NAKANGITING tinanggap ni Rhea ang mga vitamins na ibinigay sa kanya ni Doc Olivia. Pinapunta siya doon ni Mami Isla para doon at para na rin sa kanyang monthly check-ups with the doctor. “How are you nowadays, Rhea? I can see some changes.” Nakangiting pansin nito sa kanya. Katatapos lang nitong kunan siya ng temperature, blood pressure, weight, height at kung anu-ano pa. “Okay po ako, Doc.” Totoo ang naging sagot niya. Sino ba ang hindi magiging okay? Nakatira pa rin siya sa condominium pero mas maraming oras na niyang nakakasama ang Mommy niya. Umuuwi pa rin ito sa mainhouse pagkatulog niya pero nasa unit na niya ito pagkagising niya at handa na rin ang kanyang breakfast. Magsisinungaling siya kung hindi siya masaya dahil sa totoo ay sobrang puno n

