CHAPTER 7

2697 Words
            NAMEYWANG si Isla habang nakatingin sa tatlong taong umuukopa ng kanyang maliit na condo unit. Naka-upo ang mga ito sa ibaba ng kanyang kama, may mga chips sa kung saan-saan habang naghahalo ng sprite, yakult at soju si Margot sa nakuha nitong pitcher sa kanyang maliit na kusina. Iniinit pa niya ang mga left-over food na pinadala sa kanya ng ina last night.             “Bago niyo inumin iyan ay kumain muna tayo.” Hindi niya alam kung paano siya nakumbinse ng tatlo na dito sa condo niya mag-device ng plan para makatulong kay Arielle.             “Mukhang masarap iyan, Mi. Ikaw ang nagluto?”             “Of course not, left over from last night pa ito. Huwag kayong mag-alala hindi pa sira ang mga pagkain dahil nakalimutan ko sila sa freezer.”             “Kahit ano kinakain namin.” Si Teo.             “Ano ba iyang mini-mix mo, Margot? Reliable ba iyan?”             “Nakita ko ito sa youtube at sa tiktok.” Tukoy nito sa dalawang sikat na social media application. “Mukhang masarap kaya subukan natin.” Nabili niya ang mga iyon sa convenience store na nasa ibaba ng kanyang condo pati na rin ang mga chips. She’s not a saint, noong medyo bata pa siya ay naging laman din sila ni Leane sa mga clubs. Subok-subok lang naman iyon at nang magsimula na silang magtrabaho at nagkaroon ng steady relationship ang kaibigan ay hindi na sila muling bumibisita sa mga lugar na iyon. Naiingayan na rin siya. Madalas ay umiinom pa rin siya pero hindi hard liquors, mas type niya ang mga cocktail drinks.             “Hindi ba tayo mamamatay sa mga hinalo mo diyan?”             “It’s okay Mami, safe ito. Kapag may kumisay sa ating apat dito pakidala nalang sa hospital.”             “Hoy, nasa condo ko pa rin kayo at ako ang pinakamatanda dito kaya ayokong may bumula ang bibig dito.” Nagtawanan lang ang tatlo. Pagkatapos initin ang mga pagkain ay nagsimula na silang maghapunan. So far, uneventful ang buong maghapon niya at iyon ang ipinagpasalamat niya ng husto.             “Doc, ang dami niyo pong mga signature bags. You are rich.” Narinig niyang komento ni Ari. May iilan nga siyang mga naka-display na bags sa pinasadya niyang glass cabinet na nakalagay sa ilalim ng TV at katapat ng kanyang kama. “And you have very expensive shoes.”             “Mami’s family is really rich. Her parents own an advertising company.”             “It’s just a small business.” Pagtatama niya sa sinabi ni Margot.             “Her sister is an international model, Aquisha Aguirre.”             “Kapatid mo si Aquisha?” gulat na tanong ni Ari. “You don’t look a like.” She got her phone at showed them a picture of her siblings with her. “Mas kamukha mo iyong lalaki, he is the male version of you.”             “Ang gaganda ng genes namin, right?” mayabang na tanong niya. “But I got those because I work hard for it. Iilan lang diyan ang bigay ng magulang at kapatid ko kaya huwag kayong mainggit. Kapag nakapagtapos at nakapagtrabaho na rin kayo ay mabibili din ninyo ang mga gusto niyo na hindi umaasa sa ibang tao at mas fulfilling iyon. Hindi rin masamang tumanggap ng gifts every now and then.” Tumawa siya sa sinabi niya, very contrasting kasi.             “I can’t wait to graduate, gusto ko rin na magsarili.” Ani ni Margot. “I can’t stay in my brother’s house forever dahil ayokong madisturbo ang magiging love den nila ng magiging lover niya, right Teo?”             “I am not interested in your brother.”             “Not yet, magkakagusto ka rin sa kanya. Just give it time.” Pambihira talaga itong babaeng ito. Kahit kailan at kahit saan maisingit lang ang mga love teams na gusto nito. “Come on, Teo.  My brother is handsome, bagay kayo.”             “Is she always like that?” bulong ni Ari kay Isla habang pinipilit pa nito si Teo.             “Yes, masasanay ka rin sa kanya. She’s not a bad girl, you’ll like her soonest.” She assured Ari.             “She seems nice and I already like her. She’s crazy too.” Napangiti siya at napanatag nang makitang unti-unti ng nagiging open si Ari sa mga kasama. She needs friend, just like her to Leanne before.             “Ari, kino-contact ka ba ni Josh?”             Umiling si Ari sa tanong ni Margot. “He doesn’t contact or call me, kapag alam kong nag-co-cool down ay saka ko siya tine-text o kaya ay tinatawagan. I feel bad about today, I didn’t order his lunch.”             “Ay, very good iyan.  Very smart move. Simula ngayon ay huwag mo ng gawin ang mga bagay na iyan, he’s just a friend not your husband. Kung ite-take for granted ka niya then let him take a dose of his own medicine.” Napalunok si Ari.             “This won’t be easy, Arielle. But, I really hope this will work because you want it to work.” Aniya dito, tumango lang ang dalaga.             “Delete his phone number.” Kinuha ni Margot ang cellphone nito. Noong una ay halatang hesitant pa ang nasa hotseat pero ibinigay rin nito iyon. “Sino ang mga nasa contact list mo?”             “Josh.”             “Your parents?”             “They are dead, matagal na.”             “Your guardian?”             “My auntie but she’s not here, nasa US siya. Doon siya nagtatrabaho bilang nurse at sa messenger lang kami nag-uusap kaya wala akong number niya.”             “Password.” Binuksan ni Ari ang cellphone nito. “Deym, siya lang talaga ang laman ng phonebook mo. Don’t tell me memorized mo rin ang number niya?” umiling ito.             “He changed his phone number kapag nakikipagbreak siya sa mga girlfriends niya, malamang iba na rin ang number ni Josh.”             “Then, better block his number para sure. I-bo-block na rin natin siya sa mga social media accounts mo, okay lang ba sa iyo?”             Kinuha ni Ari ang cellphone nito at laking gulat nila ng magkusa itong gawin ang inutos ni Margot. She blocked her bestfriend’s f*******:, i********:, twitter and other socmed accounts. She even deleted his number in front of them.             “Kung tutulungan niyo ako ay kailangan kong gawin ang part ko. I don’t want to be hurt by the same person again. Tama kayo sa sinabi niyo kanina, I really doubt it kung tinuring nga niya akong kaibigan. Sorry kung medyo late na nang marealized ko iyon.”             Pumalakpak siya, masaya siya sa narinig mula dito. Tama ang kanyang sinabi, wala siyang estudyanteng bobo. Her students are very smart with common sense pa.             “Simula sa lunes hindi mo na siya pupuntahan sa department niya, sa Engineering department siya hindi ba?” tumango si Ari. “Every lunch ay magkita tayo sa research laboratory, sabay tayong mag-lunch. I’ll put my number and Teo’s number here, pwede mo siyang yayain na maglunch but don’t fall in love with him, he’s reserved to someone very special.” Hindi na nagkomento si Teo sa huling sinabi ng kaibigan. “And, I’ll put Mami’s number here too in case hindi mo kami maabutan. Kapag galit iyan sa mundo bigyan mo lang ng pagkain at magiging okay na iyan. We can’t afford chanel, Gucci, and other signature products kaya daanin nalang natin siya sa pagkain. Marami din kaming food sa ref sa laboratory at minsan ay nanlilibre siya ng pagkain kaya stick ka lang sa amin for more food--- aray!” hiyaw nito ng kurutin niya si Margot sa singit.             “How about a make-over? Hindi ba dapat may makeover kapag nagmo-move on? Nababasa ko iyon sa mga e-books and novels.”             “Should I cut my hair? I really want it short but he told me I look good with long hair.”             “Yes!” mabilis na sagot nilang tatlo. “Let’s do the things he hates you to do and don’t allow him to dictate your every decision. Isa lang siyang kaibigan.” She said pointed out last word. “We can cut it now.”             “May bukas pa bang saloon ngayon, Mi?”             “Meron pa, sa likod ng condo may saloon doon at kilala ko ang may-ari. Punta na tayo, kami ang bahala sa iyo.” She assured Ari. Alam niyang nabibilisan ito sa mga nangyayari pero hindi niya inaasahan na mag-e-enjoy siya ngayon. Ito iyong hindi niya na-enjoy sa apat na beses na nanaginip siya sa mga mangyayari. Before, she felt restless but now, she felt at ease.             “Paano ang soju drink na mix ko?”             “Balikan natin mamaya.” At walang nagawa ang tatlo kundi ang sumunod sa kanya. Hindi na siya nagbihis dahil hindi naman siya aalis sa building at sanay na rin ang mga kapitbahay niya sa ayos niya. Normally, she’ll wear a loose shirt, three times her size and a pair of spongebob pajama na malaki din sa kanya kaya fino-fold niya para hindi siya madapa. Her house slipper is a very cute and fluffy Patrick Star design.             Pagdating nila sa saloon ay maswerteng walang costumers dahil dinner time na ng mga oras na iyon kaya mabilis nilang napa-cut ang hair ni Ari. Nagpa-retouch na rin siya ng nail colors kasama si Margot habang nagpapamassage naman si Teo. Ang swerte talaga ng mga batang ito na nadidikit sa kanya, they are very blessed to have her. Natatawang puri niya sa kanyang sarili.             “You look different.” Komento ni Teo nang makabalik na sila sa kanyang condo unit.             “Pangit ba?”             “Nope. You look better and confident, sigurado kami na magwo-work ang plan natin. This is not operation forget Josh, but operation make Ari feel better.”             Inubos din nila ang drinks na na-mix ni Margot. Infairness, nagustuhan naman niya lasa. Mataas ang tolerance niya sa alcohol kaya mahirap siyang lasingin pero hindi sina Margot at Ari na pulang-pula na ang mukha. Hindi naman sila lasing pero dahil first time na uminom ang dalawa kaya ganoon ang naging reaksyon ng mga ito.             Si Teo lang yata ay normal pa rin. Napabuntong-hininga siya nang marinig ang mahihinang katok sa kanyang pintuan. “Teo, can you open the door please?” she tried to suppress her smile because she knows her visitor. Nakita niya ng i-text ni Margot ang kapatid para sunduin ito.             “Hi.” Boses iyon ng kuya ni Margot. “Such a lovely evening, Teo.”             “Doc, may bisita ka po.” Mabilis na iwas ni Teo sa kapatid ng kaibigan. Sumilip ang ngumiti siya.             “Mukhang nalasing si Margot at ang kaibigan niya, sorry, hindi ko inaasahan na iinom sila ng marami.” Matangkad si Teo sa kanya pero mas matangkad si Carlou sa kanilang lahat. Magkasingtangkad si Carlou at si Caius. They really look good together.             Sumulyap muna ito kay Teo bago bumaling sa kanya. “Are you her teacher?” tumango lang siya.             “Hindi ko sinasadya na painumin sila, sorry.” May kasalanan naman talaga siya dahil pumayag siya. “Light drink lang naman ang ininom nila and they even ate dinner.”             Tiningnan ni Carlou ang kapatid na nakahiga sa ibabaw ng kanyang maliit na kama. “This is Ari, she’s a new friend.” Pupungas-pungas na bumangon ang dalawang bumagsak ng dahil sa soju.             “Kuya, you are here.” Sinalubong ni Margot ng yakap ang kapatid. “Ihatid natin sina Ari at Teo sa bahay nila.” Mabilis itong tumingin sa nagmamay-ari sa huling pangalan na binanggit ng kapatid. Halatang nagustuhan nito ang ideyang ihahatid si Teo.             “Sure, no problem.”             “Hindi ako lasing at makakauwi ako ng maayos, Salamat nalang.”             “No Teo, mas mabuting ihatid ka ni Mr. Sandejas. It will make me feel better knowing that you are in safe hands. At saka baka hindi niya kayang bantayan itong dalawang nalasing na ‘to.” Turo niya sa lulugo-lugong mga dalaga. Halatang magrereklamo pa si Teo pero alam niyang nanalo na siya, mas mabuting ihatid nga ito ni Carlou dahil mas safe ito. At saka mas delikado kung umuwi ito ng mag-isa, aside from being extremely beautiful he’s also extremely weak. Nagdududa siya kung kaya bang protektahan ng assistant ang sarili nito kung may nagtangkang manakit dito. Should she enroll him in a taekwondo class?             Pagkatapos magpaalam ang mga ito ay naglinis na rin siya sa kanyang lugar, hinugasan niya ang mga ginamit nila na mga plato. Iniisip rin niya kung ano ang gagawin niya sa dalawang araw na walang pasok… she remembered the notebook. Agad na tinapos ang paghuhugas at paglilinis at saka tiningnan ang kanyang notebook. DAY 6             I called Caius for my phone replacement. Nagkita kami sa mall para bumili ng cellphone. It marks our first date as he said and it’s the first time my heart beats this wildly. Ganito rin ba ang mga naramdaman ko sa naunang encounter namin. Now, I am wondering if this is still a dream or I’ll really teleported to different dimensions or parallel universe.               “I called him for the phone replacement.” She snorted and activated her phone’s airplane mode. “There’s no need for me to call him because I have a new phone, there will be no dates and there will be no stupid heart beats.” Binuksan niya ang kanyang laptop at ang kanyang iPad. She temporarily deactivated all her social media accounts. “This is stupid, but I need to be safe.”               PANAY ang iyak ni Isla habang nanonood ng drama mula sa Netflix, naiinis siya dahil mabilis siyang umiyak sa mga nakakaiyak na eksena. Nagmarathon siya ng mga medical dramas in different languages, may drama na in Korean, Japanese, Chinese, Thai, at kung anu-ano pa. Katatapos lang niyang magmarathon ng mga romance dramas kaya nag-jump naman siya sa ibang genre.             “Nakakagutom pala itong pag-iyak.” Asar na reklamo niya habang sinusulyapan ang mga nagkalat na pizza box sa ibaba ng kanyang kama. Inubos niya ang pizza at gutom pa rin siya. “Dapat na ba akong magpa-doctor? Parang may namumuhay na bulate sa tiyan ko, kaasar.” Reklamo niya iyon pero sa totoo lang, she loves eating. Tumayo si Isla at naghalungkat ng pwedeng makain sa ref, luckily, may ice cream pa doon kaya iyon naman ang kanyang nilantakan.             “Eww.” Reaksyon niya ng ipakita sa screen na binubuksan ng mga bidang doktor ang katawan ng pasyente. She really hates it, it grosses her out. She’s fine with blood but she’s not fine seeing other living things’ internal organs. Kahit na internal organ ng mga palaka na minsan na ay napadaanan na niya ng scalpel ay nasusuka na siya. She hates frogs, snakes, basta lahat ng reptiles and amphibians na nag-e-exist sa mundo ay ayaw niya.             Habang kumakain ng ice cream ay nakaramdam siya ng pagkaantok. Ibinaba niya sa kama ang tub at nagpasyang maidlip muna pero nadisturbo siya dahil sa mga katok mula sa labas. Tumayo siya at tinungo ang kanyang bisita.             “Ms. Isla Astrid Aguirre?” isang lalaking nakasuot ng uniform ng isang sikat na delivery company ang nabungaran ni Isla. “May delivery po kayo.”             “Wala naman akong inorder.” May inabot na paperbag ang delivery boy.             “Naka-address po sa inyo ang parcel. Paki-sign nalang po dito.”             “Baka hindi ito sa akin.” Binasa niya ang address, sa kanya iyon pati na rin ang pangalan. Pilit niyang inalala kung may inorder ba siya. May mga instances kasi na nag-oorder siya tapos nakakalimutan rin niya. She received the parcel and when the delivery personnel was gone, binuksan niya ang laman ng paperbag. It’s a paperbag inside a paperbag. Bag iyon na may tatak ng isang sikat na multinational technological company. Sinilip niya ang laman ng bag at kinuha ang puting box na nakalagay doon.             “Huh? A new phone?” napakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa cellphone na hindi niya alam kung saan nanggaling. Mabilis siyang kumilos at binuksan ang pintuan, nasa may elevator pa ang nagdeliver ng parcel. “Sandali lang, Sir.” habol niya dito. “Kanino galing ang delivery?”             Tiningnan naman nito ang papel na hawak. “Caius Rueda po, Miss.”             “Thank you.” Bumalik siya sa kanyang unit na punong-puno ng pagtataka. She is sure na hindi siya nito nakilala noong nagkabanggaan sila and why did he buy her a phone? The same phone she dropped last Wednesday. Masamang tinitigan niya ang pobreng paperbag, sa kanyang diary ay nakasaad doon na bibilhan siya nito ng cellphone kapalit ng nabasag nito. But she didn’t call him, wala nga siyang number nito.             Wala siyang choice kundi ang ibalik ang bagay na iyon sa lalaki sa lunes. Nag-isip siya kung sino ang pwedeng utusan na gawin iyon dahil ayaw niyang bigyan na naman iyon ng kakaibang kahulugan nina Margot at ni Teo.             “That guy is crazy.” Nagtagis ang kanyang ngipin at kinuha ang maliit na notebook na tinatawag na niyang diary ngayon. He delivered a mobile phone.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD