KUNG eksena sa isang pelikula ang nangyayari sa buhay ni Isla, masasabi niyang sobrang cheap ng kanilang location. Bumaba siya sa sasakyan bitbit ang mga gamit at ang bagay na dapat niyang isauli sa may-ari.
“Bakit ka naka-parked dito?” inis na tanong niya kay Caius nang bumaba rin ito paglabas niya.
“Because its vacant.” Tsk. “Walang batas na nagsasabing bawal akong mag-park dito.”
“Why here?”
“Because it’s vacant.” Halatang iniinis lang siya ng lalaki. Paulit-ulit lang sila.
“Mas malapit sa faculty ninyo ang East Gate.” Nakatikwas pa rin ang kanyang kilay.
“I like it here, hindi naiinitan ang kotse ko.” That’s a valid answer though, totoong hindi naiinitan ang mga naka-park doon dahil sa maraming mga nagtatayuang mga puno sa parking lot. “And I can exercise.” He said looking at his well-built body. Inikot lang niya ang mga mata at itinaas ang paperbag na kanina pa niya hawak.
“I think your parcel was delivered to a wrong address.” Napatitig ito sa kanyang hawak bago sa kanyang mukha. Dear lord, please spare me from his stares.
“You’ve got it so I think it was delivered to the owner correctly.” Inis na ibinaba niya ang paperbag sa ibabaw ng sasakyan nito.
“I don’t need it and if I need one, I can buy it for myself.” Isang pekeng ngiti ang ibinigay niya dito. “Excuse me.” Hindi pa siya nakaka-apat na hakbang ay mabilis siya nitong nahabol at nahawakan sa braso. Mabilis niyang tinabig ang pagkakahawak nito pero hindi siya nito pinakawalan. “Mr. Rueda!” She hissed.
“Here.” Muli nitong kinuha ang paperbag at isinabit sa kanyang kamay. “I broke your phone.”
“My phone is okay.” Kinuha niya ang bagong cellphone mula sa kanyang bulsa. “And this is not as expensive as this.”
“You didn’t forget, did you?”
Kumunot ang kanyang noo. “I have this university’s access, which means I reviewed the CCTV camera last Wednesday.” Marahan siyang humugot ng malalim na hininga. Walang silbe na magsinungaling dito. “I was curious, tinanong kita kung nagkita na ba tayo. I guess my instict was right, ikaw iyong nabangga ko.”
“And as I remembered I told you my phone was already broken.” Tinanggal niya mula sa kamay ang paperbag. “Kung gusto kong papalitan iyon ay siningil na kita.” Mariin nitong hinawakan ang kamay niya making her feel terrible. Napapansin niyang may mga estudyante ng napapadaan sa kanilang gawi. “Fine, fine. Just let me go.” Natigilan ito habang nakatitig sa kanya. “Bitiwan mo ako.” Mariin niyang utos na agad naman nitong ginawa. Tinanggal niya ang bag na nakasabit sa kamay niya at mabilis na ikinabit sa braso nito kasabay ng pagtakbo papunta sa loob ng university. Naiwan si Caius sa parking lot kasama ang cellphone nito, akala siguro ng lalaking iyon na mananalo ito sa kanya. He is wrong!
“Doc Aguirre, bakit ka tumatakbo?” salubong ng Dean ng kanilang department. “May humahabol ba sa iyo?” Bakit ba ang aga nito?
“Baka po kasi ma-late ako. I hate being late, pupunta po muna ako sa office.” Napansin ni Isla na napapatingin ang Dean sa bandang likod niya.
“Don’t worry about being late, Dr. Aguirre. Mabuti at nagkita tayo sa wakas, may gusto akong ipakilala sa iyo.” Nanayo ang balahibo niya sa braso nang may maramdamang pamilyar na presensya mula sa kanyang likuran. Only one person can give her that shivers. “Caius, you are also here” Na-corner na siya, wala na siyang dadaanan pa. “I would like to introduce you to my favorite professor here in Magnus, Doctor Iana.”
“Iana? I thought her name is Isla?”
“That stands for Isla Astrid Nolasco Aguirre.” Sagot niya since hindi na siya makakatakas pa sa dalawa.
“Nice nickname, but I still prefer your name though, Isla.”
“Magkakilala kayo?”
“I heard her name from my students, for some odd reasons they are pushing me to meet her. And, I saw her left this paperbag in the parking lot.” Nag-isang linya ang kanyang mga labi habang nakatingin sa paperbag na hawak nito. Palipat-lipat ang tingin ng Dean mula sa kanya at kay Caius, nakukuha na rin nila ang pansin ng mga estudyanteng napapadaan sa kanilang puwesto.
“You must be mistaken Mr. Rueda, that’s not mine.” Nakipagtagisan siya ng titigan dito. She won’t back down, ayaw niyang magpatalo dito at ayaw niyang tanggapin ang bagay na hawak nito.
“I broke your phone so I need to replace it.” Bumaling ito sa Dean na nakangiti lang habang nakatingin sa kanila. “Ninong, I apologized. Last Wednesday, I accidentally broke Ms. Aguirre’s cellphone.”
“That’s too bad, did you apologize already?” Ninong? Bakit ngayon lang niya nalaman ang tungkol sa koneksyon ng dalawa.
“I am about to, but she won’t accept this.” Nagtagis ang mga ngipin niya na nagpipigil lang na sipain ang lalaki. He didn’t change at all! Ganoon pa rin ito pero iba lang approach ni Caius ngayon. “I think she won’t really forgive me breaking her phone.” Nagpapaawa bai to sa harap ng Dean sa ibang estudyante?
“Because I already bought a new phone.” Kinuha ng Dean ang paperbag mula sa inaanak at saka ibinigay sa kanya.
“Kunin mo na ito Dr. Iana, hindi makakatulog ng maayos ang inaanak ko kapag tinanggihan mo ito. Kasalanan din naman niya kung bakit nabasag ang cellphone mo kaya nararapat lang na palitan din niya.”
Umawang ang kanyang mga labi lalo pa at hindi niya matanggihan ng harapan ang Dean nila. Kapag hindi niya iyon tinanggap ay madi-disappoint ito. Napasulyap siya kay Caius, he looks normal while wearing that innocent face as he stares at her, but she can see the fulfillment and triumph from his eyes.
“Fine, I’ll accept this.”
“That’s very nice, Dr. Aguirre, we shouldn’t decline other people’s kindness.”
“Pwede ba kitang lapitan uli, Ninong. Kapag ibinalik ni Ms. Aguirre ang cellphone sa akin? May palagay akong iyon ang gagawin niya.” Damn you, Caius. Wala siyang nagawa kundi ang hawakan ang paperbag na iyon.
“No problem, Cai. Hindi iyan gagawin ni Dr. Aguirre.” Ngumiti lang siya sa Dean.
“I need to go now, may kailangan pa akong gawin.” Paalam niya sa dalawa. Tumango lang ang may edad na lalaki, habang patalikod siya ay nahulog naman ang iba pa niyang bitbit. Maagap iyong nasalo ni Caius at maingat na ibinalik sa kanya.
“I won this round, right?” Bulong nito sa kanya. Pinaningkitan lang niya ang lalaki at asar na tinalikuran. Nagpupuyos pa rin ang kanyang dibdib dahil hindi niya matanggap na ginamit nito ang Dean para hindi siya makalaban. It’s unfair! Sinira na nito ang kanyang araw.
“MAMI, let’s eat lunch.” Yaya ni Margot sa kanya pagdating ng lunch. Kasama nito si Ari na naka-hook ang braso sa beywang ni Teo. Wala siyang narinig na anong panunukso mula sa mga assistants ngayon kahit alam niyang may nagpost ng pictures sa official sss group ng Magnus. Hindi lang isang picture, may pictures sa parking lot habang nag-aaway sila, but the students thought it looks sweet, the heck! May pictures din sila na kasama ang Dean, they even make a meme out of it. “Come on, you are so grumpy today because you are hungry.”
“Ililibre ka namin.” Agad siyang tumayo pagkatapos i-save ang mga files na kanina pa niya pinagkakaabalahan.
“Gusto ko ng steak.” Deklara niya. Ngumiwi lang ang tatlo.
“May pork steak sa cafeteria, Mi. Doon nalang tayo kumain.” Anyaya ni Margot. She’s mad that’s why she’s hungry at wala siya sa mood na tumayo sa kanyang kinauupuan. Hinila na siya ng dalawang babae na naging instant mag-bestfriend na talaga. Napabuntong-hininga si Isla, masyado ba siyang childish dahil naiinis pa rin siya sa pagkatalo niya kanina?
Wala pang masyadong tao sa cafeteria pagdating niya dahil iba-iba ang lunch time ng mga estudyante by department. SInadya iyon ng administration dahil kapag magkapareho ang lunch time ng mga bata ay baka bumagsak ang cafeteria sa dami ng mga estudyante. Habang naglalakad sila ay biglang napatigil si Ari, nagtatakang sinundan niya kung saan ito nakatingin. Meters away from them is the same guy who hurt her student. Kunot-noong napatitig ito sa dating kaibigan.
“Let’s go, Ari.” Hinila ni Teo si Arielle palayo sa lalaki.
“Kaya love na love ko si brother-in-law, eh. Marunong makaramdam,” bulong ni Margot sa kanya. Sinulyapan lang niya si Josh na nakasunod ang tingin sa dating kaibigan. He looks… lonely and hurt. May bahagi ng puso niya na naantig sa nakitang reaksyon ng lalaki pero buhay pa rin sa kanyang utak ang nasaksihang eksena sa parking lot at kung paano nito pinagtanggol ang babaeng nanakit sa bestfriend nito.
“We need to find our favorite table, Margot. Mahirap na, paborito pa naman natin iyon. Hindi kasi tayo palaging kumakain dito sa cafeteria baka may ibang nakahanap ng favorite space natin. Mahirap pa namang maagawan lalo na kung hindi na ibabalik pa.” Sinadya niyang iparinig kay Josh. “Dapat talaga ay hindi natin tine-take for granted ang mga bagay na gusto natin.”
“Masyado kasi tayong naging masaya sa piling ng fastfood, Mami.” Napangiti siya dahil nasasabayan ng kasama ang takbo ng kanyang utak. Such a smart girl, mana talaga ito sa kanya. Sinulyapan niya si Josh bago ito tuluyang nilagpasan. Hey, boy. Tingnan mo ang babaeng sinayang at sinaktan mo. She will be happy with someone else. Tingnan mo kung paano ka niya layuan.
“I’m really hungry.” Daing niya pagkaupo sa mesa nila. “I can’t stand anymore.”
“Ako na ang kukuha ng pagkain natin, libre ko ito dahil sa tulong ninyo.”
“Wala pa tayo sa kalahati ng pagiging better person mo kaya huwag ka munang mag-celebrate, Ari. Pero hindi ako tatanggi sa pagkain, I’m really hungry.” Sinamahan ni Teo si Ari na kumuha ng kanilang makakain. Alam na ni Teo kung ano ang mga gusto niyang kainin sa hindi. Hindi naman nagtagal ang mga bata kaya masaya silang kumakain at nagkukulitan sa kanilang mesa nang may marinig siyang malakas na mga singhap at bulong-bulungan. Kunot-noong sinundan niya ng tingin ang mga naka-180 degrees na ulo ng mga kumakain sa cafeteria. Kung hindi lang siguro niya kagat-kagat ang kutsara ay malamang ganoon din ang magiging reaksyon niya.
“Mami! What a sight!” Mahinang tili ni Margot habang nakatingin sa mga lalaking pumasok sa cafeteria. Isa na doon si Caius, she squinted her eyes. Akala niya ay mawawala na iyong inis na naramdaman niya kanina pero nagkamali siya. And now, he is with the other professors from the department he’s substituting. Gavin Liu, the half-Filipino and half-Chinese Computer Systems Engineering professor. Ito iyong tipikal na may neat, nerd, pretty and good boy look. Sa mga narinig niya ito iyong tipong gusto mong ipakilala sa mga magulang at dalhin sa altar. The other one is Felix Altamirano, Software Technology professor. Ito naman ang kabaligtaran ni Gav, maangas at bad boy looking ito. Pero nakakatawang mas maraming mga estudyanteng nagniningning ang mga mata habang nakatitig sa kasamahan sa trabaho. Iba-iba talaga ang taste ng mga tao, may iba na gusto iyong tulad ni Gav na para bang nati-trigger ang motherly instinct mo at gusto mong alagaan. Meron din na gusto ng challenge gaya ni Felix, iyong tipong gusto mong paamuhin.
And there, Cauis Rueda… kung tama ang mga detalye sa kanyang alaala, dalawa ang kurso ang tinapos nito, may degree ito sa computer science with specialization in network engineering at may degree din ito sa business management. At a very young age ay nagtayo ito ng isang software developing company kasama ang mga kaibigan ng lalaki, ang main target ng mga ito ay ang paggawa ng mga mobile applications internationally. At early thirty’s he is really successful and very busy. Kaya nga nagtaka siya kung bakit nandoon ito sa Magnus at nagsusubstitute. For sure, he doesn’t need extra income. He’s filthy rich.
“My eyes are blessed.” Kahit si Ari na kasalukuyan na nagluluksa ang puso ay ganoon din ang reaksyon. Miminsan lang nilang makita sina Gavin at Felix sa cafeteria, most of the professors from the College of Computer Science ay mga aloof.
“Mami, for the first time nakita ko kayo na magkasama sa isang lugar. Is this destiny.” Iniwas niya ang tingin sa tatlong lalaki na namimili ng pagkain at tinaasan ng kilay si Margot.
“Destiny your face.” Sabay irap sa estudyante. Mahinang tumawa lang ito pero halatang kinikilig naman. Napabuntong-hininga nalang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. “I want to eat ice cream.” That’s her babies favorite dessert, kailangan lang niyang i-divert ang atensyon ng mga ito. “Since, libre naman ni Ari ang lunch ko.” Kinuha niya ang ID kung saan nakalagay ang kanyang school cash card. “How about a free ice cream?”
“Mocha caramel ang sa akin.” Mabilis na sabi ng kanyang katabi na si Teo.
“That’s your favorite.” Nanggigigil na pinisil niya ang pisngi nito. Hindi ito nagreklamo at mas lalo siyang natuwa ng mamula ang cute na pisngi nito.
“Eh, Mami. Palit tayo, gusto ko rin na i-harrass si Teo.” Reklamo ni Margot. Pabirong niyakap lang niya ang walang pakialam na assistant.
“Teo, ako nalang kaya ang pakasalan mo? Aww--.” Napasinghap siya ng batuhin siya ni Margot ng buto ng kung anong kinakain nito.
“Kay Kuya Carlou na siya, Mi. Akala ko ba napag-usapan na natin ito?”
“But, he doesn’t like your kuya.”
“I also like Teo.” Singit ni Ari. And as usual, kahit na magworld war one hundred sila doon ay walang pakialam ang yakap na estudyante na patuloy sa pagkain.
“Of limits! Reserved--- Good afternoon Professor Liu, Prof. Altamirano and Mr. Rueda.” Nagdugtong ang kilay niya nang biglang iba na ang lumabas sa labi ng kausap. Tumingala siya para tingnan kung sino ang nasa kanyang likuran and she almost broke Teo’s ribs when her embraced tightened. Narinig niya ang mahinang pag-ubo nito. Sino ba ang hindi magugulat kung biglang nagtama ang mga mata nila ni Cai.
“Good noon.” Reply ng dalawa. She can feel Margot kicking her legs below the table.
“Good noon.” Bati niya nang sa wakas ay makabawi na siya sa gulat. Hindi niya alam kung gaano katagal niyang pinigilan ang kanyang paghinga hanggang sa tahimik na umalis ang tatlo sa kanyang likuran at inukopa ang hindi kalayuang mesa.
“Oh my God! Oh my goodness.” Mahinang pinaghahampas ni Margot ang mesa nila. “My heart can’t contain the kilig, Mami, may eye to eye contact kayo.” Lumunok siya habang kinakalma ang pusong lalabas na yata mula sa kanyang katawan.
“I didn’t and we didn’t.” she answered.
“Nakakawala ng hangin sa katawan.” Si Ari. “Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit shini-ship kayo ni Margot. Ang lakas ng puso ko.” Anito sa kanya. “Bagay po kayo, Doc.” Dugtong pa ng estudyante.
She rolled her eyes and pretend that she’s not affected. “Gutom pa kayo kaya ganyan ang reaksyon ninyong lahat.” Inilapag niya sa mesa ang kanyang cash card. “Get us ice cream, don’t forget to give Teo two more scoops.”
“Eh? Bakit? Ang daya naman.” Reklamo ni Margot.
“Dahil siya lang ang tahimik kaya may price siya.” sumimangot ang kaharap na assistant pero kinuha ang kanyang card. Aside sa pagiging tahimik ni Teo, gusto rin niyang humingi ng dispensa sa pagdurog niya sa rib cage nito dahil sa mahigpit niyang yakap. Binitiawan niya ito kaya nagpatuloy ito sa pagkain.
She can feel the tension between her and Caius. At hindi lang siya ang nakakaramdam ng ganoon, may palagay siyang nararamdaman at napapansin din iyon ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isa sa mga proofs ay ang mga tingin at sulyap na ibinibigay ng mga ito sa kanya.
“Eeherm…” Wala sa sariling napalingon si Isla nang may marinig na tikhim sa kanyang tabi. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagsino ang naka-upong hindi niya napansin kaagad.
“Leane!”
Tumawa ito habang inaalalayan ang anak na karga nito. “Nagulat ka ba?” Gulat! Muntik na siyang mapasigaw sa gulat.
“A-anong ginagawa mo dito? And why did you bring my little bean here?” Isang malaking ngiti ang bumakas sa kanyang mga labi nang makita si Ady. “Oh, my she’s awake.” Noong huling bisita niya sa dalawa ay tulog na tulog ang inaanak kaya hindi niya ito nalaro.
“Galing ako sa pedia at binisita ko rin ang tatay nitong batang ito. Kakagising lang ni Ady kaya hyper na hyper siya.” Kumuha siya ng sanitizer na nasa gitna ng kanilang lunch table at nilinis ang palad hanggang braso.
“Give her to me.” Excited na kinuha niya si Ady na mabilis din na lumapit sa kanya. “Hello there little bean, I’m your Tita Ninang ganda.” Hinagkan niya ito sa pisngi. She heard the little angel giggled. “Aww, isn’t she the cutest.” Binalingan niya si Teo. “Look little bean, this beautiful man here is Teo. Say hi to him.” Hinawakan ni Ady ang pisngi ni Teo at nag-giggle uli. “Mana yata ito sa akin, Leana. She likes beautiful things.” Siya naman ang tumawa sa kanyang sinabi.
“Ikaw ang pinaglihian ko diyan kaya baka makuha niya ang traits mo, well, sana hindi lahat lalo na iyang minsan-minsan mong kabaliwan.” Naiiling na ani nito.
“That’s my most beautiful trait, my uniqueness.” Ngumiti siya. “And why are you here again?” Noong hindi pa ito kasal ay madalas itong tambay sa kanyang opisina kaya kilala na ito ng mga guards at ng iba pang malapit na katrabaho. Katulad niya ay graduate din ito ng Magnus, she’s an alumni.
“Gusto lang kitang makausap at kumustahin.” Bigla itong lumingon sa kung saan, nagtatakang sinundan niya ito ng tingin at gusto tuloy niyang sakalin ang kaibigan ng makita niya kung kanino ito nakatingin. “Yeah, kausapin.” Nanunuksong ngumiti ito sa kanya. Kailangan niyang dalhin ang kaibigan palayo sa cafeteria dahil alam niya kung ano ang gusto nitong pag-usapan.
“Let’s talk in my office.” Pinandilatan niya ito pero tinawanan lang siya ni Leana.