CHAPTER 10

2751 Words
            KAHIT papaano ay nawala ang inis ni Isla sa mga nakatambak na trabaho dahil nalipat niya iyon sa lalaki. Nanggigigil pa rin siya habang iniisip kung paano siya nito napaamin sa kanyang height. She believes she’s close to perfection, kung hindi lang dahil sa kanyang height.             “Food.” Aniya sa mga bata. Nagtaka pa si Isla nang mapansin na tila tahimik ang mga ito na naka-upo sa mini-sala. “Anong nangyari?”             “Mami, we can’t contact you.”             “Nabasag ang cellphone ko, bakit? Anong nangyari?” Napatingin siya sa tatlo.             “Nagpunta dito si Josh.” Sagot ni Teo. Nilapitan niya ito nang may mapansin na pulang marka sa gilid ng labi ng assistant. “Gusto niyang makausap si Arielle pero pinigilan siya ni Teo kaya siya nasuntok.”             “I’m sorry.” Mabilis na hingi ng paumanhin ni Ari. “Kung lumabas sana ako ay baka hindi ka na nasaktan, Teo.”             “It’s okay, it doesn’t really hurt.”             “Did you fight back, Teo?” She immediately asked.             “I did not, we are still in school vicinity.” Naiintindihan niya ang gustong sabihin ng bata. Graduating student ito at kung magkaka-record ito sa loob ng university ay baka may masamang mangyari. He’s a scholarship-grant student as well. May isang semester pa ito na kailangang buuin.             “Umalis na lang si Josh?”             “Yes, Mi. Noong tinawagan ka namin ay nagmamadali siyang umalis at noong sabihin kong isusumbong ko siya sa disciplinary committee.”             “Please, Margot. Hayaan nalang natin si Josh. Hindi na mangyayari ito sa susunod, I promise.” Napatitig siya kay Arielle.             “Ginugulo ka ba niya, Ari?”             “He called me the other day using a different number, na-block ko na iyon at tinawagan uli niya ako kanina using another number.”             “So, may record siya ng number mo? Akala ko ba ikaw ang unang nagtatanong ng number ni Josh kapag may new girlfriend na siya.”             “I also don’t know, Mami. Nagulat nalang ako nang marinig ko ang boses niya, I only have few contacts. Kaya akala ko ay ang school ang tumatawag sa akin kaya napilitan akong sagutin ang mga phone calls.”             “And he insists to meet you?” tumango ito.             “Baliw pala iyang kaibigan mo, eh. Akala ko ba sabi niya iwasan mo muna siya hangga’t hindi pa lumalamig ang ulo mo. Kapag nagkita kayo sabihin mong mainit pa ang ulo mo.” She tried to lighten up the mood dahil parang naiintindihan na niya ang tinatakbo ng utak ng batang kaibigan ni Ari. Kung pagbabasehan niya ang nabasa niyang reaksyon sa mga mata at mukha nito sigurado na siya.             “Teo, nilagyan mo na ba ng ice iyang pasa mo?”             “Opo.”             “Mami, Josh is weird.”             “What do you mean by weird, Margot?”             “Kaming dalawa ang lumabas pero masama ang tingin niya kay Teo. Para bang si Teo talaga ang pinuntahan niya para hanapin si Ari.” Gusto niyang ngumiti but she doesn’t want to ruin the serious atmosphere. “And when Teo said he can’t come in ay basta nalang siyang naghamok. Sorry to say this Ari but your so-called bestfriend needs help.”             “Ganyan talaga ang nagagawa ng mga taong nagseselos.” Sagot niya.             Napatitig ang mga kasama kay Isla. “Don’t tell me Margot, hindi mo napansin iyon?” Nagkibit-balikat ito.             “He looks mad and jealous at Teo.” Sang-ayon ng assistant. “Ayokong tanggapin dahil ayoko sa kanya para kay Ari.” Tinabihan nito si Arielle. “She deserves better.”             “She still loves Josh.” Sabi ni Teo. “You can’t deny that.”             “Hello? Wala pa ngang one week simula noong iwasan niya ang unggoy na iyon.”             “Ito ang pinakamahaba na hindi ko siya pinapansin, sa mga nakaraan na araw ay pagkatapos ng dalawang araw ay nakasunod na uli ako sa kanya. Three days yata ang pinakamahabang hindi ko siya pinapansin dati.”               “Ang nangyari kanina ay ang tinatawag natin na separation anxiety.” Ngumiti siya. “Sa part ni Josh, masyado siyang nasanay na bini-baby ni Ari kaya ang nangyari ay pakiramdam niya ngayon ay naputulan siya ng isang paa at kamay. He can’t do things right because Ari was doing that for him before.” Tiningnan niya si Teo. “And you my lovely Teo, ikaw ang unang lalaki na nilalapitan at dinidikitan ni Ari aside from him of course, natural na maalaga si Arielle kaya nang makita iyon ni Josh ay nagseselos siya.”             “Parang withdrawal symptoms ang nangyayari kay Josh.” Dugtong uli niya. “Iyong kapag may nakasanayan kang i-take tapos biglang ititigil, nababaliw.”             “He’s not jealous because he loves, Ari?” Tanong ni Teo.             “We shouldn’t jump into conclusion, yet.” Aniya. “Mahirap mag-assume.” She continued. “And, Ari. Ikaw ba kaya mong lumayo muna pansamantala mula kay Josh?”             Tumango ito. “Sanay na naman akong nakatingin lang sa kanya sa malayo at kahit na lapitan ko siya ay kakalimutan rin niyang nag-e-exist ako sa mundo.” Malungkot na sagot ng bata.             “Oh come on, may palagay akong may magandang patutunguhan ang mga sakripisyo mo. Gaya ng sabi ko, huwag muna tayong magmadali.”             “Mi, payag ka na magkatuluyan si Ari at si Josh?”             She crossed her arms above her chest. “Why not?”             “But he hurt her!” For someone who loves to ship and match people, halatang against na against si Margot sa love team ni Josh at ng bagong kaibigan.             “Nasa kay Ari na iyon kung tatanggapin niya si Josh kung sakaling may marealized man ang isang iyon. Habang naghihintay ka sa evolution ng isang Joshua Hirana utusan mo muna ang sarili mong kalimutan ang nararamdaman mo sa kanya. Let him suffer and chase you.” Mapait at malungkot ang ngiting ibinigay ni Arielle sa kanila.             “Mami, you said I shouldn’t assume.”             “Right.”             “Then, let me just forget him. I think I can do it now, I already have friends and a guardian.” Napangiti siya sa sinabi ni Arielle. She wasn’t really expecting her to trust them but she’s glad she does.             “Don’t forget Ari, kahit anong mangyari ay nasa likod mo lang kami. Kung sa bandang huli ay makakahanap ka ng mas mamahalin ay nandito lang kami, at kung sa tingin mo ay siya pa rin ang nasa puso mo, nandito lang kami handang maghukay para sa magiging libingan ng lalaking iyon.” Sabi ni Margot. “Hindi nauutusan ang puso.”             “But, I can’t still forgive him for hurting our Teo’s beautiful face. He needs to pay for this.” Nanggigigil niya ani. “Gaganti tayo.” May naisip siyang masamang ideya, well, maganda para sa kanila pero hindi para sa lalaking nanakit sa mga babies niya. Lintik lang ang walang ganti!               ISLA didn’t see Caius yesterday and it somehow feels good. Sa record niya ay supposedly magku-krus ang landas nila pero hindi iyon nangyari. Which is really good dahil natapos niya ang one-fourth sa kanyang trabaho. Sa laboratory na rin siya natulog, sanay na ang mga kasama na kapag maraming trabaho ay sa lab siya natutulog. Functional ang restroom at may spare clothes din siya doon. Speaking of spare clothes, nakalimutan niyang ipa-laundry ang mga iyon kaya suot niya ngayon ang PE uniform ng Magnus. The shirt is bigger than her though kahit na small na ang size, but it’s really comfortable. Pagkatapos maligo at mag-ayos ay lumabas siya ng university para bumili ng pagkain at maglakad-lakad na rin. She grabbed some pancakes and a hot cup of coffee, nag-take out din siya dahil hanggang lalamunan lang iyong pancakes na kinain niya. Pangalawang kape na rin niya ang kanyang bibit. Kahit na lumaklak siya ng kape ay nakakapagtakang inaantok pa rin siya, immune na yata siya sa kape. “Everytime I see you, you are always eating. Ginutom ka ba noong bata ka pa?” Agad na tumikwas ang kilay ni Isla nang may marinig na nagsalita sa kanyang tabi. “Palagi kang kumakain pero hindi ka naman lumalaki.” Nameywang siya at hinarap ang nambulabog sa kanya. At dahil hindi siya nakasuot ng heels kaya mas lalong lumayo ang agwat ng height nilang dalawa ni Caius. “If that’s a greeting, Mr. Rueda. Good morning too.” Sabay irap niya sa lalaki at mabilis na nilagpasan. Sa kasamaang palad ay mabilis itong nakasunod sa kanya. Thankful nalang siya dahil maaga pa kaya wala pang tao sa paligid, kapag may nakakita na naman sa kanilang dalawa na magkasamang naglalakad ay baka malagay ulit ang pictures nila sa f*******: page ng university. “Mami!” Malakas siyang napasinghap nang may grupo ng mga estudyanteng naglalakad papunta sa puwesto nila. Mabilis siyang nakapagtago sa likod ni Caius kahit alam niyang Nakita na siya ng mga ito. “Good morning, Mr. Rueda.” Bati ng mga bata sa lalaki. Tumango lang si Cai bilang ganting pagbati. “Good morning, Ma- Doc Aguirre.” Sumilip siya sa grupo ng mga estudyante na nasa music club. “Pwede ka po ba naming makausap?” Sumilip siya mula sa likod ng pinagtataguan. “Nope.” May palagay siyang alam na niya ang gustong sabihin ng mga ito. “Mami, please.” Nilapitan siya ni Jelai pero bago pa man siya nito mahawakan ay mabilis siyang umiwas at tumakbo palayo sa mga ito habang maingat na hinawakan ang kanyang almusal. “No! I refuse!” Kahit na maliit siya ay mabilis siyang tumakbo kaya naiwasan niya ang mga bata at pati na rin si Caius. She can’t just run away like that without any reason. Wala pa ang mga assistants nang pumasok siya sa laboratory. Pasalampak na umupo si Isla sa sofa at binuksan ang bitbit na pagkain. Ginutom siyang bigla sa kanyang pagtakbo. “Mami!” She sighed and rolled her eyes when the kids finally found her. “Please, maawa ka sa amin.” Pakiusap ni Jelai. Estudyante niya ito sa engineering department at presidente din ng music club. “We really need your help.” She rolled her eyes as she continue eating. “Bakit ako?” “Dahil magaling kang mag-drums. Nakita namin ang video noong college ka pa na nagpe-play ng drum sa concert ng Magnus.” “Maraming estudyante na magaling mag-drums.” “But, we don’t have time to practice the song, Mi. You know the song and you’ve even played it before kaya confident kami na magiging successful ang performance ng Music Club.” Tinutukoy ng mga ito ang foundation week celebration ng Magnus sa susunod na linggo. “Saan niyo nahanap ang video na nagpe-play ako ng drums?” sa pagkakaalam niya ay kasali ang mga old videos sa mga na-corrupt na files dati. “May na-saved sa isang lumang CD, natagpuan namin iyon nang maglinis kami sa club room.” Sagot ni Chris. Ito ang lead vocalist ng MV Band habang si Jelai ang guitarist. “Nakikiusap kami sa iyo mahal na reyna.” She snickers when she heard what Chris called her. “Papayag ako pero sa isang kondisyon.” Naging attentive ang mga kaharap na bata at kahit na hindi sumagot ay alam niyang papayag ang mga ito sa kung anong kondisyon na ibibigay niya. “I want everyone from the Music Club, from freshers to seniors to score at least eighty percent on their exams. Remember, major exams na ninyo on Friday and Saturday.” Paalala niya. Agad na tila dumilim ang mga mukha ng mga bata. “But, Mi! Eighty percent is too much!” reklamo ni Aldrin. “It’s not. Kung gusto may paraan at kung ayaw may dahilan. Madali lang naman akong kausap. And we can practice on Monday and Tuesday since sa Wednesday pa naman ang event niyo hindi ba?” “Pwede bang sixty percent nalang?” tawad ng mga ito. “Naging estudyante ko kayo at ni minsan hindi ko binaba ang standards ko para sa mga estudyante ko. I want the best for everyone so eighty percent is the cut off.” Ang dahilan kung bakit eighty percent palagi ang passing niya ay dahil hindi naman mga bobo ang kanyang mga estudyante. Distracted lang sila sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa kanila kaya nakakaligtaan nilang mag-aral pero kapag nag-focus ang mga ito ay sigurado siyang mas mataas pa sa hinihingi niya ang kayang ibigay ng kanyang mga babies. “Kaya natin ang eighty percent ni Mami, guys.” Napangiti siya kay Jelai. Bagay na bagay dito ang maging president ng music club dahil sa pagiging positive nito. “How about the other members? And, we don’t have more time.” “Kung magsisimula na kayo ngayon sa studies ninyo ay sigurado akong makakahabol pa kayo sa pag-aaral. Today is Thursday at walang klase ngayon dahil review time.” Nagkatinginan ang mga bisita at base sa tingininan ng mga  bata ay alam niyang may pagkakaintindihan na sa mga ito. “Magkita tayo sa Monday for the practice, Mami.” “Sure, sure.” Kung gaano kabilis na nakapasok ang mga bisita sa kanyang opisina ay ganoon din kabilis na nakalabas ang mga ito. Natatawang ibinalik niya ang pansin sa pagkain nang magvibrate ang kanyang cellphone. Yeah, her new phone. Wala siyang choice kundi ang gamitin ang ipinalit na cellphone ni Caius. Pwede niyang ibenta iyon at bumili ng mas mura, ng mas marami pang cellphone. Tinitigan ni Isla ang mga naka-pile na thesis and research papers na kailangan nilang i-endorse sa Ethics Committee for further approval. She’ll let her assistants bring those to the other office dahil pupuntahan pa niya ang kanilang director. Kailangan na niyang i-push ang pagkakaroon ng kasama sa office.   “DOCTOR AGUIRRE.” Gustong mapakunot ng noo si Isla nang pumasok ang kanilang Dean at kasama si Gavin, Felix, at si Caius. Binati nina Margot at Teo ang mga bisita nila.             “Good morning, Dean.” Umayos siya ng upo pagkatapos i-save ang files. “May problema po ba?”             “Nagkaroon ng kaunting problema sa IT room.” Her brows twitched. “Kailangang ayusin ang faulty wirings ng kanilang opisina, we need them temporary office.” Nakangiti ang dean habang nakatitig sa kanya habang siya ay gusto ng mag-alsa balutan at lumipat sa ibang bakanteng opisina. Alam na niya ang gustong sabihin ng kanyang kausap. “Nakalipat na sa ibang opisina ang mga kasama nila, and since I think this is the safest place for them kaya dito ko na sila dinala.”             “Safest?” Palyado yata ang ngiting ibinigay niya sa Dean dahil mas lalong lumaki ang ngisi nito.             “Yes, the safest. Kapag dinala ko sila sa ibang faculty room ay siguradong dudumugin lang sila ng mga kasamahan natin sa trabaho. Dalawang araw lang silang mananatili dito hanggang sa maayos na ang mga wires.”             Two days?             “Don’t worry, they won’t disturb you. Marami din silang trabaho and Caius won’t be here every time because he needs to go to his office every now and then.”             Kalma lang, Isla. You can’t just refuse.             “Do they need individual tables?” tiningnan niya ang space ng kanilang opisina. “We are actually a bit busy right now kaya maraming nakatambak na mga papers.”             “No need, Doc Iana.” Nakangiting singit ni Felix. “You have a table here, we can work there.”             “Are you sure?” tiningnan niya isa-isa ang tatlo. Of course, sandali lang ang kay Caius na hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha. Napasulyap siya sa dalawang assistant na nanlalaki ang mga mat ana nakatitig sa mga bagong dating. Lalo na si Margot. She really wanted to smack her assistant’s swooning and excited face. Kung tatanggi siya ay sigurado siyang hindi siya papatahimikin ng mga ito.             “We are fine, Doc. And we are sorry for crashing in.”             “I’ll take them, Dean.” Pagpayag niya sa request nito. Kahit hindi siya papayag ay alam din niyang kukulitin at maghahanap ito ng paraan na doon itambak ang tatlong lalaki. She can’t blame him though, totoo ang sinabi nitong kapag itinambak ng Dean ang tatlong lalaki sa ibang faculty room ay baka magkaroon ng world war. They are not ordinary looking people, her co-workers will surely fine ways to disturb and flirt with them. Lalo na kay Caius dahil naging center of attention ito ng lahat simula ng mapunta ito sa university.             “Thank you very much, Doc Aguirre. You are really an angel.” Ewan ba niya kung bakit unang lumipad ang mga mata niya kay Caius. He is wearing a smug smirk on his face. Pasimpleng inirapan niya ang lalaki at ibinalik ang pansin sa kausap. “I’ll leave them to your care.” Tumango lang siya pagkatapos magpaalam ng Dean.             “Margot, linisin mo muna ang table.” Utos niya sa assistant.             “Yes, Mam—Doc.”             “Maupo muna kayong tatlo habang nililinis ng assistant ko ang table. At kung may gusto kayong ipabili o iutos you can ask Teo and Margot.” Tukoy niya sa dalawang assistant na nagtulong na maayos ang mga kalat sa dining table sa kanilang laboratory.             “Don’t worry, Doc Aguirre. Hindi ka namin aabalahin.” Ngumiti lang siya sa sinabi ni Felix. Mas madaldal ito keysa sa dalawa, kahit papaano ay may pwede siyang makausap sa tatlo. Naglakad na ang mga bisita papunta sa sala pero hindi nakaligtas sa kanyang pansin ang pagtingin sa kanya ni Cai. Again, tinaasan lang niya ito ng kilay dahil sigurado siyang hindi magiging maganda ang kanyang pakiramdam sa susunod na dalawang araw. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD