PULANG-PULA ang pisngi ni Isla habang naglalakad papunta sa bleachers para magpahinga. Namumula ang kanyang pisngi hindi dahil sa paglalaro ng volleyball kundi dahil sa walang puknat na pagtawa. Hindi nga niya alam kung laro ba ang tawag sa ginawa niya dahil wala siyang nai-contribute kahit na ano.
“You said you know how to play volleyball?” natatawa pa rin pero halatang naasar na tanong ni Rosa sa kanya.
“Yep, I know the theory. I know how to play but you didn’t ask if I can play, theoretically speaking I know the rules but I haven’t played it once.” Natatawa pa rin niyang sabi. Kulang nalang talaga ay maglupasay siya sa court sa katatawa kapag may papalapit na bola sa kanya. She can’t even serve for pete’s sake kaya talo talaga sila. People weren’t expecting them to win because they all know that her department sucks in sport and yet people were cheering for them though.
“It was fun.” Natatawang ani ni Evelyn pagkatapos uminom ng tubig. “Nakakahiya ka Iana, I never felt so embarrassed my whole life.” Sa halip na mainis sa sinabi ng kaibigan ay mas lalo siyang natawa. Nakakahiya nga talaga ang ginawa niya pero natatawa pa rin talaga siya.
“Second hand embarrassment at its finest.” Sang-ayon ni Rosa. “But I’ll never forget this game. At ikaw babae, sa susunod na taon dapat ay marunong ka ng maglaro ng volleyball.”
“I’ll try, volleyball is not my forte.” She already dismissed the idea of playing next year. “I love the jersey.” Tiningnan niya ang sarili. “I look cute on it.”
Natawa lang ang mga kasama as kanyang sinabi. “Let’s eat out.”
“Eh? May meeting ako tonight, I can’t go.” Naalala niyang may practice siya kasama ang mga bata sa music club.
“Palagi ka nalang busy, nasaan na iyong Isla Astrid the party girl na kilala namin.” Lumabi siya sa sinabi ni Evelyn. They were classmates and friends before, though, hindi sila kasing close ni Leanne pero kilala na siya nito. “I missed her.”
“Sa Friday sasama ako sa afternight party natin, hindi ako mawawala doon.” She assured them.
“I missed the untamed party girl.” She just flipped her hair.
“I need to unwind once in a while, hindi ko na maalala kung kailan ako huling nagclub.” She really can’t remember it dahil apat na beses siyang na-stuck sa isang panaginip at kahit ngayon ay hindi alam kung nasa loob pa rin siya ng kanyang kabaliwan. “And, I need to rampa my new Gucci shoes.”
“That’s the Iana we knew, you and your signature stuff. Plus, Mr. Perfect was watching you play awhile ago.” Tukso ni Gracia.
“Yay, supportive love team.” Nakangising dugtong ni Mindy sa panunukso ni Gracia.
“Come on girls, let’s pack up.” Iwas niya sa topic. Napansin nga niya si Caius kanina at kahit na hindi niya aminin ay medyo kinilig siya sa presensya nito. Alam din niyang puro tukso ang aabutin niya kapag nagpang-abot sila.
“Ay, may umiiwas.”
“Ay, may umiiwas two.”
“Ay, may umiiwas three.”
“Ay, may umiiwas four.”
“Sige, Evelyn. Magsalita ka pa at sasapakin talaga kita.” Asar na ani niya kay Evelyn. Itinaas lang nito ang dalawang palad bilang pagsuko.
“Hindi ko sasabihin na umiiwas ka.” At nasapak na nga niya ito ng tuluyan. “Aww!”
“Masyado kang high blood pagdating kay Mr. Perfect.”
“It’s because everyone is literally shipping me with him, and I can’t even remember having an intimate interaction with him.”
“Gusto niya ng may intimate interaction.”
“Rosa!” puna niya dito.
“Bagay naman kayo, one tall and one small. You look so cute together.”
“For a fact that we also don’t know each other, and your Mr. Perfect has a girlfriend.”
“Says who?”
“Says him.” And I know for a fact that he does, she just can’t remember the face, but she remembered the name.
“Bakit iba ang nakikita ko? Iba din ang na-fe-feel ko.” Si Gracia. “He looks at you differently.”
Tinaasan lang niya ito ng kilay. “Baka nadedevelop na ang six sense mo Gracia, baka sa susunod iba na talaga ang mararamdaman at makikita mo.” Biro niya.
Malakas itong napasinghap. “Oh no, takot ako sa multo.”
“My dear friend, your sixth sense--.” Tinakpan nito ang kanyang bibig na mabilis din naman niyang tinabig. “Kadiri ka Gracia, ang alat ng palad mo. Ang daming bacteria and virus na namamahay diyan.” Pagkatapos nilang mag-usap at makapagpahinga ay nagkanya-kanya na sila ng alis. Pumunta na rin siya sa music room para magpractice.
KAGAGALING lang ni Isla sa Music Room para sa kanilang huling practice kaya parang naririnig pa niya ang music at ang beat ng kanilang tinutugtog. She is banging her head in the air as she push the door to open her office’s door.
“Wait!” Natigilan siya at muling sinara ang opisina at napatitig doon. “Why is this open?” Takang-tanong niya sa kanyang sarili. Nakabukas ang ilaw ibig sabihin may tao sa loob kaya sumilip siya sa transparent na bahagi ng pintuan but her height prevents her to see the entire place inside. Dahan-dahan niyang itinulak ang pintuan at sumilip, nakahinga siya ng maluwang nang makilala ang nag-iisang taong prenteng nakaupo sa favorite spot nito sa opisina. He is browsing something on his iPad when he felt her presence.
“Paano ka nakapasok dito?” Did she give him the code for their office?
“Nasalubong ko si Margot kanina, she opened the door for me and gave me the code.” Nagtaas ito ng tingin at tinitigan siya. She really hates it when he stares at her like that.
Tumango lang siya at pumunta sa kanilang mini-kitchen para uminom ng tubig at ramdam pa rin ni Isla ang mga mata ni Caius na nakatingin sa kanya. Balak sana niya iyong hindi pansinin at tahimik na pumunta sa kanyang mesa pero alam niyang may gusto itong sabihin kaya ito nakatitig sa kanya ng ganoon. Four times of being with him pays a lot.
“Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na.” Ibinalik niya ang tingin sa lalaki, halatang nagulat din ito sa kanyang sinabi. “What? Titingin ka lang ba? You can take a picture it will last longer.” Kalma lang, Isla. Ang sabi ko tanungin mol ang kung may gustong sabihin, huwag kang makipag-flirt sa kanya for goodness gracious sake! “Seryoso, may gusto ka bang sabihin?” she asked after pulling her up.
“Aren’t you busy?”
“Medyo.” She is busy, kulang pa nga ang salitang busy kung ide-describe ang volume ng kanyang work but then it’s foundation week she needs to rest. Marami pa siyang kailangang i-conquer next week. “Hindi ka ba busy?”
Nag-isang linya ang mga labi nito habang nakatitig pa rin sa kanya. “I’m busy with work.”
“And you are here because?” she tried to divert her full attention from staring s***h swooning at him by sipping her water little by little.
“This.” Ipinakita nito sa kanya ang iPad na hawak nito. She saw a familiar spreadsheet. “I don’t know how to do this. The registrar’s office gave me the online access and I don’t know what to do next.”
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang site na tinutukoy nito, she log-in using her own access. Nagreflect na doon ang scores ng mga students from last week’s test.
“You don’t have to do anything, it’s for you to check your students’ scores from the exams. Every after exams ay kailangan mo i-access ang site to check your learners’ improvement. The office will ask you to send a soft copy of your students’ graded performances and written exams after the second major examination. They will guide you.” Paliwanag niya dito. Tumango-tango lang ito. “You can ask Felix and Gavin, where are they by the way?”
“They have faculty activity.” Ibinaba nito ang iPad sa mesa. “Don’t you have a game to play?” Hindi nakaligtas sa mga mata ni Isla ang mapaglarong ngisi sa mga labi nito. She rolled her eyes at him.
“So, are we playing dumb and dumber here? Alam kong napanood mo ang laro namin, talo kami so wala ng chance to play again.”
“That was a very entertaining game, I enjoyed it a lot.” Batid ni Isla ang ibig sabihin ng binata at wala siyang balak na patulan ito ngayon.
“Right!” Binigyan niya ito ng isang napakalaki at pekeng ngiti. “Caius, ako lang ito. I’m really gifted, I can even entertain people without much effort. Oh my goodness, I can’t really pick a struggle, alam mo iyon? I’m beautiful, smart, with a sense of humor pa and more.” Hinawakan niya ang kanyang noo. “Ang hirap maging almost perfect.”
“Mami, ano ba iyang pinagsasabi mo? Nakakahiya ka kaya sa game mo.” Biglang singit ni Margot na may hawak na paperbag, sa tabi naman nito si Arielle na umiinom ng mango smoothie. “Sir Rueda, pagpasensyahan niyo na po si Mami minsan po talaga ay nagbubuhat po siya ng sarili niyang mesa.”
“Hey!” reklamo niya kay Margot na mukhang close na close na kay Caius at pakiramdam niya ay tinatraydor na siya nito. Mas nauna silang maging close, ah! Sinundan niya ng tingin si Margot na ibinigay ang paperbag na hawak kay Caius.
“Salamat po sa libre, Sir.” Her brows met. Kaya naman pala bumabalimbing na itong assistant niya dahil nasuhulan. “Sa uulitin po.” Nakangising bumaling sa kanya si Margot na tila nagniningning ang mga mata. “Mami, be good to Mr. Rueda. Aalis na kami, kailangan pa naming bantayan ang mga booths namin.” At kung gaano kabilis na nakarating ang dalawa ay ganoon din kabilis itong nawala sa kanyang mga mata. Naiiling na ibinaba niya ang baso na wala ng laman at nagpasyang lumabas na rin para makahanap ng makakain.
“Where are you going?” habol ni Caius sa kanya.
“Lalabas na.”
“Why?” tinaasan niya ito ng kilay.
“Lunch break.” Inusod nito ang paperbag na dala nina Margot at Ari kanina. Tinaasan naman niya ito ng kilay.
“You eat these. I’m not really hungry.” May binuksan itong isang paperbag at agad na nahalo sa hangin ang masarap na aroma mula sa loob ng bag. “Coffee?” Nakangising yaya nito sa kanya. Damn it!
“MARGOT, okay lang ba iwanan natin silang dalawa sa office?” Nag-aalalang tanong ni Arielle sa kaibigan na hinihila siya palayo sa laboratory.
“Of course, mas mabuting may time sila with each other. Our ship is sailing.” Nakangising saan ng kasama. Nailing nalang si Ari, minsan ay natatakot siya sa paraan ng pag-iisip nito but at the same time ay natutuwa naman siya. Nag-e-enjoy siya sa mga masasamang plano ng bagong kaibigan. “Hindi mo ba napapansin, na-fe-feel kong may gusto si Sir Rueda AKA future Dadi kay Mami. I can feel the sparks.”
“Chemistry ang major mo at hindi physics.” Ani niya.
“Eh di, I can feel their chemistry. Isn’t weird? Hindi naman sila artista, hindi rin sila ganoon ka close pero kapag naiisip mol ang silang dalawa na magkatabi ay para ka ng maiihi sa kilig.”
Totoo ang sinabi ni Margot, maging siya ay hindi rin makapaniwala na pwede palang mag-exist ang ganoong klaseng senaryo. Kapag nasa office siya at tumatambay, since inampon na siya ng mga tao doon, ay palihim na niyang pinapanood ang bawat galaw ni Mr. Rueda at ni Doc Aguirre. Wala namang ibang ginagawa ang dalawa kundi ang magtrabaho pero kapag may maliit o kahit na kaunting interaksyon lang sa kanilang dalawa ay parang sasabog na ang puso niya sa kaba at sa excitement. Ilang beses na ba niyang pinigilan ang sariling hindi mapatili sa kilig.
“Ari.”
“Hmn?” Sagot niya nang may marinig na tumawag sa kanya. Napahinto si Arielle sa paglalakad at napatingin kay Margot na tumigil rin pero nakatingin sa kung saan. Saka lang niya napagtanto na hindi si Margot ang tumawag sa kanya nang makilala niya ang tinititigan ng kasama.
“Anong kailangan mo kay Ari?” Masungit na tanong ni Margot habang naglalakad pabalik sa kanya. “Hindi mo siya pwedeng kausapin, Joshua.” Napatingin siya sa dating kaibigan… well, he is still her friend though. Napatitig siya kay Joshua, ilang araw na rin niya itong hindi nakikita simula noong magsimula ang examination at ang foundation week. Habang napatitig siya sa lalaki ay biglang bumangon ang pag-aalala sa puso niya dahil sa hitsura nito. It has been weeks since she stopped doing things for his sake at days since they last talked. Halatang pumayat ang kaibigan kahit na gwapo pa rin ito at bakas na bakas ang pagod sa mga mata ng lalaki.
Naaalala pa niya ang mga sinabi nito noong huli silang magkausap, he asked for her forgiveness and told her that he loves her. Kapag naaalala niya ang mga iyon ay lumalakas ang t***k ng kanyang puso. It’s not easy to forget someone she loved for a very long time, kahit na sa dami ng masasakit na ginawa nito sa kanya. Nasa process pa siya, it’s not really easy.
“Hindi ako nandito para makipag-away.” Tumitig sa kanya si Josh at ngumiti. She really missed him. Iyong huling nakita niyang ngumiti ito sa kanya ng ganoon ay noong hindi pa niya sinabi na may nararamdaman na siya para dito. “I am fixing myself, Ari.” Hindi umalis si Margot sa pagitan nilang dalawa. “I made it.” Kumunot ang kanyang noo. “I studied and aced my exam. Naaalala ko noong tinuturuan mo ako sa mga subjects ko, sinabi mo na dapat ay mag-aral ako hindi dahil sinabi mo pero para sa sarili ko. Naiintindihan ko na iyan ngayon, nag-aaral na ako para sa sarili ko. I want to graduate and be a better person for myself. I am slowly accepting myself now and in the future, I hope you can accept me too.” Kinagat niya ang labi niya upang hindi siya tuluyang maiyak sa sinabi ni Josh.
May kinuha ito mula sa likod nito, isang paperbag. “I found this at alam kong magugustuhan mo ito. This is not a bribe or a peace offering, hihintayin kita hanggang sa mapatawad mo na ako.” Naglakad ito palapit sa kanila at ibinaba sa harap nil ani Margot ang paperbag. “I’ll be around.” Huh? Not see you around? Sinundan niya ng tingin ang papalayong lalaki hanggang sa maramdaman niya ang mga hampas ni Margot sa kanyang braso.
“Aww! Arayy! Ouch!” Reklamo niya sa kaibigan.
“Gaga, ayoko sa kanya for you but deym it, kinikilig ako.” Para itong inasinang earthworm sa kanyang harapan. Ito na mismo ang kumuha ng paperbag na ibinigay ni Josh at nagbukas. Sabay nilang sinilip ang laman… “Hoy, gaga! Huwag kang maging marupok.” Maang na napatitig siya dito. “Ay sus, binigyan ka lang ng plushies na bare bears ay abot teynga na iyang ngiti mo. People in love stinks. Ewww, yucky.” Marahan niya itong hinampas at kinuha ang paperbag na ibinigay ni Josh.
Hindi pa rin nito nakakalimutan ang kanyang paborito, he may treat her like that but he never forgets her birthdays and special days. He also remembers her favorite food and her favorite things.
“It’s too early to forgive him, Ari. Well, nasa iyo pa rin naman ang desisyon kung papatawarin mo siya agad-agad. As I can see he is trying his best for you, baka nga iyong paglayo mo sa kanya ang maging eye opener para umayos na siya sa buhay. Let him heal and let yourself heal too, you both deserved it. Kapag okay na ang lahat, baka isang araw ay magkakasalubong nalang kayo with matching eye contact at magtatawanan nalang na parang walang nangyari.”
Sa tingin nga niya ay tama si Margot, they need to heal. Kailangan nilang ayusin ang kani-kanilang buhay na hindi magkasama. She is trying her best and so far, it feels really good.
“Punta tayo sa announcement hall, mukhang may results na nga ang test. Excited na ako.” Tumango uli siya.
“Margot, bakit ka nga pala nagwo-working student mayaman naman kayo.”
“Well, I am not really complaining pero sabi ng kuya ko na kailangan kong i-earn ang mga things na gusto ko. Like, kung gusto ko ng new clothes ay dapat pagsikapan ko iyon, can you even believe it? I’m his one and only sister tapos ay hindi niya ako ini-spoil?” Ngumuso ang kaibigan. “Nang sabihin ko na dito ako mag-aaral, sinabihan ba niya ako na kung gusto ko dito kailangan magsikap ako. Kailangan kong kumuha ng scholarship, they don’t like it here dahil malayo sa bahay. At dahil mapilit ako kaya kumuha ako ng scholarship and I passed. So, nakapasok ako dito ng walang tuition with allowance pa plus iyong for tuition ko ay nasa bank under my name para savings in case I’ll need it in the future. Bakit hindi ka kumuha ng scholarship sa Magnus? Hindi naman mapili ang university as long as makapasa ka sa madugong scholarship examination and interview.”
Totoo iyon, kahit na sinong gustong kumuha ng scholarship, may kaya man o hindi ay mabibigyan ng chance. Of course, iyong mga anak mayaman na talaga ay hindi kailanman maiisip na mag-take ng scholarship kasi nga hindi na nila kailangan iyon.
“I didn’t know there was one and when I checked, para lang pala sa incoming freshman ang opportunity.”
Isa din iyon sa rule, isang beses lang pwedeng mabigyan ng chance ang mga estudyante sa scholarship. Kapag nakapasa sa entrance examination at scholarship test evaluation ay automatic granted ka na, ang qualified lang ay ang mga freshmen, kapag second year na ay hindi na pwedeng mag-take unless, kasali sa top three students sa entire year. Magnus University of Advanced Studies wouldn’t asked six digits tuition free from their students for nothing, literal na madugong labanan at tapakan ang kailangan para makarating sa top three kaya iyong mga tulad niyang medyo above average lang ay nagse-settle na sa nasa kalagitnaan ng rank.
“Sayang naman.”
“Hindi rin baka kasi mawala din iyong scholarship ko if ever nagkaroon man.” Natatawang saad niya.
“Sabagay, sa kabaliwan mo ba naman kay Josh baka masagot mo sa exam ay ang pangalan niya. Yuck talaga, people in love esteeenkkks!” tinawanan lang ni Ari ang kabaliwan ng kaibigan.