CHAPTER 13

2864 Words
            ISANG malaking ngisi ang ibinigay ng mga estudyante sa kanya habang binabasa niya ang content ng papel na ibinigay ng mga ito sa kanya. Listahan iyon ng mga members ng music club at ang mga markang nakuha ng mga ito. She suppressed a grin, tama nga siya nang sabihin niyang kaya ng mga ito na makuha ang mga grading iyon. They only need to focus.             “Kailan ang practice?” sabay-sabay na nagtilian ang mga ito sa kanyang tanong. They need a prize for a job well done.             “Tonight, Mi.” Tumango siya.             “Just text me the place and the time, I’ll be there. Enjoy your foundation day.” Masayang lumabas sa laboratory ang mga bata. Naiwan siyang masayang napatitig sa papel, she felt at ease. Kahit na hindi na niya estudyante ang mga ito ngayon ay masaya pa rin  siya na nakikita ang mga grado ng mga ito na ganoon kalalaki.             It’s Monday morning, siya lang mag-isa sa laboratory dahil ang dalawang assistants niya ay nasa kanilang department para tumulong sa mga events and booths. Wala din sina Felix dahil may game ang dalawa at malamang nagpa-practice pa ang mag ito. Masyadong competitive ang department ng mga bagong kasama at wala din si Caius. Hindi niya ito nakita last Saturday, gusto sana niyang bumawi dito dahil may insektong pilit na nginangatngat ang kanyang konsensya. Wala din ito ngayon, sa pagkakarinig niya, yes, she heard it and she didn’t ask for the information. May importanteng trabaho itong kailangang ayusin sa opisina. He’s a busy man after all.             Ipinagpasalamat na rin ni Isla na hindi niya ito nakikita dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita ito. Kasalanan talaga ng macarons na binili nito ang lahat, sana ay hindi nalang niya nalaman ang tungkol doon. She needs time to compose herself.             Iginugol niya ang buong umaga sa pagsagot ng mga emails at pagsend ng mga messages. Pagdating ng hapon ay dumaan ang kanyang mga assistants para kumustahin kung buhay pa ba siya at pumunta din siya sa faculty ng kanyang department para magtanong kung may maitutulong ba siya maliban sa volleyball. At pagsapit ng hapon ay pumunta si Isla sa music room para magpractice kasama ang mga estudyante na kasali s abanda. Hindi naman naging mahirap ang practice dahil alam pa rin niya kung paano tugtugin ang piyesa. Overall ay naging productive ang buong lunes niya pero pagdating niya sa kanyang condo ay may iba siyang naramdaman. Para bang may kulang na hindi niya maintindihan.             “Ano bai yang iniisip mo Isla? Today is a great and peaceful day, alam kong nasa mid-crisis ka kaya huwag kang mag-isip ng kung anu-ano.” Puna niya sa sarili. “You need to rest for tomorrow’s event.”               “Lola?” kanina pa paikot-ikot ang anim na taong gulang na si Isla sa bahay ng kanyang lola. Kanina pa niya ito hinahanap at wala ding ibang tao sa bahay. “Lola?” malakas na sigaw niya. “Uwi na po ako sa house.” Naiiyak na siya dahil nakakaramdam na siya ng takot lalo pa at hindi niya makita ang ibang kasama sa bahay.             Dinala siya ng kanyang auntie para bisitahin ang kanyang lola,nakatulog siya pagkatapos kumain at nang magising ay hindi na niya mahanap ang mga kasama. At nagpasya siyang lumabas dahil baka nasa garden ang kanyang mga kasama pero tahimik ang buong bahay.             “Auntie! Lola! Uwi na po tayo.” Nanginginig na ang boses ng bata. Umikot siya sa malaking bahay hanggang sa makarating sa may likurang bahagi nito. Nakarating na siya doon noon, malapit iyon sa kusina. May narinig siyang ingay kaya nagmamadaling hinanap ng batang si Isla ang pinanggalingan ng ingay nagbabakasakaling mahanap ang kanyang auntie at ang lola.             May isang maliit na silid sa tabi ng kusina at bahagyang nakabukas iyon. Maliwanag pa ang buong paligid kaya nakikita pa ni Isla ang laman ng kwarto. Doon din nanggagaling ang ingay.             “Hello.” Maingat siyang sumilip. “Auntie? Lola?” Bahagyang itinulak ng bata ang pintuan pero hindi iyon bumukas ng malaki, may kaunting siwang lang at hindi rin siya makakapasok dahil hindi siya kasya. Sa maliit na silid ay nakita niya ang pinaggalingan ng ingay, isang maliit na batang babae na sa tingin niya ay mas bata sa kanya. Nakaupo ito sa sahig habang umiiyak. “Nakita mo ba ang auntie at ang lola ko?” tanong niya sa bata. Hindi niya ito nakita pagdating niya sa bahay. “Why are you crying?”             Dahan-dahang nag-angat ng mga mata ang bata. “Ba-bawal k-ka di-dito.” kumibot ang kanyang mga labi.             “This is my lola’s house, pwede akong pumunta kahit saan. Bakit ka umiiyak? At bakit ka may wounds sa face?” tukoy niya sa namumulang pisngi ng batang nakita. May mga red, purple and dark spots din ito sa mga braso at paa. “Are you hurt?” tumingin lang ito sa kanya. “Naging bad girl ka ba?” sunod-sunod na tanong niya. “Gusto mo bang lumabas?”mahinang tumango ang batang kausap habang patuloy ang pag-iyak nito.             “I’ll help you.” Sinubukan ni Isla na itulak ang pintuan pero may makapal na chain na nakatali sa pintuan. “Wait, I’ll call someone to help you.”             “Huwag kang umalis, dito ka lang.” ani ng bata.             “But I can’t help you alone, kailangan na big people ang magtanggal ng thick na chain.” Sinubukan pa rin ng bata na itulak ang pintuan pero hindi kaya ng maliit nitong katawan.             “Isla? Anong ginagawa mo diyan?” itinigil ni Isla ang pagtulak sa pintuan nang marinig ang boses ng kanyang auntie.             “Auntie! May bata po sa loob na nagcry. Help po natin siya na makalabas.” Nagsalubong ang kilay ng kanyang auntie at tumabi sa kanya.             “Storage area iyan, Isla.”             “Pero may bata sa loob, look po.” Binigyan niya ng space ang auntie para masilip at makita ang batang umiiyak.             “Wala namang bata sa loob.” Sabi nito sa kanya.             “Meron po!” muli siyang sumilip at wala na nga doon ang bata. Nag-iba din ang hitsura ng silid, marami ng mga box na nakatambak doon. “May bata po diyan kanina.” nanginginig na ang boses ni Isla. May ideya na siya sa mga ghosts dahil napapanood niya iyon sa movies and sa mga TV shows.             “Hey, don’t cry. Don’t be scared.” Suminok siya at sunod-sunod na nagsituluan ang luha sa kanyang mga mata. Mabilis siyang niyakap ng kanyang auntie at kinarga.             “Ma-may ghost po ba dito sa bahay ni lola?” nanginginig ang boses ng bata.             “Of course not, baka nagde-dream ka pa noong makarating ka dito?” Umiyak na siya ng tuluyan at mabilis na napasubsob sa leeg ng may karga sa kanya. Yumakap siya dito ng mahigpit.             “Uwi na tayo auntie, I’m scared.”             “Uuwi na tayo kaya tahan na.”             Huwag mo akong iwan, huwag kang umalis, dito ka lang.             Mas lalong naiyak si Isla at hindi nagtangkang umalis sa pagkakayakap sa kanyang auntie nang marinig ang boses na iyon. Hindi siya tumahan hanggang sa hindi siya nakakalayo sa bahay ng kanyang lola. Hindi rin siya napilit ng auntie na muling pumasok sa loob para magpaalam sa mga binisita nila, gusto lang niyang umuwi at makasama ang Daddy at ang Mama niya.               “DOC IANA, Doc?”             “Huh?” ilang ulit na napakurap si Isla nang buksan ang mga mata ay mukha ni Evelyn ang kanyang nakita. Lumingon siya sa paligid, natagpuan niya ang sariling nakaupo sa kanyang swivel chair sa harap ng kanyang mesa.             “Kanina pa kita ginigising.” Nag-aaalalang ani nito sa kanya. “You are having a bad dream.” Nagsalubong ang kanyang kilay. Dream? “Ano ba ang napapanaginipan mo?” umayos siya ng upo at hinaplos ang buong mukha gamit ang palad. Nagulat din siya nang madama ang malamig na bagay sa kanyang pisngi. She’s crying!             “I can’t remember.” Ani niya dito. Wala siyang maalala sa napanaginipan niya. “It’s weird.”             “That’s not weird, ilang beses din akong nananaginip pero hindi ko maalala ang napanaginipan ko. I think it’s normal not to remember the dream.” Tumango siya sa sinabi nito. Wala siyang maalala sa naging panaginip niya pero ang panginginig ng kanyang mga braso at at malakas na t***k ng kanyang puso ay isang patunay na hindi iyon maganda. She felt really… really scared.             “A-ano nga pala ang ginagawa mo dito?”             “Sabay tayong maglulunch para makapagmeeting din tayo para sa game mamaya.” Naalala niyang mamayang alas tres ng hapon ang kanilang volleyball game.             “Alright, I’ll just fix my things here.”             Ngumiti ito sa kanya. “Sunod ka sa cafeteria, kukunin ko rin ang cellphone ko sa office bago pumunta doon.”             “See you.” Pagkalabas nito ay tumayo si Isla at pumunta sa banyo upang maghilamos at tuluyan ng magising at huminga ng malalim hanggang sa bumalik sa normal ang t***k ng kanyang puso. Tinitigan ni Isla ang kanyang mukha sa malaking salamin, walang pinagbago sa kanyang hitsura. “Whatever dream was that, wala ng mas lalala sa mga nangyari sa iyo na may kinalaman si Caius.” Ani niya sa kanyang sarili. Muli siyang nabuntong-hininga at nagpasyang huwag ng isipin ang panaginip na hindi niya maalala. Mas kailangan niyang bigyang pansin ang nangyayari ngayon sa buhay niya.             Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas na siya ng opisina papunta sa cafeteria nang may mahagip na pamilyar na boses ang kanyang teynga.             “Ari, please talk to me.” Awtomatikong tumaas ang kanyang kilay dahil boses iyon ng bestfriend ni Arielle.             “Sinabi ko na sa iyo Josh, wala na tayong dapat pag-usapan pa.” Matigas na ani ni Ari, tumaas ang gilid ng kanyang mga labi sa narinig.             “I’m not here to mess up with you, I just want to apologize.” Idinikit ni Isla ang likod sa pader dahil gusto niyang pakinggan ang sasabihin ng lalaking nanakit sa kanyang baby Ari. Sakit na rin yata ng pagiging pakialamera niya ang ginagawa niya ngayon. She’s not proud but she’s not going to deny it too. “I’m sorry.”             Sinilip niya ang reaksyon ni Arielle, halatang nagulat ito sa narinig mula sa lalaking kaharap. “Ano pa ang magagawa ng sorry mo? Hindi na maibabalik ang nangyari.”             “I know, alam ko kung gaano kalaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo. I’m a bastard and a jerk, I know I don’t deserve your forgiveness for hurting you.”             Pagak na tumawa si Ari. “For hurting me? Alam mo palang nasasaktan mo ako pero bakit paulit-ulit mong ginawa? Masaya ka bang nakikita akong nasasaktan at parang tutang sunod ng sunod sa iyo at kahit itaboy mo ay babalik pa rin sa tabi mo?”             “Ari-.”             “At sa tingin mo ba ay papatawarin kita kung hihingi ka ng tawad sa akin?” Nagbaba ng tingin ang lalaki. “Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang lumayo ako sa iyo, ginawa mo ang lahat para saktan ako para matauhan ako sa katangahan ko sa iyo at marealized kong hindi hihigit sa pagkakaibigan ang nararamdaman mo sa akin. I am doing my part, hindi na kita ginugulo dapat ay maging masaya ka na.” Gusto niyang yakapin si Ari dahil alam niyang pinipigil lang nito ang sarili nitong hindi umiyak habang kausap si Josh.             “I’m really sorry Arielle.”             Malakas na napabuntong-hininga ang dalaga dahil kahit na sincere ang paghingi nito ng tawad ay hindi ganoon kadaling malimutan ang lahat ng ginawa nito. He didn’t even try to defend his bestfriend from his ex-girlfriends wickedness.             “Give me a chance.”             “Chance? For what?”             “To show you how I regret everything.” Wala pa rin na mababasang kahit na anong emosyon sa mukha ni Ari. “And I really want your forgiveness.”             It took Ari for a minute or two to digest what Josh just said before sighing loudly. “Kung dumating man ang oras na mapapatawad kita hindi ibig sabihin ay babalik na tayo sa dati. I’m fine now Josh, I never knew I can be happy like now. Hindi lang pala sa iyo umiikot ang mundo, I found a place and I found myself without you. In the future, I may forgive you, but I don’t want you again in my life.”             Mahina siyang pumalakpak sa sinabi ni Arielle, she felt proud hearing her students stand for herself. Arielle is still finding herself, she found some fragments but she’s still incomplete. Sinundan niya ng tingin si Ari nang talikuran nito ang kausap.             “Arielle Uy, I know I’m too late but I love you. Not as a friend, natatakot akong mahalin ka dahil kahit ako ay hindi makapaniwalang makakaramdam ng ganito. I’ve been in love with you and sadly, I’ve been hurting the person I loved for years due to my cowardness. I am going to show you how much I care and love you.” Hindi huminto si Ari pero alam nil ana narinig nito ang sinabi ni Josh. Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa likod ng lalaki.             “What a sly turtle.” Mahinang usal niya.             “It’s not nice to eavesdrop, Isla.” She suddenly jumped from her place and managed to stop a loud squeak and bumped her on a hard yet soft surface. Naningkit ang kanyang mga mata nang makilala ang nanggulat sa kanya.             “Are you crazy? May balak ka bang patayin ako sa heart attack?” inis na nahampas niya si Caius sa dibdib. Napasulyap siya sa likuran, wala na doon ang dalawa kaya mas nakahinga na siya ng maluwang at inis na itinulak ang lalaki palayo sa kanya. Maliban sa pagkakagulat ay ayaw niyang marinig nito ang malakas na t***k ng kanyang puso. She didn’t prepare for her heart to see him today kaya ibinaba niya sandali ang harang.             “Hindi mo ba susundan ang alaga mo?” tinaasan niya ito ng kilay.             “So, nakikinig ka rin?”                       “I accidentally overheard and I don’t want to disturb them.”             “You are still eavesdropping like me and I won’t deny it. I’m just a bit concern.”             “And you are not following her?” umiling siya dito.             “Arielle needs time, kailangan pa niyang i-digest ang lahat ng narinig at nalaman niya. She’ll talk to me when she’s ready.” Muli niya itong sinulyapan. “Why are you here?”             “Missed me?” a smirk appears on the side of his lips. Inirapan lang niya si Caius, she already managed to pull up the wall to protect her heart.             “I’m just wondering why you are here, aren’t you a busy man?”             “I’m here to coach the Rubik’s cube students.”             “Then go.” Taboy niya dito. “I also need to go.” Muntik na niyang makalimutan na may appointment siya sa kanyang mga ka-team pero bago pa man siya makaalis ay nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Hinawakan nito ang kanyang baba at itinaas ang kanyang mukha.             “Did you cry?” Huh? Alam niyang imposibleng mawala sa posisyo ng puso ng isang tao pero bakit ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay bumaba sa kanyang sikmura ang kanyang puso?             “I—I did not!” She yelped, she almost forgot how to breathe. “I overslept and just woke up.” Tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. “I need to go, enjoy your day.” Mabilis siyang naglakad palayo kay Caius para kalmahin ang kanyang pusong nagwawala sa loob ng kanyang katawan.             For goodness sake! Akala ko katulad lang ng nasa panaginip ko ang nararamdaman ko pero bakit mas malala? Inis na tanong niya sa kanyang sarili. At hindi pa man niya tuluyang naibabalik sa normal ang pag-iisip ay may napansin siya sa gilid ng kanyang mga mata. Tumigil siya sa paglakad at inis na tiningnan ang taong nakasunod sa kanya.             “I am not following you, pupunta ako sa cafeteria.” Inunahan na siya ni Caius. She about face and decided not to mind the tall person who is walking side by side with her. Inis na sinulyapan uli niya ang lalaki. “You walk so slow.” Malakas siyang napasinghap sa sinabi nito dahil hinihingal na nga siya sa bilis ng lakad niya. “At binabagalan ko na ang lakad ko.”             Isang pekeng ngiti ang ibinigay niya sa lalaki. “You can actually walk as fast as you can, no one is stopping you.” She spread her arms pointing the huge hallway in front of them. “Mauna ka na.” utos niya dito. He just smirks at her and walk ahead. She followed a few seconds later.             “Iana!” Narinig niyang tawag ni Evelyn sa kanya pagkapasok niya sa cafeteria. Awtomatikong nawala ang pansin niya sa lalaking naunang naglalakad sa kanya at mabilis na naglakad papunta sa mga kasama. Siya nalang ang hinihintay ng kanyang mga teammates, umupo siya sa tabi ni Evelyn. “Now, we know why you were late.” Nanunuksong ani nito sa kanya.             Tinaasan lang niya ito ng kilay. “I’m not late, just a little delayed.” Pagtatama niya dito. Alam niya ang tumatakbo sa utak ng mga kasama and she’s not going to give them the happiness to tease her.             “Late and delayed with Mr. Perfect.” Panunukso ni Gracia, isa itong Physics professor.             “Mr. Perfect who?” Patay malisya niyang tanong at hindi pa man nakakabawi ang mga kasama ay parang tanga itong nakatitig sa kanya… sa kung sinuman na nakatayo sa kanyang likuran. Napatingala siya at nagtama ang kanilang mga mata na hindi naman nito inurungan kasabay ng paglapag nito ng kung ano sa kanyang harapan.             “Your coffee.” Sabi ni Caius pagkatapos ay nag-excuse at lumabas na as cafeteria habang siya ay tila nahihirapang huminga sa malakas na t***k ng kanyang puso. Curse you Caius!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD