CHAPTER 5

3061 Words
            HINILOT ni Isla ang masakit na balikat at ilang beses na inikot ang leeg para kahit papaano ay mawala ang p*******t niyon. Nakarating na siya sa bahay ng kanyang parents at naayos na rin niya ang pagkaka-park ng sasakyan. Matagal na siyang hindi nakakabisita na may dalang wheels kaya naninibago siya sa pagpapa-park.             Kanina pa siya dumating pero wala pa siyang planong bumaba, pinalitan niya ang suot na blouse ng knitted na sweater para kahit papaano ay komportable naman siya. Inilugay niya ang may kahabaang buhok na itim na itim pa rin dahil sa ginamit na temporary hair dye. Tiningnan niya ang sarili sa salamin, nag-retouch na rin siya ng kanyang mukha. Hindi siya papasok sa loob na mukhang haggard dahil siguradong bubuwisitin lang siya ni Aquisha. Her sister is two years younger than her but none would agree when she’ll tell them that she’s older.             Matangkad si Aquisha, isa itong international model at ang mukha ng advertising agency na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. She’s not into business at wala din siyang balak na hawakan iyon kahit siya ang panganay. Hindi niya inclination ang field na iyon, ganoon din si Aquisha, kaya ang natitirang magsasalba at magmamana ay ang bunso nilang si Rafael. First year college ito sa ibang university. Kahit na gusto nitong mag-aral sa Magnus ay hindi kinaya ng grades ng kapatid niya at kahit na kaya nilang tustusan ang tuition fee nito ay hindi pumayag ang kanyang mga magulang na doon mag-aral si Rafael dahil kukulitin lang siya nito ng kukulitin at baka sundan-sundan rin. Walang nagawa ang kapatid kung hindi mag-aral sa university na malapit lang dito.             Napansin niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone, ilang missed calls at text messages ang nag-reflect sa screen niya. Mula iyon sa ina na mukhang hindi na makapaghintay na makita siya, it has been months since she last visited. Ang isa sa mga dahilan kung bakit inaayos niya ang sarili ay baka isipin na naman ng mga ito na hindi niya inaalagaan ang kanyang sarili at pilitin na umuwi dito. Nahirapan siyang bumukod sa bahay ng mga magulang dahil ayaw ng mga ito, she’s twenty-four when she was finally permitted to live on her own. She still missed home but she loves her freedom and solidarity more.             Bago siya bumaba sa sasakyan ay kinuha niya ang pabango na nasa loob pa ng paperbag, it’s a very expensive perfume and this is the first time she got one for herself. Well, someone gave it to her as a gift, in her dreams, and she starts to love the scent. It’s a subtle mixture of strawberry and lavender. Hindi nga niya akalain na pwede palang ipagsama ang dalawang scents na iyon, but it really smells good.             “It reminds me of him.” Bulong niya sa kanyang sarili at saka napabuntong-hininga. Bumaba na siya ng sasakyan at naglakad papunta sa pintuan ng kanilang bahay. Habang naglalakad ay napansin niya ang dalawang hindi pamilyar na kotse na nakaparada sa malawak na garahe ng kanilang bahay. “May bagong sasakyan sina Rafael at Aquisha?” Sana pala ay hindi siya bumili, pwede sana niyang hingin ang lumang sasakyan ng mga kapatid. She could have saved money for food and things.             She pushed the main door when it suddenly opened on her own. Napatingin siya sa bumukas ng pintuan at ganoon nalang ang paglakas ng kabog ng kanyang puso nang mapagsino ang taong iyon. What the hell is Caius doing here in my house? Pakiramdam ni Isla ay may umuubos ng hangin sa kanyang katawan.             “Who are you?” tanong nito habang nakatitig sa kanya. Katulad ng sa panaginip niya, walang bahid ng pagkilala sa mga mata nito. He is looking at her as if she’s a stranger. She is a stranger Isla. You’ve never met here. Paalala niya sa kanyang sarili, ipinilig niya ang ulo at mabilis na tinago ang gulat.             “What are you doing here?”             “I asked you first.” Masking her real emotions, she tried to be as realistic as possible. Caius never changed, he’s still the same cocky bastard who thinks that he owns and rules everything. “You should answer me first.” Sumasakit na ang leeg niya sa kakatingala sa lalaking kaharap. Kung alam lang niya na nandito ito ay sana sinuot na niya ang kanyang pangmatigasang high heels. Hanggang sa baba lang nito umabot ang kanyang height.             Nagkibit-balikat si Isla at maangas—wait! She shouldn’t match his anger issues or else she’ll catch his attention. Kahit na gusto niyang angasan ang lalaki ay kinalma niya ang kanyang sarili at pilit na ngumiti.             “Oh, are you my sister’s boyfriend?” Nagulat siya sa lumabas sa kanyang bibig at sa ideyang kasintahan ito ng kapatid niya. Kumunot lang ang noo nito sa kanyang tanong.             “Ate.” Iniwas niya ang mga mata mula sa lalaking nag-a-ala Great Wall of China. “Kanina ka pa hinahanap ni Mommy.” Nakangiting lumusot siya sa space sa pagitan ni Caius at ng frame ng pintuan. Her small body can do that, she’s just too amazing. Sinalubong naman siya ng yakap ni Rafael at pinugpog ng halik ang kanyang mukha. This is one of the reasons why her parents decided not to enroll her lovely little brother in Magnus. May sister complex ito, kahit siya ay nahirapan na pagsabihan ang kapatid. “I miss you.”             “Gusto mo ba akong mapisa, Raffy? Mas matangkad ka pa sa akin.” Hindi na niya magulo ang buhok nito dahil hindi na niya ito abot. “Ah, I met Aquisha’s boyfriend.” Turo niya sa lalaking naiwan sa may pintuan na nakatingin sa kanila.             “He’s a visitor.” Napansin niya ang masamang tingin ni Rafael sa lalaki na nasa kanyang likod. He’s slightly possessive.             “Isla?” kumalas siya sa kapatid at nilapitan ang ina na nakangiting lumabas mula sa dining area. “Finally, you’re here.” Binalingan nito ang kanilang bunso. “Stop hogging your sister by yourself.” Like mother, like son. Iyon ang biro palagi ng kanyang ama sa nanay at sa kapatid. “Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?”             “Nagda-drive po ako, where’s Daddy, Mama?”             “Nasa living room, may bisita pala tayo.”             “Yeah, I met Aquisha’s boyfriend.” Kumunot lang ang noo ng ina.             “He’s not--.”             “I heard Ate’s voice.” Napatingin siya kay Aquisha na bumababa ng hagdanan. Her sister is really pretty, she might not be too bright, but she shines on her own. Her beauty is incomparable, madalas niyang ipagmayabang sa mga estudyante niya na kapatid niya ang isang sikat na international model kahit na pagtawanan siya ng mga ito dahil hindi daw sila magkamukha at magka-height.             “Mama, I’m hungry.” Nakangiting sabi niya. She missed her mom’s food.             “Ikaw nalang ang hinihintay namin para magsimula na tayong kumain.” Sumulyap ito sa may likod niya. “Caius, hijo. Pumunta na tayo sa dining area.” Yaya ng ina sa kanilang bisita. Lumapit sa kanya si Aquisha at inamoy siya.             “You smell nice, Ate.”             “You like?” Nagulat ito sa kanyang tanong. “I’ll give it to you.” Marahang umiling si Aquisha at ngumiti sa kanya.             “It smells nice but not my cup of tea.” Naiintindihan niya ang pagtanggi ng kapatid. Hindi na rin niya ito pinilit dahil baka magbago ang mood nito.             “I met your boyfriend.” Nagdugtong ang dalawang kilay nito.             “Boyfriend? Who?”             Tinuro niya si Caius na nakasunod sa kanila “Your boyfriend?” Namula ang pisngi ng kapatid at hinampas siya.             “Ate, no!” Aquisha hissed. “Nakakahiya sa bisita natin.” Bulong pa nito sa kanya. Nagkibit-balikat siya at saka bumulong sa kapatid.             “Bagay kayo.” The heck! Pwede ba niyang ingudngod ang mukha sa tiles ng kanilang bahay? Hindi nagustuhan ng kanyang sistema ang ginawa niyang pagpapares sa dalawa.             “Baliw ka talaga, Ate. Kumain na nga tayo.” Umabrisiete siya sa matangkad na kapatid. She’s really tall, siya lang yata ang hindi blessed ng height sa kanilang pamilya. Pagpasok nila sa dining area ay nadatnan niya ang ama na may kausap na lalaking halos ka-edad nito. Hindi pa niya ito nakikita pero may pagkakahawig ito ni Caius. Kumunot ang kanyang noo, wala ng parents ang lalaki, matagal ng namatay ang mga magulang nito dahil sa isang aksidente. Sa pagkakaalam niya ay ang nagpalaki at umaruga sa lalaki ay ang Tito nito. He must be that person. Bumaling sa kanila ang dalawang may-edad na lalaki.             “Dad.” Bati niya sa ama. Lumapit at hinalikan niya ito sa pisngi.             “You have another daughter?” tanong ng kanilang bisita na nakatingin sa kanila.             “This is Isla, she’s my eldest.” Ngumiti siya sa Tito ni Caius. She extended her hand for a handshake.             “Good evening po, Isla Astrid Aguirre.” Tinanggap naman nito ang kanyang pakikipagkamay.                 “I’m your father’s new business partner and friend, Jericho Rueda.” She’s right, he’s his uncle.             “Nice to meet you, Mr. Rueda.” Napasulyap ito sa pamangkin. Kapag lumapit ka dito lalayas talaga ako. Hinila na niya ang palad na hawak ng bagong kakilala.             “And he is my nephew, Caius Rueda.” She wanted to roll her eyes but managed to keep her formal demeanor.             “I met him kanina, I thought he is Aquisha’s boyfriend.”             “Isla!” kahit ang kanyang ama ay nagulat sa kanyang sinabi kaya natawa nalang siya sa naging reaksyon nito. “He’s a visitor.”             “Eh? Bakit naman, Dad? My sister is really beautiful, sinong hindi magiging proud na mapagkamalan na boyfriend ng kapatid ko?” Narinig niya ang malakas na pagtawa ng matanda Rueda sa kanyang sinabi. Naramdaman din niya na tila mabubutas na ang likod ng kanyang ulo dahil may isang taong nakatitig sa kanya.             “Let’s eat?” she changed the topic knowing that Mr. Rueda wasn’t really offended. Isang tao lang yata ang hindi naging maganda ang reception sa kanyang sinabi. Pasimpleng kinurot ni Isla ang kanyang sarili dahil sa kagustuhan na hindi makuha ang pansin nito ay sinubukan niyang ibuyo ito sa kapatid, mukhang mas nakuha niya ang pansin nito. Ang bobo mo Isla, may doctorate degree ka naman pero ang bobo mo talaga.             Dumikit siya kay Rafael, naging shield niya ang kapatid mula sa kanilang bisita. Malayo ang kanilang inuupuan and there’s no chance for them to see each other dahil nasa magkaparehong linya sila ng upuan. Kaharap niya ang uncle nito at ang kanyang mga magulang.             “You have a lovely family, Benedict.” Puri ni Tito Jericho sa ama niya. Her father seems so pleased by the praise. Hindi man sabihin ng kanyang daddy ay alam niyang proud ito sa kanilang achievements, hindi ito mabokal na tao. “Kilalang-kilala itong si Aquisha sa buong bansa, kahit ang mga tauhan ko sa kompanya ay hangang-hanga sa kanya.”             Her heart is also swelling in pride when he praised her sister dahil isa siya sa mga tagahanga ng kanyang kapatid. “Your son is following your footsteps.” Nag-aaral din ng mabuti si Rafael at malalaki ang mga grades nito. Well, he promised her to have good grades. “How about your eldest? I’m sorry, Isla. This is the first time we’ve meet.”             “I’m just a mere teacher.” She introduced herself.             “With a masters and doctorate degree.” Mayabang na dugtong ni Rafael sa kanyang sinabi. Sinipa niya ito dahil hindi na naman nito kailangan pang ipaalam sa kanilang bisita ang tungkol doon. “She’s really smart.”             “Raffy.” Pinandilatan niya ang kanyang kapatid.             “She majored Biochemistry.” Napabuntong-hininga siya nang marinig na nagsalita si Aquisha. “And yeah, my sister is very smart.” Nasapo niya ang kanyang mukha dahil kapag hindi niya pinigilan ang mga kapatid ay baka isa-isahin ng mga ito ang kanyang mga achievements mula kinder hanggang ngayon.                  “I’m really just a humble teacher, Mr. Rueda.”             “Your children love each other, Ben.” Tumawa lang ito. “By the way, Isla. Bakit naisipan mong magturo at hindi sumunod sa yapak ng daddy mo?”             Ilang beses na niyang narinig ang tanong na iyon. “I’m not interested in running a business, Sir. That’s not my cup of tea and my father understood my decision. Luckily, we have Raffy here to follow our father’s footsteps.” Sunod-sunod na tumango naman ang kapatid niya.             Ngumiti lang ito sa kanyang sinabi. “Mukhang magkakasundo kayo nitong pamangkin ko.” Oh, hell no! “He doesn’t want to follow my footsteps and made his own company.” Kahit na iyon ang sinasabi ng kausap ay bakas pa rin ang pagmamalaki sa mukha nito sa kung anumang desisyon na ginawa ni Caius.             “Iba-iba po yata talaga ang gusto at desisyon na ginagawa ng mga tao. Ang mahalaga po ay pinaninindigan ang mga desisyon na iyon at kung magkamali may ay alam nila na may nakaalalay lang sa kanila. The support system is the most important aspect in supporting the people we care.” Ngumiti siya dito. “That’s from a teacher’s perspective.”             “That’s true.” Sang-ayon nito. “And speaking of teacher, my nephew is working as a substitute teacher in a university.” Hindi siya nagtangkang sulyapan ang naging topic ng kanilang usapan dahil alam din niya iyon. “What can you advise to him?”             “There’s no need for that, Tito.” Narinig niyang wika ni Caius.             “Come on, Cai. Isla is a teacher, you can ask her help.”             “No!” Magkasabay nilang tutol. Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga kasama niya sa mesa sa kanilang dalawa.             “I mean there’s no need for my help, I think he already know what to do. Hindi naman papaya si Caius na maging substitute kung wala siyang ideya sa ginagawa niya.” Pagdadahilan niya. Bakit ba pilit silang pinaglalapit ng mga tao.             “I also don’t need help, I can do it.” Si Caius.             “Pasensya ka na sa pamangkin ko, Isla. Matigas talaga ang ulo niyan at ayaw niya ng tinutulungan. His pride and ego are as tall as the Eiffel tower.” Hindi niya napigilan ang sariling matawa sa sinabi ng tito nito. “But he is a good kid.” Yeah, not until he breaks my heart.               “BAKIT kailangan mo pang bumalik sa condo mo, Isla? Dito ka nalang magpalipas ng gabi.” Pamimilit ng in ani Isla nang magpaalam na siyang umuwi. Nasa living room ang kanyang ama at ang mga bisita nito. Nasa silid na si Aquisha dahil kailangan nito ng beauty rest, nagpaalam na siya sa kapatid ng akyatin niya ito kanina. Gusto sana nitong tabi silang matulog pero tumanggi siya dahil hindi ito makakapagpahinga, mag-uusap sila hanggang madaling araw. And, his brother was literally locked inside his room by their parents. Gusto pa rin sana nito ng quality time pero may exams pa ito at kailangan nitong mag-aral kaya wala itong choice. Nangako siyang ililibre niya ito ng coffee and cakes kapag naipasa nito ang mga tests nito. “Masyado ng gabi para magdrive.”             “May kailangan pa kasi akong tapusin na reports, Ma. Deadline na bukas, hindi ko iyon natapos dahil nag-absent ako last Tuesday.” Kumunot ang noo nito.             “Nagkasakit ka ba? Bakit ka nag-absent? Why didn’t you call me?”             “Mama, calm down.” Natatawang pakalma niya dito. “I’m okay.” Not really. “Na-late kasi ako ng gising dahil hindi nag-alarm ang cellphone ko. Sinulit ko nalang ang araw at binisita si Leane at kinuha ko rin ang kotse ko.”             “Sinabihan mo sana kami ng daddy mo ng bumili ka ng sasakyan. We could have bought it for you.”             “Ma, matanda na ako. I’m already twenty-seven and I am earning too. Hindi ako pwedeng umasa sa inyo ni Daddy.” Pinisil nito ang kanyang pisngi.             “Baby ka pa rin namin, Isla. We want to spoil you too.”             “Sa susunod, Ma. Kapag may nagustuhan akong Gucci na bag ay isesend ko ang picture sa inyo at ipapabili ko.” Natawa siya sa kanyang naisip. Well, she loves food and she love shopping too.             “I’ll be waiting, send it as soon as possible.” Hinalikan niya ito sa pisngi.             “So, pwede na akong umuwi?” Bumuntong-hininga lang ang ina at napilitang tumango. “Samahan mo akong magpaalam kay Daddy.” Nanunuksong tiningnan siya ng ina.             “Bagay kayo ni--.”             “Ma, I really need to go.” Putol niya sa kung anuman ang sasabihin ng ina. “Samahan mo na ako baka hindi ako payagan agad ni Daddy na makauwi.” Ungot niya sa ina.             “Sige na, sasamahan na kita.” Humigpit ang kapit niya sa ina habang naglalakad papunta sa ama niya.             “But I really like the Gucci bag. Should I ask Aquisha to buy that for me when she works abroad?”             “That’s a very good idea.” Naglalaway na siya sa ideyang magkakaroon siya ng bagong bag. Maybe she can also ask for a new shoes, susulitin na niya ang pagiging mahirap.             “Honey.” Tawag ng ina sa ama.             “Yes, Miriam?” She rolled her eyes again, her father is too formal. Kapag may mga bisita sila ay hindi nito tinatawag sa usual endearment ang kanyang ina. Mukhang sanay na rin ang nanay niya sa ganoong ugali ng ama.             “Uuwi na si Isla, ihahatid ko lang siya sa sasakyan niya.” Iniwas niya ang tingin kay Caius na automatikong napatingin sa kanyang gawi.             “Bakit hindi ka nalang dito magpalipas ng gabi, Isla?”             “I’m sorry, Dad. May kailangan pa kasi akong tapusin na paperworks, I need to submit those tomorrow kaya kailangan ko siyang tapusin ngayon.” Kung wala silang bisita sigurado siyang lilitanyahan na naman siya ng ama ng ‘humanap ka ng trabahong hindi dinadala sa bahay’. Thanks God to these visitors.             “Okay lang ba na magdrive ka ng mag-isa, Hija? I can ask my nephew to drive you.” She flashed her super fake-but-not-so-obvious smile as she shakes her head.             “Ayokong madisturbo ang pamangkin ninyo at saka may sasakyan naman po ako. Sanay na rin akong magdrive ng mga ganitong oras but thanks for the offer.” Hindi nagsasalita si Caius pero nakatitig lang ito sa kanya. Stop staring at me or I’ll poke your eyes. “Good bye, Dad.” Hinalikan niya sa pisngi ang ama. “Good bye, Mr. Rueda.” Paalam niya sa kaibigan ng ama bago tumingin kay Caius. “Good bye, Mr. Rueda.” Si Cai ang tinutukoy niya. “Aalis na po ako.” Hinila niya ang ina.             “Dalhin mo ang mga ito, Isla.” Lumaki ang ngiti niya ng makita ang paperbag na may lamang mga Tupperware na sigurado siyang mga pagkain.             “I love you, Mama.” Niyakap niya ang mga iyon.             “Ishare mo iyan sa office mo baka mapanis lang iyan sa refrigerator mo.” Tumango siya.             “Yes, I will.” Tinulungan siya nitong ipasok ang mga iyon sa loob ng kanyang kotse and even buckled the seatbelt for her. Hinalikan siya ng ina bago siya lumabas ng bahay. She really loves her Mama so much, she’s very thankful she came into her life.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD