"Aly, bakit ka nagdesisyon na sumama sa akin dito?"
Sinulyapan ko lang saglit si Rad bago ko muling ibinaling ang aking atensyon sa carousel kung saan inaabangan ko ang paglabas ng luggage namin ni Rad. "Narito na tayo saka mo pa naisipang itanong sa akin yan?"
Naramdaman ko ang paglapit nya sa akin. "Frankly speaking, alam ko naman na kung ako lang talaga ang iisipin mo Aly, sigurado akong kayang kaya mo akong tiisin."
Kung kanina nakapangalumbaba ako sa push cart na paglalagayan ko ng gamit namin, ngayon napatuwid ako ng tayo. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "So what do you mean by that Rad?!" Kailan kaya matatapos ang pagkaintrigera nitong babaeng ito?
Nagkibit balikat siya. Hindi siya sa akin nakatingin kung hindi sa mga luggage na lumalabas sa baggage claim area. "Whatever your real reason, thank you pa rin dahil kasama kita ngayon."
I move my head sideways in disapproval. "Should I get offended because you're thinking like that against me?!"
"Dahil kilala na kita Aly. At kahit hindi mo sabihin sa akin, we both know the truth." Dumistansya siya sa akin at lumapit sa carousel saka pilit inabot ang kanyang luggage.
Nilapitan ko siya at tinulungang mailagay sa push cart ang kanyang gamit. Konti lang ang distansya ng aming mga luggage dahil mabilis ko lang din nakita yong gamit ko. "Narito ako para samahan ka, Rad. Huwag ka ngang nega dyan. Saka hindi ba ikaw naman ang nagsumamo sa akin na samahan kita? Ngayon pinagdududahan mo pa ang motibo ko." Hinayaan ko na lang siya na sumabay sa aking paglalakad habang nagtutulak ako ng push cart.
Hinawakan nya ako saglit sa braso kaya napahinto ako sa paglalakad. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Aly, pwedeng maging honest ka naman sa akin. Kahit ngayon lang?" Iiling-iling pa si Rad.
Hindi ko tuloy alam kung paano magrereact. Somehow, Rad must really know me. Tama naman nga siya. May mabigat na dahilan kaya naisipan ko ring sumama sa kanya. I sighed deeply.
"Ano? Dadayo ka pa rito sa airport ng pagtunganga?"
Napatingin ako kay Rad na hindi ko namalayang nauna na pala sa aking maglakad. Umiling-iling ako at napapalatak. "Basta you still owe me Rad because I came here with you."
"Yeah right!" Sarcastic nyang sabi saka nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi na lang ako nagsalita at sinundan siya hanggang sa makalabas kami ng arrival area.
"Aly! Aly! Dito!"
Napakunot ang noo ko at nilingon ko ang taong sumisigaw sa gitna ng maraming tao na nag-aabang din ng ibang pasahero. Hindi ko agad makita ang pinanggalingan ng boses na yon.
"Aly, over here!" Muli nitong sigaw saka kumaway sa akin.
Nanlaki ang mata ko at mabilis kong binalingan si Rad. I gave her an accusing look.
She raised her both arms in surrender. "Don't look at me like that, Aly!" Mabilis ang ginawa nyang pag-iling. "Wala akong kinalaman dyan! Saka hindi mo naman sinabi sa akin na sasama ka pala sa akin, so wala akong napagsabihan okay!"
"s**t!" Naisahan ako nina Kuya. Akala ko ba hindi nila ipinaalam na uuwi ako.
"Alyssa Valdez! Ano pang itinatanga-tanga mo dyan?!"
Muli akong napatingin sa direksyon ng babaeng tumawag na sa buo kong pangalan. Salubong na ang kilay nya at nakahalukipkip pa. Mababakas sa mukha nya ang pagkainip.
Napatampal ako sa aking noo. "Mukhang hindi matatahimik ang bakasyon natin, Rad!"
Napalingon ako kay Rad na bigla na lamang humagikhik. Nagpeace sign siya sa akin. "Sa akin walang problema Aly. Sa'yo ewan ko lang." Nagkibit balikat pa siya bago naunang naglakad patungo sa babaeng naghihintay sa amin.
"Tita Rona!" Sigaw ni Rad bago mabilis na yumakap sa tiyahin ko.
"Rad!! Mas lalo kang gumanda!" Ganting sigaw naman ni Tita Rona. Saka sinalubong ng yakap si Rad.
I rolled my eyes and chuckled. Muntik ko ng malimutan na close nga rin pala sila Rad at Tita. Hindi pa rin sila naghihiwalay sa pagkakayakap ng makalapit ako sa kanila.
"Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko na bigla na lang binatukan ni Tita Rona. "Para saan naman yon Tita?!?" Nanghahaba ang nguso ko. Kahit hindi nya nilakasan ang pagbatok nya eh masakit pa rin dahil inborn na mabigat ang kamay nya.
"Bakit parang hindi ka masaya na sinundo kita ha?!" Magkasalubong ang kilay nito at tangka na naman akong babatukan.
Mabilis akong umilag at lumayo. "Tita naman, ganyan ba ang pag welcome mo sa pinakamamahal mong pamangkin ha?" Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinipigilan ni Rad ang pagtawa. "Aww!" Muli kong daing dahil nahagip pa rin ang ulo ko ng kamay ni Tita Rona.
"At ganyan ba ang pagsalubong sa Tita mo na ang tagal na naghintay dito sa airport ha?!" Muli na naman sana nya akong babatukan pero lumayo na ako sa kanya.
"Tita naman. Huwag ka namang masyadong hard sa akin! Baka maalog itong ulo ko, sige ka!" Napapahiya tuloy ako sa mga taong tila nagmamasid sa amin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin eh sobrang sweet ni Tita Rona sa akin. Ganyan talaga siya kasweet sa akin. Ang lakas makabatok.
Muli siyang lumapit sa akin at mukhang babatukan na naman ako ulit. "Mas mabuti nga yong maalog yang ulo mo at baka sakaling matutunan mong irespeto akong bata ka!"
Napakamot ako sa aking ulo at mabilis ko na lang niyakap si Tita. Hindi agad siya nakapalag. "Tita, I miss you too so much!" Hinigpitan ko pang lalo ang yakap ko sa kanya.
Naramdaman ko na lang na hinahampas na nya ako sa aking likod kaya bumitaw na ako. "Walangya ka talaga, Alyssa! Papatayin mo pa ako!" Asik nito saka ako ulit binatukan.
Natatawa namang pumagitna sa amin si Rad. "Tita Rona that's enough. Masyado ka lang namiss nitong si Aly kaya ganyan!"
"Naku pasalamat ka talaga Alyssa at kasama mo itong girlfriend mo!"
Nagkatinginan kami ni Rad. Nakangiwi siya samantalang ako ay abot hanggang tenga ang ngiti. "Aray!" Napahawak ako sa batok ko na si Rad naman ang bumatok.
"Tantanan mo ako ng ganyang ngisi mo! Nakakaalibadbad ka!" Nakataas ang kilay nya bago muling binalingan si Tita Rona. "Tita Rona, pwede bang sumabay ako sa inyo? Ihatid nyo lang ako sa malapit na hotel dito."
Nanlaki naman ang mga mata ni Tita Rona at sinamaan na naman ako ng tingin. Nagulat pa ako ng mabilis siyang nakalapit sa akin at kinurot naman ako sa aking tagiliran.
"Awww! Tita Rona bakit na naman ba?!" Pakiramdam ko natanggal ang balat ko na kinurot nya. Grabe ang pagkasadista ng Tita kong ito.
"Hindi ka na nahiya! Hahayaan mo na lang na maghotel itong si Rad ha!"
Mabilis akong nakalayo sa kanya ng tangka na naman nya akong kukurutin. "Hindi Tita. Nagbibiro lang yang si Rad! Sa bahay natin siya tutuloy!" Binalingan ko si Rad at pinanlakihan ko siya ng mga mata. "'Di ba Rad?!"
Ngumisi siya ng nakakaloko bago tumingin sa aking tiyahin. "Huwag kang maniwala dyan Tita Rona! Ni hindi nga ako ini-invite niyang si Aly na mag stay sa bahay nyo eh."
"Rad?!" Nanlalaki ang aking mga mata. Nagulantang ako nang habulin na naman ako ni Tita at paghahampasin. Nakakahiya man pero ito talaga ang eksenang sumalubong sa akin. Hindi naman ako napipikon kay Tita. Sanay na lang talaga ako sa kanya.
"Wala ka talagang kasweet-sweet sa katawan mo, Alyssa!!" Singhal nito habang panay ang habol sa akin.
Guess this will be a very long vacation...
***
"Ma'am Den?"
Napatunghay ako sa pagkakasubsob ko sa mga papeles na nasa table ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng aking sekretarya. Nakasilip ang ulo nito sa may pinto. "What's the matter, Sandra?" Tumango ako upang bigyan siya ng permiso na pumasok sa loob.
Lumapit siya sa table ko. "Ito na po iyong pinabili nyo." Iniabot nya sa akin ang isang supot.
Tipid lang akong ngumiti at kinuha ang iniaabot nya. "Salamat."
Tumango lang ito at tumalikod na. "Ah, Ma'am Den, ipapaalala ko nga po pala na may dinner meeting kayo with Dra. Beth."
Natigil ang pagbulatlat ko sa loob ng supot nang marinig ko ang pangalang binanggit niya. Magkasalubong ang kilay ko siyang tiningnan. "Wala akong maalala na pumayag ako sa isang dinner meeting with Dra. Beth?!"
Napangiti ng pilit si Sandra at parang kinabahan. "Ang Lolo nyo po ang humingi ng appointment na ito Ma'am. Sabi po nya, siya na raw po ang bahalang magsabi sa inyo."
Napatiim bagang ako. "What time is it?!"
"7:30 po."
"Then cancel it!" Wala akong balak na magpakita pa sa manyakis na babae na yon!
"Naku Ma'am, kabilin-bilinan po ng Lolo nyo na huwag ko raw pong ika-cancel yon."
"Ako na ang bahala kay Lolo!" I waved my hand to dismiss the topic. Kahit parang may gusto pang sabihin si Sandra, wala na itong nagawa nang itaboy ko siya palabas ng opisina. Huminga ako ng malalim saka sumandal sa aking swivel chair at pumikit. Sumasakit na ang ulo ko kay Lolo. Noon kung makapanghusga siya sa mga babaeng pumapatol sa kapwa babae, daig pa nya ang pinaka perpektong tao sa buong mundo. Ngayon naman, harap-harapan nya ako kung ibuyo kay Beth.
Nagmulat ako ng aking mga mata at pinagtuunan ng pansin ang ipinabili ko kay Sandra. A smile crept on my lips when I opened it. Mabilis kong binuksan ang isang piraso ng Marie at ninamnam ang lasa nito. Ito lang ang nakakapagparelax sa akin. Muli na naman akong napangiti habang panay ang nguya ko sa biscuit.
"Ganyan ba talaga ang tamang pagkain ng biscuit na yan?!" Puno ng panunudyo ang boses ni Bang.
Napatingin ako sa dalawang babaeng nakatayo sa pinto ng aking opisina. I arched my brow. "Ano na naman kayang isinuhol nyo sa sekretarya ko, para hayaan na naman kayong pumasok nang hindi man lang kumakatok!"
Ngumisi ng pasweet si Mika bago lumapit sa table ko. Mabilis kong naiiwas sa kanya ang Marie nang tangka nya itong kuhanin. "Isang piraso lang Denden, pagdadamutan mo pa ba ako?!"
Mabilis kong ipinasok sa loob ng drawer ko ang aking biscuits. "Mika, ang yaman-yaman mo! Bumili ka nga ng sa'yo!"
She snorted! "Sumakit sana ang tyan mo!" Ingos ni Mika bago umupo ng nakahalukipkip sa harap ko.
Napailing-iling naman si Bang. "Sa Marie pa lang napapaghalataan pa rin ang pagkaisip-bata nyo!" Umupo siya sa harap ni Mika at ngumiti sa akin ng matamis.
Tumayo ako at naglakad papunta sa mini kitchen ko upang ipagtimpla sila ng juice. "What brought you here?" Hinalo-halo ko ang baso na tinimplahan ko ng juice. Nanlaki ang aking mga mata nang sa muli kong pagbaling, nakuha na agad ni Mika ang itinago kong Marie sa aking drawer. "Reyes!!"
Nabuksan na nya ang isang pack at mabilis na sumubo ng isang piraso ng biscuit. Ngumiti pa siya ng nakakaloko. "Salamat Denden! Ang sarap kasi nito kapag hinihingi!"
"How dare you!" Hinablot ko sa kanya ang supot nang maibaba ko sa tapat nila ang juice na tinimpla ko. "Nakakainis ka talaga Mika! Mabibitin ako nito eh!"
Napahagalpak naman ng tawa si Bang. Amuse siyang tumingin sa akin. "Seriously Denden? Parang handa kang makipagpatayan para sa biscuit na yan ah!"
Inismiran ko lang sila pareho bago ako bumalik sa swivel chair ko. "Tama na ang isa ha, Mika!" Ingos ko bago ko itinuloy ang pagkain ko ng Marie. "So ano nga ang dahilan ng pagpunta nyo rito?"
"Ara's birthday is coming Denden!" Mababakas ang excitement sa boses ni Bang. Makikita pa ang kislap sa kanyang mga mata. "And we're planning to celebrate it in Cebu!"
"That's great! Pasabi kay Vic happy birthday ha?" Sinamaan ko ng tingin si Mika nang ibato nya sa akin ang balat ng Marie. "What the hell, Mika?!" Ang kulit talaga ng babaeng ito! Palagi na lang akong iniinis.
"Anong pinagsasasabi mo na pasabi na lang kay Vic na happy birthday ha?!" Nakacross arms pa si Mika. "Ang arte mo Denden! Kaya nga kami nagpunta rito para iinvite ka eh!"
"Denden, that would be next week. Thursday sana tayo aalis dito hanggang Sunday na tayo don." Napatingin ako kay Bang habang umiinom sa kanyang juice.
"Ano ba naman itong juice mo Denden, walang kalasa-lasa!" Reklamo ni Mika habang nakangiwi.
"Nakikiinom ka na nga lang, nagrereklamo ka pa!" Muli akong bumaling kay Bang. "Bakit ang haba naman ata ng celebration, Bang? Thursday until Sunday?"
"Sana pinainom mo na lang ako ng tubig, Denden! Nag aksaya ka lang ng powdered juice!" Muli na namang singit ni Mika habang panay ang iling.
"Ayan ang Marie! Pwede kumain ka na lang!" Hinagisan ko siya ng biscuit na mabilis naman nyang tinanggap at ngitian pa ako ng ubod ng tamis.
Ngumiti sa akin si Bang at umiling-iling. "Saturday kasi ang birthday ni Ara. Nagkataon na nag iinvite rin sina Ho para sa Beach Volleyball. Hindi ka ba nasabihan?"
Napatampal ako sa aking noo. "Oo nga pala. Sinabihan rin ako ni Gretch. Nawala sa isip ko. Next week na pala yon?"
Tumango-tango si Bang. "Yap! And we decided na isabay na rin ang birthday celebration ni Ara. Atleast marami-rami tayo."
I bit my lip. "Hindi pa ako makaka-oo ngayon Bang. Hindi ko pa kasi sure kung free ang schedule ko by that time."
"Kaya nga sinabihan ka na namin ng maaga Denden para maclear ang schedule mo." Muli na namang singit ni Mika habang panay ang nguya.
"Sige na Denden. Natawagan ko na rin sina Ella at Amy, sure na raw sila." Si Bang na hinawakan pa ang aking kamay.
"Tatawagan ko na lang kayo kapag naclear ko na ang sched ko." Mukhang exciting iyong sa Cebu na yon. Pero kailangan ko muna talagang macheck ang aking schedule. Kailangan ko pang magsabi kay Lolo.
"We need your answer now, Denden!" Mariing sabi ni Mika. "Of course we want you to be there also. Its been a long time na rin naman noong huli tayong nagkabonding." This time seryoso na ang mukha ni Mika.
Lihim akong napangiti. One thing na ipinagpapasalamat ko sa mga nangyari sa amin ni Alyssa ay ang pagkakaroon ko ng sobrang close bonding kina Mika. Kahit pa nga nagkaroon na kami ng kanya-kanyang priority sa buhay just after we graduated, hindi naman kami nawalan ng time sa isa't-isa. "Okay fine! Shoot!"
Nag-apir pa sina Bang at Mika. "Ayan! Excited na tuloy ako!" Masayang sabi ni Bang.
"Hay salamat naman at hindi ka na nag-inarte pa!" Ismid ni Mika.
Siya naman ang binato ko ng balat ng Marie. "Ako pang ang maarte ngayon! Lumayas ka na nga sa opisina ko!" Ganito na talaga kaming mag-asaran ni Mika.
Halos sabay namang tumayo ang dalawa. "Don't worry, ayaw ko naman talagang mag stay ng matagal dito. Ang baho kaya ng opisina mo!" Nagtakip pa sa kanyang ilong si Mika na akala mo totoo ngang mabaho.
"Shut up, Reyes! Mas malapit ang bibig mo sa ilong mo!" Ganti ko. Lumapit ako sa kanila at nakipagbeso.
"Dumaan lang naman talaga kami rito, Denden. May pupuntahan pa rin kasi kami." Nakangiting sabi ni Bang.
Tumango-tango lang ako bago ko lapitan si Mika. "Galingan mo pag-spike Reyes ha?! Para may thrill naman ang pag dig ko!" Kantyaw ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang siya at nag smirked. "As if kaya mo, Lazaro!" Humalik siya sa pisngi ko. "See you there okay?"
Ngumiti ako at tumango. "Oo na nga!" Sinamahan ko sila hanggang sa may pinto saka muling nagpaalaman.
Bumalik ako sa swivel chair ko at muling nagbukas ng isang Marie.
Wish you were here honey. Mas magiging masaya sana ang birthday celebration na ito ni Vic..