kuya na ginantihan naman ng mga huli. "Akong bahala kay Aly, mga Kuya!" I heard Rad mouthed to my two brothers that made me smile. Kumaway na rin ako kina Kuya. "Halika na Rad. Baka maubusan tayo ng mauupuan!" Biro ko sa kanya saka siya muling inakbayan. "Sira ka talaga, Aly!" Napapailing nitong sabi saka nagpatianod sa paglalakad. Hindi nawala sa pansin ko ang pagkakangiti ni Rad. Hindi naman siguro mali ang desisyon ko na sumama sa kanya sa Pilipinas.. *** Philippines "Doc ano? Okay lang po ba si Lost?" Hindi ko maiwasan ang mag-alala kay Lost na halos bumaba na ang timbang dahil sa padalawang araw nyang pagsusuka. Dr. Beth, Lost's veterinarian gave me a reassuring smile. "Don't worry, Denden, Lost will be okay." Umupo siya sa kanyang table at iminuwestra ang silyang nasa harapan nya at pinaupo ako. "Tinurukan ko na siya ng gamot para bumalik ang lakas nya. Reresetahan din kita ng vitamins na isasama mo sa iinumin niya para makabawi siya ng timbang." Tumango-tango ako at tipid na ngumiti. "Ano ho kayang nangyari kay Lost at nagkaganyan siya?" Napailing-iling si Dr. Beth. "C'mon Denden, ang tagal-tagal ko ng vet nyang si Lost, until now, hindi pa rin nawawala ang pag-ho mo sa akin." Napatikhim ako sa tinuran ng batang doctor. Alam kong we're almost just at the same age, pero hindi ko pa rin maiwasan ang maging pormal at civil sa harapan ng vet ni Lost. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pagpapalipad hangin niya sa akin. Kung hindi lang talaga hiyang sa kanya si Lost matagal na akong nagpalit ng ibang doctor. "I'm sorry. Ayaw ko kasing isipin ng mga empleyado mo rito na may special treatment ka sa mga pasyente mo." She arched her brow and smiled at me seductively. "You know very well that you're special to me Denden." I tried to calm my nerves and control myself not to be rude. "Dr. Beth, I think I sho--" "C'mon Den, why don't you just call me Beth." Tumayo ang doctor at unti-unting lumapit sa akin. "After all, malapit na rin naman maging business partner ang ating mga pamilya." Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at lumipat sa likod ng silya upang may pumagitna sa amin. I won't deny the fact that Beth is really beautiful. Matalino rin naman siya at mabait. But somehow, I just don't really like her guts. Kaso hindi ko rin naman siya maiwasan. Dahil kapag may family gathering kami, parati siyang present. Palibhasa malapit na kaibigan ng Lolo ko ang pamilya nito. "I think I should go." Nilampasan ko siya pero mabilis nya akong naagapan sa braso. "Not so fast honey." Halos dumikit na ang bibig nya sa tenga ko kaya ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga. Napatiim bagang ako. Sinubukan ko pa ring magtimpi dahil ayoko pa ring may makakarating na naman na kung ano-anong balita kay Lolo. Lalo pa nga at involve ang babaeng nasa harapan ko. "Get off your hands of me, Beth!" Mariin kong sabi. "And please! Don't call me honey!" Walang sinuman ang mayroong karapatan na tumawag sa akin ng ganoong endearment! "Pwede mo naman pala akong tawagin sa pangalan ko eh." Nakangisi siya ng nakakaloko. Marahas akong nagpumiglas sa pagkakahawak nya sa aking braso dahil mukhang wala siyang balak pakawalan ako. At hindi ko rin gusto ang pakiramdam ng pagkakadikit ng balat nya sa balat ko. "Siguro, mas mabuti kung maghahanap na lang ako ng ibang veterinarian ni Lost." Inilang hakbang ko ang nakasaradong pinto. "Salamat sa serbisyo mo, Doc." Hindi ko siya nililingon. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng kanyang opisina narinig ko pa ang sinabi niya na nakapagpainit ng ulo ko. "I'll make you mine Denden. Malapit na." She said it with full of confidence and conviction. "You wish!" Pabagsak kong isinara ang pinto. Wala na akong pakialam kahit napatingin sa akin ang mga tauhan ni Beth. Mabilis kong nilapitan si Lost at kinarga ito. "How much do I need to pay?!" Nakataas ang kilay ko sa isang babae na nakaupo sa likod ng isang mesa. Secretary siya ni Beth. Hindi ko na inisip kahit mataray man ang naging dating ng pagtatanong ko. Kasalanan ito ng amo nya! "A-Ah M-Ma'am sabi po ni Doc, huwag na raw po kayong singilin." Parang naintimidate sa akin ang babae dahil hindi siya makatingin sa akin ng derecho. "Ito nga po pala ang vitamins na isasama nyo sa iinuming tubig ng alaga nyo. Three times a day po yan." Kinuha ko ang iniabot nya sa akin. Hindi na ako nag pilit na magbayad pa dahil alam ko na rin ang kahahantungan nito. "Salamat." Mabilis ko siyang tinalikuran lalo pa nga at nakita ko ng magbukas ulit ang opisina ni Beth at nginitian pa ako ng matamis. "Damn her!" I can't help but curse! How come na mukha siyang anghel pero ang ugali nya katulad ng sa devil?! Ilang beses na nyang ginagawa sa akin ito. At ilang beses ko na rin itong pinapalampas. Dahil sa tuwing sinusubukan ko siyang tarayan, nauuwi ito sa pagtatalo namin, hindi lang ni Papa kung hindi pati na rin ni Lolo. Palagi nitong sinasabi sa akin na tratuhin ko raw ng maayos si Beth dahil ito lamang at ang pamilya nito ang makakatulong sa aming kompanya, which is in the verge of bankruptcy. Mabilis akong sumakay sa aking kotse at pinasibad ito palayo sa clinic na yon. Muli akong huminga ng malalim at pumikit ng mariin. God! I really need a new vet for Lost. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at mabilis na dinial ang pangalan ni Ella. "Hello besh, balita? Napatawag ka?" "Besh, I need a favor." Inilagay ko ang headphone sa aking tenga upang makapagconcentrate pa rin ako sa pagmamaneho. "Hmm, anong favor naman yan?" Kahit hindi ko nakikita si Ella pakiramdam ko nakataas ang kilay nya. "I need a new veterinarian for Lost. Baka may kakilala ka na pwede mong i-recommend sa akin." "Huh? Bakit? Hindi ba okay naman si Doc Beth? Saka sabi mo nga hiyang sa kanya si Lost." I scratch my temple. "Hindi ko na talaga makaya ang pagpapalipad hangin nya, besh! She's really coming into my nerves!" Muli na naman akong napatiim bagang nang maalala ko ang nangyari kani-kanina lang. "Bakit minanyak ka na naman nya?!" Nasa boses ni Ella ang panunudyo. Palibhasa wala na nga akong inililihim pa kay Ella kaya alam na nya ang buong kwento. "Besh carry na si Doc! Maganda naman siya eh!" Biro nito. I rolled my eyes. "Ella, she's not my type! Ang hangin-hangin nya! Akala mo kung sino!" Napahigpit ang hawak ko sa manibela. "At sino ang type mo? Si Aly na naman?!" Hindi agad ako nakasagot. Kung minsan gusto ko na talagang bawasan ang katabilan ng dila ni Ella. "Ooopps, sorry besh. Hindi ko sinasadya." Mukhang napatutop pa sa kanyang bibig si Ella nang marealize nya ang kanyang sinabi. Napahugot ako ng malalim na hininga. "Its okay, Ella. Tawagan na lang ulit kita. Nagdadrive kasi ako." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Agad ko ng pinutol ang linya at mabilis na ipinasok sa loob ng bag ang aking cellphone. Napatingin ako kay Lost na umuungol. Hinimas-himas ko siya at napangiti ng mapait. "Pagaling ka na Lost. Maglalaro ulit tayo sa park kapag magaling ka na." Muli akong napahugot ng malalim na hininga at tumingin sa daan. Kailan ba uuwi ang amo mo Lost?! Six years na rin ang nakakalipas! Muli kong sinulyapan si Lost na hindi pa rin tumitigil sa pag-ungol. "Kahit napapagod na akong maghintay, kakayanin pa natin Lost. Tatanga-tanga kasi iyang amo mo eh! Ang tanda-tanda na naliligaw pa rin." I hope you find your way back home Alyssa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD