"Need another one?" Napatingin ako sa inaalok na beer ng katabi kong si Mika. Tipid akong ngumiti at kinuha ito. "Thanks." "Nag-eenjoy ka naman 'di ba?" I can sense the lack of confidence in Mika's voice. I gave her a wry smile. "To be honest, no! Not really." I don't really have plans of attending Vic's birthday celebration. Pagkatapos kasi ng dinner na 'yon with my so-called 'I don't remember friends' ay pinilit ko na silang iniwasan. May nagtutulak sa akin na makasama pa sila at mas lubos na kilalanin, pero sa tuwing babalakin kong lumapit, saka naman nag-aapear sa isipan ko ang mukha ni Dennise na nagiging dahilan ng literal na pagsakit ng ulo ko. Noong gabi ring 'yon isa-isa ulit silang nagpakilala sa akin. Pero nauubusan na ako ng dahilan sa magaling kong tiyahin at sa ever-su

