KANINA pa hindi mapakali si Carmi habang inaasikaso ang mga orders ng customers ng café. Doon nila dinala si Rhea at ang biological mother nito, hindi niya inaasahan na makita ang mga eksenang nasaksihan kanina. Rhea’s mother crying begging for her daughter to talk to her while Rhea on the other hand just kept on crying with obvious fear and confusion. “Malas sa negosyo ang bumubuntong-hininga.” Narinig niyang untag ng boss niya na alam niyang kanina pa nakakunot ang noo at napapatingin sa kanya. Who wouldn’t? Pagdating niya kanina ay halos hindi na mapinta ang kanyang mukha. “Kung hindi ka mapakali diyan bakit hindi mo pakinggan ang pinag-uusapan nila?” Umingos siya kay Lincoln. “Alam kong pakialamera ako pero marunong din akong makiramdam. I don’t wa

