“SO, THAT’S him?” nasa sofa silang dalawa habang pinapalitan nito ng diaper ang anak pero ang topic nilang dalawa ay patungkol pa rin sa lalaking naiwan sa cafeteria. Iniwan lang niya ang tatlo na kumakain doon at inutusan na pumunta sa grocery store para mamili ng kanilang food stocks na palaging nauubos. She even gave them her car keys, Teo knows how to drive so she knew her car is safe. “Not bad.”
Her brows twitched. “Not really bad.”
“I don’t understand.”
“Oh, come on Isla Astrid. You are not stupid.” Tinawanan siya nito. “Mabuti nalang at hindi agad ako lumapit kanina or else hindi ko mawi-witness ang eye to eye contact ninyong dalawa.”
Inirapan niya si Leana. “Leane, that wasn’t an eye to eye contact.”
Umingos lamang ang kaibigan. “So, what was that then? I’m pretty sure my eyes were perfectly fine.”
“I am looking at the three of them, binati ko lang ang mga kasamahan ko sa trabaho.” She defended herself.
“Hmmnn.” Tumango-tango ito pero halatang hindi naniniwala sa kanyang sinasabi. “Okay.”
“Leanna!”
“What? Naniniwala naman ako sa iyo.” Tumatawang itinayo nito ang anak. “Pero alam kong ikaw sa sarili mo ay hindi naniniwala sa pinagsasabi mo. It’s very obvious, Isla. I mean there’s an unexplainable tension between you two. Kahit na hindi kayo mag-usap, kahit na nakatayo lang kayong dalawa sa isang lugar, I know this is crazy, but you have a very strong chemistry.” Lumabi siya sa sinabi ni Leana.
“My dear, may girlfriend iyong tao. Huwag mo kaming gawan ng issue.” s**t! Nanlaki ang kanyang mga mata nang maalala na may girlfriend nga si Caius sa mga panahon na ito. Nagkahiwalay ang dalawa ng dahil sa kanya, she entered the picture, and everything was messed up.
“Anong nangyari sa iyo?”
“I forgot the details.” Akala niya ay naisulat niya ang mga detalyeng iyon sa kanyang notebook. May iba pa ba siyang nakalimutang i-record doon? “May girlfriend nga si Caius sa mga panahon na ito.”
“Calm down, babe.” Leanne tapped her shoulder.
“I was the reason why they broke up.” Ang problema nga lang ay hindi niya maalala kung anong ginawa niya. “Dapat hindi sila magkahiwalay ngayon.”
“Ano ba ang nangyayari sa iyo? Chill lang okay, nandito lang ako dahil nakita kita sa f*******: group ng Magnus. I can’t clearly see the guy’s face and was curious. Hindi ka minsan na-link sa mga gwapong professors sa Magnus at kahit sa ibang mga lalaki. Kahit na nga sa mga ipinakilala ko sa iyo. I remembered that guy you mentioned, akala ko ba ay babaguhin mo ang mga nangyari? Bakit nandito na siya?” takang tanong nito.
“I did. The day na nagpunta ako sa inyo para kausapin ka tungkol dito ay nandito nga siya at hindi kami nagkita. Pero, iba ang nangyari. He saved a co-professor and was hired as a substitute teacher. Nakakaloka lang hindi ba? Iyong dapat una naming pagkikita sa araw na iyon ay nalipat lang sa Wednesday, may mga eksenang wala sa notebook ko pero nangyayari ngayon dahil pilit kong iniiba ang lahat.”
“Oh my.” Reaksyon ni Leanna. “Hindi kaya destiny mo siya, Isla?”
“Come on, Leanne. Alam mo kung ano ang nangyari sa akin sa mga panaginip ko.”
Umiling ito. “I mean, nasabi mo na ito dati noong nag-usap tayo. What if he’s really your destiny and there are things that you need to work on para hindi na mangyari ang mga nangyari sa mga panaginip mo? Don’t be offended friend pero may kaunting doubt pa rin ako sa mga nasabi mo, I am still in the process of believing everything. Noong nakita ko kayong dalawa, I know there’s something different between you two.” Mahabang paliwanag nito.
“That something will never happen. Enough na ang apat na beses na paulit-ulit kong nararanasan ang mga senaryong ito. Hindi ko alam kung nasa reyalidad pa ba ako o panaginip pa rin ito.” Hinampas niya ang sarili at napangiwi dahil sa sakit.
“You are awake my friend and I don’t want to miss this chance for you to be happy.” Mariin ang titig nito sa kanya. “In your dreams, nasabi mo ba sa akin ang tungkol sa lalaking iyon?”
Umiling siya. “No, I didn’t give you these details. Nagkita lang kayo noong… noong maging kami na.”
“And telling me is another way of changing everything now?” tumango siya. “How about this? Spare a day.”
Kumunot ang noo ni Isla sa sinabi ni Leanna. “Spare a day? For what?”
“Check the notebook again, sa ngayon ay ginagawa mo ang kabaligtaran ng mga nangyayari sa mga sinulat mo. Itry mo kayang gawin kung ano ang nakasulat doon, for example, kung magkikita kayo bukas, isuot mo ang damit na isinuot mo ayon sa mga detalyeng nasa panaginip mo.”
“No!”
Umiling si Leanna sa kanyang pagtanggi. “Subukan mo lang, a day won’t hurt right? Simula nang magising ka a week ago, you are doing the exact opposite of everything that happened. That messed up the flow but if you are really destined to be together, kahit anong bago mo sa mangyayari ay magkikita at magkukrus pa rin ang landas ninyong dalawa. You are into experimentations Isla, kung ganoon pa rin ang mangyayari sa inyong dalawa sa araw na iyon, then continue with the changes.”
Naiinis siya sa ideyang kahit na anong gawin niya ay mangyayari pa rin ang ending na ayaw sana niyang mangyari. If that’s destiny then she’s going to fight it.
“I’ll fight destiny then. It’s very unfair on my side to experience this kind of events.” She huffed. “It’s really unfair to be hurt over and over again. Ayoko na, kung panaginip pa rin ito ayoko ng masaktan na naman sa huli.” Ibinaling niya ang kanyang mga mata sa kisame at napapikit nang tumama ang malakas na liwanag ng ilaw sa kanyang mga mata kasabay ng paglakas ng t***k ng kanyang puso. Bakit pakiramdam niya ay may kulang sa kanyang naaalala? May nakalimutan ba siyang isulat?
GUSTONG sumigaw ni Isla habang nakatitig sa mga naka-pile na research papers sa kanyang harapan. She’s busy doing her own research and at the same time she’s also busy reviewing the research, thesis and dissertation papers for the students in Magnus. Halos hindi iyon nababawasan dahil maya’t maya ay may sumusulpot doon na professors para magsubmit ng papel mula sa kanilang estudyante.
“My God! Nababaliw na ako!” malakas na sigaw niya. Napatingin sa kanya sina Teo at Margot na abala din sa pagrerecord ng mga names ng students na nagsubmit ng paper. Pati si Arielle na nagwawalis ng sahig ay natigilan din.
“Mami, you should relax a bit. Grab a cup of coffee muna.” Suggestion ni Ari, nasanay na itong tawagan siyang Mami. Nakakain na siya pero dahil sa dami ng trabaho ay gutom uli siya. Gusto na niyang umiyak at ishred ang mga makakapal na papel doon pero alam niyang hindi iyon pwede.
“I need coffee.” Tumayo siya. “Kapag may naghanap sa akin sabihin niyong wala ako dito.” Kung akala ng iba ay sobrang chill lang ng kanyang trabaho, it is not! Ilang beses na siyang nagpunta sa Director ng Magnus para mag-request ng makakasama at makakahati sa kanyang trabaho pero palagi nalang siyang sinasagot ng we are working on it. Dahil mahirap nga ang trabaho nila at demanding rin sa oras, may iba na nagreresign wala pang isang buwan at iyong iba naman na professors ay nakakahanap ng lusot na hindi ma-assign dito. Maybe she needs to push the director to hire a new one. Hindi talaga niya kaya ang workload, kahit na ang mga assistants niya ay alam niyang pagod na pagod na rin.
Grabbing her wallet and phone she headed out. Kakausapin niya mamaya kapag malamig na ang kanyang ulo ang director ng university. Habang naglalakad sa corridor ng school ay may bigla siyang nasagi na estudyante.
“So-sorry.” Hingi niya ng paumanhin sa estudyanteng babae, naka-uniform ito kaya undergraduate student pa ang nabangga. Napahawak ito sa dingding ng corridor. “Are you okay, Miss? Nasaktan ba kita? Dadalhin kita sa clinic.” Nag-aalalang hinawakan niya agad ang bata.
“O-okay lang po ako, Maam.” Tiningnan niya ito. Magulo ang buhok nitong hindi nakatali ng maayos, nakasuot ito ng salamin at green ang ID sling. She’s a first year students from the College of Computer Science. Unang beses din niya itong nakita at malayo ang department nito sa Science and Research Department.
“Are you sure? You look hurt.” The girl flinched. Humarap ito sa kanya at nahihiyang yumuko.
“Sorry po, may iniisip lang po kasi ako kaya hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.” Hingi nito ng paumanhin sa kanya. Kung hindi siya naka-heels ng five inches ay magkasingtangkad lang sila ng estudyante. She looks so thin and fragile… and hurt.
“Ako dapat ang magsorry dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko pero sa susunod ay mag-ingat ka sa paglalakad. You are very thin, are you sure you’re not hurt?” May kakaibang kaba na bumangon sa kanyang dibdib habang nakatingin sa bata na pilit na ngumingiti sa kanya. Halatang gusto na rin nitong umalis kaya napabuntong-hininga siya. “Kapag may masakit sa iyo o kung gusto mo ng kausap ay puntahan mol ang ako sa Biochemistry and Research Laboratory.”
Mahinang tumango lang ito. “E-excuse me po.” Nauna na itong naglakad palayo sa kanya at tinitigan lang niya ito. May hindi siya magandang nararamdaman sa batang iyon.
“Is this stress?” tanong ni Isla sa kanyang sarili. “Arrghh, all these works are making me crazy.” Lumabas si Isla sa Magnus at nagpunta sa hindi kalayuang coffee shop. Sa mga oras na iyon ay wala pa masyadong tao dahil may klase pa kaya pwede pa siyang tumambay doon. Malakas din ang wifi ng coffeeshop maliban sa masarap ang kape nila kaya baka makatulong ito para bumaba ang pagod na kanyang nararamdaman.
“Good morning, Maam.” Masiglang bati ng nakatao sa cashier. “The usual po ba?” She normally orders Espresso, mas bet niya ang mapait na kape.
“I need sugar so I’ll order different.” Tiningnan niya ang mga nakasulat na menu sa board. “Dark Mocha Frappuccino, Venti. And, NewYork cheesecake.” Nagbigay siya ng bills para sa kanyang bayad habang naghahanap ng pwedeng maupuan. May nakita siyang pang-isahang mesa sa hindi kalayuan at kaharap ng garden. She likes the spot. Walang iisturbo sa kanya doon at maganda ang scenery. Maririnig din niya ang pangalan niya kapag tinawag na siya for her order. She didn’t give the cashier her name because the staff her already knows her.
“New scenery.” Kahit papaano ay gumaan ang kanyang nararamdaman sa nakitang ibang senaryo. Nag-e-enjoy siyang pinapanood ang pagdaan ng mga jeep at sasakyan sa labas ng coffee shop. Ibinaling din niya sa nag-iisang bulaklak na nasa kanyang mismong harapan ang pansin, may butterfly na nakatambay doon.
“Dark Mocha Frappuccino for Maam Isla.” Leaving her things, she immediately get her order. She needs sugar.
“Thanks.” Aniya sa nagbigay ng kanyang order. Bitbit ang mga orders ay bumalik na siya sa kanyang inuupuan at ininom ang order. Napangiwi pa siya dahil sa tamis na tumama sa kanyang dila. She doesn’t hate sweets, she loves it, but when it comes to coffee-related drinks, she likes it black and bitter. Muling napatitig si Isla sa paru-paru na nakatayo lang sa ibabaw ng bulaklak hanggang sa maalala niya ang batang nabangga kanina.
The weird tugging feeling is back again. Dapat yata kinuha niya ang pangalan ng estudyante. Nagvibrate ang kanyang cellphone, binasa niya ang notifications pero hindi binuksan. It wasn’t important.
“You are still using that phone?”
Maang na napatingin si Isla sa biglang nagsalita sa kanyang tabi. Kumunot ang kanyang noo, akala pa naman niya ay hindi na muling magkukrus ang kanilang landas dahil nagtagumpay siyang hindi sila magkita this past two days.
“What are you doing here?” she acts calmly. Hindi pwedeng mag-ala Gabriela Silang siya kapag nagkakaharap sila. She needs to chill.
“This is a coffee shop, everyone is free to come here.” Saka lang niya napansin ang hawak nito. Yeah, his ever-favorite strawberries and cream Frappuccino… still the same. Noon ay pinagtatawanan niya ito dahil sa taste nito sa kape, he hates anything bitter, he hates spicy food, may sweet tooth si Caius. Sobrang layo sa hitsura nito.
“Yeah, yeah! I’m busy, stay away from me.” Taboy niya sa lalaki.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” Inis na sinulyapan niya si Caius.
“What was your question again?”
“Bakit ito pa rin ang gamit mong cellphone?” tukoy niya sa nananahimik na phone na nasa ibabaw ng kanyang mesa.
“That’s a perfectly working phone, why would I change it?” Sarkastikong sagot niya sa tanong nito. Kahit hindi nakatingin sa lalaki ay batid niyang nakatitig ito sa kanya.
“You are right.” I’m always right. Bigla nitong kinuha ang cellphone. “This is a perfectly working phone.”
“Ibalik mo ‘yan.” She stretched her arms palms facing upwards. “Hindi kita binigyan ng permiso na hawakan ang mga gamit ko.”
Ibinalik ni Caius ang kanyang cellphone pero hindi pa iyon dumadapo sa ibabaw ng kanyang palad ay bigla iyong bumagsak sa sahig. For the second time around, she witnessed another device’s screen shattering.
“What the hell?” Sa halip na kunin at isalba ang cellphone ay mas inuna niyang tingnan ng masama ang lalaki. Walang bakas ng pagsisisi sa gwapong mukha nito kaya alam niyang sinadya ni Caius na ihulog iyon.
“Should I give you another phone?” Nagtagis ang kanyang mga ngipin. INirapan lang niya ang lalaki at kinuha ang basag na gamit. Tiningnan niya iyon, mukhang hindi na talaga iyon pwedeng gamitin. Malalim siyang napabuntong-hininga at inubos ang malamig na inumin. Mas lalong nag-init ang kanyang sentido nang mag-brainfreeze ang kanyang utak.
“What’s your problem, Mr. Rueda?” Mukhang nagulat yata ang lalaki sa kalmadong boses niya.
“Problem? I don’t have one, it’s pure accident.” Accident my ass! He is enjoying it, walang bakas ng pagsisisi sa mukha nito pero nababasa niya ang satisfaction as mga mata ni Caius. There’s something wrong with him.
“Accident?” tumaas ang kilay ni Isla. “I don’t think so, you are getting into my nerves.” Umalsa ang gilid ng mga labi nito, he is smirking at her.
“I didn’t do anything that would get into your nerves, did I?” Kalmadong tanong nito habang nakatingin sa kanya. Nag-isang linya ang kanyang mga labi, kung nagkakilala sila sa ibang pagkakataon. Kung wala siyang ideya kung sino ito at kung ano ang magiging parte nito sa kanyang buhay ay hindi niya ito iiwasan na parang may nakakahawang sakit. She felt guilty all of a sudden.
Nagkibit-balikat si Isla habang nakatingala dito. “Caius, what are you doing there?” kusang napalingon ang kanyang ulo nang marinig ang isa pang pamilyar na boses. Cai’s bestfriend, Nathan. “Who are you talking with?” Sa pagkaalala niya ay may asawa at anak na si Nathan. She looked at his fingers, and she’s right. He is wearing a wedding band. “Oh, hi.” Magiliw na bati nito sa kanya. “Hinahanap ka na nila sa itaas.” Ani ni Nathan kay Caius.
“I’m just greeting an acquaintance, she’s from Magnus.”
Nagtatakang tumingin ang bagong dating kay Isla. “You’re a teacher? I mean, a professor?” she stretched her arms for a handshake.
“Isla Aguirre.” Tinanggap ni Nathan ang kanyang pakikipagkamay.
“Aguirre? Are you related to Aguirre Virtues Advertising Company? I’m Nathan Redoble.” ngumiti siya dito.
“She’s the eldest daughter of the owner.” Tinaasan niya ito ng kilay.
“That’s it!” biglang bulalas niya sa lalaki. “That’s one of the reasons why you are getting into my nerves Mr. Ruedas. I can answer the questions for myself, hindi ko kailangan ng interpreter o kaya naman ay spokesperson.”
“Nag-aaway ba kayong dalawa?” Natatawang tanong ni Nathan.
She just waved her hands to dismiss the thought. “We are not fighting, we are having a creative discussion.” Ngumiti siya dito. “Nice to meet you Mr. Nathan, can you please take this guy away from me bago pa may mabasag na naman siyang gamit ko?”
Napasulyap ito sa wasak na cellphone na nakuha na niya mula sa sahig at nasa ibabaw ng kanyang mesa.
“What are you going to do if I won’t leave?”
“Sisipain kita hanggang sa hindi ka na makalakad.” Tumango-tango ito na para bang hindi naniniwala na kaya niyang gawin iyon.
“An ant is threatening me?” malakas siyang napasinghap sa sinabi nito.
“I’m not that small, I’m five-six.” Tiningnan nito ang kanyang paa.
“Five-six? In a six inches heels?”
“Hindi ito six-inches, five lang.” She raised her five fingers emphasizing the numbers.
“So, you are only five-one?” Tumaas ang gilid ng labi nito. “Excuse us then.” Napaawang ang kanyang mga labi nang umalis nalang ito sa kanyang harapan. “Five-one.” Malakas na bulong ni Caius. Kung nagu-guilty siya dahil sa hindi magandang pagtrato niya sa lalaki ngayon ay binabawi na niya iyon. He deserves all the bad treatment in the whole world! Not her height!