NATIGILAN si Isla sa paglalakad at tila natulos sa kinatatayuan. Nasa bibig pa niya ang pandesal na binili niya sa bakeshop na nadaanan niya. Hindi siya makakilos habang nakipagtitigan sa nakakadiring nilalang na nasa kanyang harapan.
May palaka sa kanyang harapan! It’s not just a small frog but a toad frog croaking while staring at her. Cold shivers run down to her spines. She hates that damn thing! Nakaharang ito sa kanyang daraanan at wala na siyang iba pang pwedeng daanan kundi ang kinaroroonan nito. Nag-iisip siya kung tatakbo ba o kaya naman ay maglalakad sa gilid nito at iisipin na hindi ito nag-e-exist. Pero paano kung bigla nalang siya nitong talunin?
“Shooo!” pagtataboy niya sa nilalang pero hindi ito natinag at patuloy na nakipag-eye to eye contact sa kanya. Bigla itong kumilos pero hindi naman tumalon, siya ang napaatras. Nablanko ang kanyang isip. “Huwag kang lalapit sa akin or babatuhin kita.” Banta niya dito pero hindi siya nito naiintindiha.
“The frog is too small to eat you.” May narinig siyang nagkomento.
“You won’t know!” she shrieked when the frog suddenly hops toward her. “Damn it!” Handa na talaga siyang tapakan ito, she’s not a violent person, well sometimes. Iilang beses lang siyang nakahawak ng mga tulad nito dahil matatakutin siya. Maganda lang siya pero hindi siya perfect—semi-perfect. Handa na rin siyang sumampa sa bumper ng kotseng nasa tabi niya kung sakaling lumapit pa ito sa kanya pero bumukas ang driver seat at mabilis na umikot. Sa isang iglap lang ay mabilis na kinuha ng lalaking nagsalita kanina ang palaka at binato sa kung saan.
“It’s gone.”
Nakahinga na rin siya sa wakas ng malamang wala na ang pahamak sa buhay niya. “Tha-Thanks… huh?” Sa mga oras na iyon, mas gusto niyang itanong sa sarili kung ano ba ang mas nakakatakot na makita sa ganoong oras. Ang pangit na palaka o ang gwapong mukha ni Caius na nakatitig sa kanya.
Should she choose the frog?
He is leaning beside his black audi while his arms are folded above his chest like a model. She can’t choose the frog, she can’t also choose him. Parehong takot siya sa dalawa.
“Wh-what are you doing here?”
Umayos ito ng tayo at naglakad palapit sa kanya, bahagya siyang napaatras para hindi tuluyang mawala ang distansya nilang dalawa.
“Have we met before?” Nagdugtong ang dalawang kilay ni Isla sa tanong nito. “Sa pagkaalala ko ay ito ang pangalawang beses na nagkita tayo and you still have the same reaction.”
“Reaction?” Kumunot na ang kanyang noo. “What reaction?” she immediately masks her emotions, from fear to irritation. Ilang dipa nalang ang layo nila sa isa’t isa nang may marinig siyang ingay mula sa kung saan kaya napasilip siya.
“Ikaw ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Josh.”
“Ano ba ang pinagsasabi mo Taylor? Magkaibigan lang kami ni Josh.” Kilala niya ang boses na iyon, isa ito sa mga naging estudyante niya last year sa isang minor science subject. Kasing year level lang ito ni Margot pero magkaibigang department nga lang.
“Magkaibigan? You love him and still treat him as a friend? Kung alam ko lang sana ay sinabi ko na kay Josh na iwasan ka niya.”
“We are bestfriends.”
“f**k you too. Ahas ka, ikaw siguro ang nagsabi ng hindi maganda tungkol sa akin kaya ayaw na niya sa akin.”
“Should we stop them?” bahagya siyang lumayo kay Cai nang tumama ang hininga nito sa kanyang leeg. Nakikinig rin ito sa away at tama ito kailangang awatin niya ang dalawa dahil mukhang handa ng kalmutin ni Taylor si Arielle. At bakit ang lapit nito sa kanya?
“Wala akong ideya na hiniwalayan ka niya, desisyon niya iyon.” Sa sinabi ni Arielle ay mukhang mas nagalit si Taylor kaya malakas na sinampal ito ng huli, sa gulat ay gumanti din ang unang nasaktan. Lalapitan na sana ni Isla ang nag-aaway nang may isang lalaking lumapit sa mga ito.
“What the hell was that Arielle?” Josh. Malamang ang pangalan ng lalaking iyon. Mabilis na kumapit si Taylor sa bagong dating at nagsimula ng umiyak.
“Sinaktan niya ako, Josh.”
May narinig siyang malakas na buntong-hininga. “Arielle, hindi ka dapat nananakit ng ibang tao. You never changed.”
“Siya ang nauna.” Nagtagis ang bagang niya nang mapansin niya ang ekspresyon ni Josh, halatang hindi ito naniniwala sa sinabi ng bestfriend. Naikuyom niya ang kanyang kamao habang humihigpit ang hawak niya sa brown na paperbag na may lamang tinapay.
“Huwag ka munang lalapit sa akin hangga’t hindi pa lumalamig ang ulo mo.” Malamig na sabi ng lalaki at iniwan si Arielle na nagpipigil lang na umiyak habang nakatingin sa papalayong nilalang.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Caius.
Tinaasan niya ito ng kilay. “None of your business.” Napatingin siya sa hawak na paperbag at isinaksak iyon sa kamay ng lalaki na tinanggap naman nito. Iniwan niya ito at agad na nilapitan si Arielle na nakatanga pa rin doon.
“Ari.” Seryosong tawag niya dito.
“Do-Doc Aguirre, go-good morning po.” Mabilis nitong pinahid ang ilang patak ng luha sa pisngi nito. Hinawakan niya ito sa braso at hinila papasok ng school campus. Hanggang ngayon ay sumisikip pa rin ang dibdib niya dahil sa nasaksihan kanina. At dahil malapit lang ang research laboratory sa West gate kung saan siya nagpark, mabilis niyang narating ang opisina.
Itinulak niya ang glass door at nag-biometrics muna para sa kanyang attendance bago pinaupo si Arielle sa sofa.
“Mami, anong nangyari?” Salubong sa kanya ni Margot.
“May ice ba tayo, Margot?”
“Titingnan ko po.” Naghalungkat ito ng yelo sa refrigerator. “Ice cream lang po ang meron tayo dito.”
“Iyan na lang.” kinuha niya mula sa assistant ang isang pint ng ice cream at iyon ang inilagay sa namumulang pisngi ng estudyante. “Alam mo kung hindi lang rin naman maniniwala sa iyo iyong pesteng lalaking iyon sana ay sinabunutan mo na lang si Taylor.” Inis na pakli niya dito.
“Eh, Mami. Baka masuspend po siya.” singit ni Margot.
“I’m a living witness, pwede kong sabihin na naunang nanakot iyong babaeng iyon.” Kinuha niya ang throw pillow at inis na hinampas iyon sa bubong ng laboratory. Hindi siya ang pisikal na nasaktan pero galit na galit siya.
“Mas lalo akong lalayuan ni Josh kapag nalaman niyang sinaktan ko na naman ang ex-girlfriend niya.” Mahinang sabi ni Arielle.
“Saktan na naman?”
Malungkot na ngumiti ito. “Kapag nakikipaghiwalay siya sa mga girlfriends niya ay ako ang nagiging target ng mga iyon, sila ang nauunang lumapit sa akin, sila ang nauunang nananakit at pinagtatanggol ko lang naman ang sarili ko. Pero sa bandang huli ay sila ang nagkakapasa kaya sa akin napupunta ang sisi.”
“Kaano-ano mo ba iyong Josh na iyon?” Pilit niyang kinalma ang sarili niya. Walang mangyayari kung patuloy siyang magpapakain sag alit niya sa kanyang nasaksihan.
“My bestfriend.”
“And her first love.” Tumabi si Margot dito. “Hi, I’m Margot. Magka-batch tayo and yes, kilala kita. Kilala ka ng halos kalahati ng populasyon ng Magnus, don’t be offended Arielle pero alam namin na may gusto ka sa bestfriend mong playboy kaya sunod ka ng sunod sa kanya.” Litanya ng assistant. “Mga not so nice terms ang ibinibigay ng mga schoolmates natin sa iyo kaya hindi ko na iyon sasabihin dahil baka ma-hurt ka lang.”
Tumango lang si Arielle na tila alam kung ano ang mga iyon. Malungkot na ngumiti ito habang nakatingin sa kanila.
“I can’t help it. I can’t help myself but to follow him around. Siya lang ang kaibigan ko sa campus, iyong ibang babae kasi ay kinakaibigan lang ako para mapalapit sa kanya. Kapag ni-re-reject ni Josh ang mga iyon ay nilalayuan nila ako. Si Josh lang ang naging kaibigan ko since high school kaya sa kanya ako nakabuntot.”
Lumapit si Teo na may dalang isang basong tubig at ibinigay kay Arielle. “Salamat.” Napatitig si Arielle dito, she can’t blame her though.
“He’s off limits, para lang siya sa kuya ko.” Nakangising ani ni Margot. Masamang tinitigan lang ito ni Teo. “Back to your business. Don’t tell me after this ay susundan mo pa rin siya na parang aso?”
Hindi umimik ang babae pero alam na nila ang kasagutan ng tanong ng assistant. “My goodness, Arielle.” Hinawakan nito ang palad ng katabi. “We are friends from now on, hindi tayo magkatulad ng department pero pwede mo akong buwesitin kahit anong oras. I don’t mind.” Iyon ang nagustuhan niya sa assistant niya. Aside from being open-minded ay hindi ito namimili ng taong kakausapin at kakaibiganin. “I have a lot of friends and I don’t mind adding one.”
“Pero, walang mag-aalaga kay Josh.”
“Eh? Bakit kailangan mong alagaan ang taong iyon? Sinaktan ka niya, he took you for granted. He is old enough to take care of himself.”
“He’ll missed his meals if I don’t remind him.”
Tumaas ang kilay niya. “Alam ba niya ang nararamdaman mo sa kanya?” napatitig ang estudyante sa kanya, nakangiti ito pero sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata nito kasabay ng ilang tango. “He knew, huh? What a jerk!” Mas lalong nadadagdagan ang init ng kanyang ulo sa nalaman. “What did he say then?”
“He said he wanted us to be friends, ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin.”
“Walang matinong kaibigan na hahayaan na masktan ang kaibigan nila. Your bestfriend is just using you.” Sabay-sabay silang napatingin kay Teo, bihira lang itong magsalita kaya alam nilang ayaw din nito sa nangyayari.
“Arielle, may point si Teo.” Malumanay na panimula niya sa estudyante. “He’s afraid to lose you, hindi ba niya naiisip na darating ang panahon na mapapagod ka rin na masaktan at ikaw na mismo ang unang lalayo?”
“Hindi ako lalayo--.”
“Ikaw na ang tanga.” Isang malakas na hampas ang pinakawalan ni Margot sa katabi. “Girl, we are not meant to be hurt in any possible way. Mag-isip ka nga nga matino, hindi lang si Josh ang nag-iisang lalaki at tao sa mundo. Look, I am not forcing you to stay away from him but have self-respect first.”
“Gusto mo bang maulit ng maulit ang nangyari sa iyo ngayon?” Umiling si Arielle sa kanyang tanong. “Gusto mo bang maging audience lang sa mga relationships ng bestfriend mo? Paano kung ginagawa niya ang lahat ng ito para saktan ka at ikaw ang kusang lumayo? Tama si Teo, kung may pagpapahalaga sa iyo ang tinatawag mong bestfriend na ayaw kang mawala, hindi ka niya harap-harapan na sasaktan ng ganyan. Hindi nga siya nagtanong at nag-research muna kung ano ang totoong nangyari, mas kinampihan pa niya iyong mga babae niya. I am not here as your teacher, I’m talking to you as a friend.”
“Mahirap.”
“Wala namang desisyon na madali. Lahat ay mahirap pero kung sigurado ka na sa desisyon mo mas madali na lang ang lahat, right Mami?”
“Margot is right.” Hinawakan niya ang pisngi ni Arielle at pinahid ang basang pisngi nito. “I am giving you until lunch time to think about this, we can help you, Arielle, if you allow us.”
“Bakit?”
“Anong bakit?”
“Bakit niyo ako tutulungan? I’m not a part of this--.”
“You were my student, lahat ng mga naging estudyante ko ay itinuring ko ng anak. Kaya kung napapansin mo, Mami ang tawag ni Margot si akin at ganoon din si Teo. It means baby na rin kita kaya as a mother to her children, why wouldn’t I help you?” ngumiti siya dito. “And besides, we are really bored. Kailangan din namin magkaroon ng ibang outlet or else mababaliw kami dito sa laboratory.”
Sunod-sunod na tumango si Margot. “You know, we have this habit of making people’s lives miserable especially that bestfriend of yours. Kung papayag ka na tulungan namin sisiguraduhin namin na hindi ka na uli masasaktan ng mga taragis na ex-girlfriend ng gwapo mong bestfriend.”
“Margot!”
“Gwapo naman talaga si Josh but sorry, hindi ko siya type. Iba ang type ko.” Tiningnan nito si Teo na biglang nasira ang magandang mukha. “Teo naman, eh. Naka-reserved ka na kay kuya, you’ll be my brother-in-law kaya huwag kang mag-alala you are safe with me.”
“Ari, kapag ready ka na. Kapag decided ka na talaga, our research laboratory is open for you. Puntahan mo kami dito.” kahit papaano ay napansin niya ang paggaan ng awra ng bata. Nakakalungkot lang na may mga taong nakakaranas na masaktan sa ganitong edad or even younger. She experienced it before that’s why she understands her.
“Mami, babalik kaya dito si Arielle?” untag sa kanya ni Margot. Kanina pa nakaalis si Arielle dahil may klase ito. Naiwan silang tatlo na tahimik na nagtatrabaho.
“She will.” Sagot ni Teo. “Kung hindi siya babalik siya na ang pinakatangang babae na makikilala ko.”
Tinawanan lang nila si Teo. “Mukhang kami lang naman yata ang ka-close mong babae, Teo. Meron pa bang iba?” she joked. “Biro lang. Sigurado akong babalik si Ari, wala akong estudyante bobo.”
“Oh my God!” Napatingin siya sa tili ni Margot na halatang excited na excited dahil sa pagniningning ng mga mata nito habang nakatitig sa hawak na cellphone.
“What happened?”
“Nagkita na kayo ni Mr. Rueda, Mami?” kumunot ang kanyang noo nang magtitili at magtatalon ito sa puwesto nito. “Look, Teo. Look!” Ipinakita nito sa katabi ang hawak na cellphone. Napilitan siyang tumayo at nilapitan ang mga assistants. Kinuha niya ang cellphone ni Margot at tiningnan ang naging dahilan kung bakit naging instant kiti-kiti ito. Lihim siyang napamura nang makita ang picture nilang dalawa sa parking lot. Nakatayo si Caius sa tabi ng kotse nito habang hawak ang brown na paperbag na may lamang durog-durog na pandesal habang siya ay naglalakad palayo dito. Ito iyong eksena na papunta na siya kay Arielle.
“Anong nakakakilig dito?” inosenting tanong niya. Habang nakatitig sa picture ay pwede niyang isipin na nagkataon lang na magkatabi ang parking area nilang dalawa. At pwedeng hindi sila nagkita, magkasunod lang silang lumabas ng sasakyan. “Hindi naman kami nag-uusap dito.” ibinalik niya kay Margot ang cellphone.
“Mami, are you blind? It’s the way he looks at you.” Inirapan lang niya ang assistant. She rolled her eyes uninterestedly.
“We’ve never met, we’ve never talk.” She lied. “Stop with the shipping my dear.”
“Na-fe-feel ko talaga, Mi. Magkaka-something kayo.” Seryosong saad nito.
“Na-fe-feel ko rin na male-late ka na sa klase mo.” Marahang ginulo niya ang buhok ni Margot. “Come on, delete the picture.”
“I can’t delete it, nasa official f*******: page ng Magnus siya naka-post. Pwede mong i-call ang IT department Mami to delete this.” Mas lalong nagningning ang mga mata ng kausap nang sabihin nitong IT Department. Mukhang may ideya na ito kung sino ang nandoon. Knowing that person, mukhang wala pa itong alam na may ganoong post sa sss page. Malamang ay mga estudyante na admins lang ang may kagagawan, Caius will definitely delete it once he’ll notice the picture. Besides, it’s just a harmless photo.
“Hayaan mo na iyan diyan, they will delete it sooner or later.” Pambabalewala niya dito. “And don’t fret over a picture like that. Akala ko naman may scandal na talaga.” She should act that she’s not affected. Aksidente lang na nagkita silang dalawa ni Caius sa parking lot.
Aksidente? Kumunot ang kanyang noo nang mapagtanto na may kakaiba sa nangyari kanina. Sa pagkakaalam niya ay nasa Information and Technology Department si Cai dahil iyon ang department ni Kleena, ang pinalitan nito pansamantala. Kung gusto nitong mas mapadali ang pagpunta sa faculty room ay dapat sa East Gate ito nagpark.
Nagkataon lang ba na magkatabi ang parking area ng kotse nila? Nagkataon rin ba na hindi ito nagulat nang makita siya?
Bumalik na siya sa kanyang mesa at kinuha ang notebook niya.
Day 5
Nasira ang cellphone ko dahil may sumagi sa akin. Nalaman kong si Caius iyon, hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa kanya but he just loved ruining my day. He gave me his phone number to contact him for a phone replacement.
“May nangyaring ganito?” Takang tanong niya sa kanyang sarili. “But it didn’t happen on the 5th day, nangyari iyon last Wednesday.” Nasapo niya ang kanyang ulo dahil bigla iyong sumakit. Iniba niya ang mga nangyayari day by day ayon sa mga nakasulat sa notebook. “Naiiba lang ang araw. Nasa panaginip na naman ba ako o sa totoong reyalidad?”