KUNG nahihirapan si Isla sa kanyang trabaho tila dumoble pa ang hirap na nararanasan niya sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay may bombang sasabog kahit anong oras sa loob ng kanilang laboratory. Maliban sa mga pumapasok na kanilang office para mag-submit ng mga papers at mga outside clients ay sobrang tahimik ng kanilang lungga. Kahit na si Ari ay tila nalunok ang dila habang nag-aaral at nakaupo sa sofa kasama ang dalawang estudyante na inutusan niyang mag-aral dahil major examinations na bukas.
She asked them to go home but the three refused. Alam niya ang dahilan kung bakit hindi magawang umalis ng tatlo, dahil na rin sa tatlong bagong dating na tila may sarili ng mga mundo habang nakatuon sa mga laptops na nasa harap ng mga ito. Tama ang sinabi ng Dean sa kanya, busy ang mga ito at busy din siya. Para ma-divert ang attention niya sa mga ito ay nagpasya siyang isubsob ang pansin sa mga binabasa. And she’s never been this focus as before.
“Doc Aguirre.”
“Isla.”
“Huh?” Naputol ang kanyang konsentrasyon nang may tumawag sa kanyang pangalan. Napakurap siya nang makilala ang matangkad na nilalang na nakatayo sa harap ng kanyang mesa. “Yes, Mr. Rueda?” She sucked her breath preventing her heart to beat more. Damn! Nagulat siya sa biglaang pagsulpot nito kaya ang lakas ng t***k ng kanyang puso.
“I would like to excuse myself.” Kumunot ang kanyang noo at nagsalubong ang mga kilay. “I am going to my office.”
“Hindi mo naman kailangang magpaalam, you are free to go anywhere you go.” Aniya nang makabawi sa gulat.
“That would be inconsiderate to the house owner.” Pwede bang hindi nito siya titigan ng mata sa mata? Naiilang siya.
“Have a safe trip.” Ibinalik niya ang mga mata sa mga binabasa. Naiilang talaga siya sa mga titig nito. Pakiramdam kasi niya ay tila nababasa ni Caius ang kung anumang laman ng kanyang isip. Tiningnan niya ang pagkilos ng mga paa ng lalaki palayo sa kanya. Unti-unting naging normal ang takbo ng kanyang utak maging ang kanyang paghinga pero alam niyang hindi relief ang kanyang nararamdaman. It’s something else, something she knew but she’d rather keep to herself. Mas Mabuti ng ganito, her heart will be safer.
“Mami, you are so rude to Mr. Rueda.” Mahinang bulong ni Ari na nakalimutan niyang malapit lang pala sa kanila. Natatakpan ng notebook ang kalahati ng mukha ng estudyante. “Gusto lang naman niyang magpaalam.”
“Sinagot ko naman siya ng maayos.”
“You didn’t even smile.” Pinandilatan niya si Arielle. “Dapat magsmile ka.”
“Mag-aral ka nga diyan at huwag kung anu-ano ang pinag-iisip mo. Baka iba ang masagot mo sa exams mo.” Ari just giggled. “Pupunta muna ako sa kabilang office.” Aniya dito.
“Susundan mo si Mr. Rueda, Mi?”
“No!” Mariin niyang sagot. Paglabas niya sa laboratory ay muntik na siyang bumangga sa kung sino.
“What are you doing here, Mr. Ladra?” Pormal na tanong niya kay Josh. Kahit na mas matangkad ito kay Isla ay hindi siya magpapatalo kung makikipag-away ito.
“Gusto kong makausap si Arielle.” May bahid ng pakikiusap ang boses ng binata. Halata din sa mukha nito ang pagod na para bang ilang araw na itong walang tulog. He’s still handsome though.
“Kung gusto ka niyang kausapin matagal na siyang nakipag-usap sa iyo.” Nagkibit-balikat siya. “Your friend is fine now. Huwag mo na siyang guluhin pa.” tinalikuran niya si Josh pero mabilis itong nakasunod sa kanya.
“Doctor Aguirre, please. Gusto ko lang siyang makausap.”
“For what? To hurt her again.”
“I didn’t mean to hurt her-.”
“Bullshit, Joshua.” Tumaas ng ilang decibel ang kanyang boses. “Saang banda sa pinaggagawa mo ang sinasabi mong hindi mo siya gustong saktan?” Napapitlag ang kausap sa biglaang pagtaas ng kanyang boses. Bumuntong-hininga siya para kalmahin ang kanyang sistema. “Kung gusto mong maintindihan ko ang rason mo ay sumunod ka sa akin.” Parang asong talunan ang estudyante na nakasunod sa kanya. Nagpunta sila sa cafeteria. Wala pang masyadong tao dahil may klase at pa ang mga estudyante.
“I’ll give you ten minutes to explain your side. But, it doesn’t mean na maniniwala na agad ako sa mga sasabihin mo.”
Tumango ito. “I don’t want to hurt her, siya lang ang taong nakakaintindi sa akin. Ayokong tanggapin ang pagmamahal niya dahil natatakot akong masaktan ko siya.”
“You rejected her feelings but it doesn’t mean you are not hurting her. Sinasaktan mo siya kahit na hindi mo tinanggap ang pagmamahal niya sa iyo. Hindi mo ba nakikita iyon?”
“I know.”
“Fu--.” Pinigilan niyang mapamura sa sagot nito. “Alam mo naman pala, anong Karapatan mong kausapin siya? Para humingi ng tawad? Paano kung patawarin ka ni Arielle? Balik uli siya sa pagiging tuta at pagsunod-sunod sa iyo? Na kaunting pagkakamali lang ay magagalit ka at sasaktan mo siya, at kapag lumamig ang ulo mo lalaruin mo uli ang pagmamahal niya sa iyo. Come on, Joshua. Give your bestfriend a break. Damn it! Wala kang karapatang tawagin siyang kaibigan dahil walang magkaibigan na sinasaktan ang isa’t isa.” Mahabang litanya niya dito.
“I will not do it again?”
“How can an earthworm change into a butterfly in a just a few days?” Sarkastikong tanong niya sa kaharap. “It’s not possible.”
“But, I’ll really try to change for her to forgive me.”
“How?” Natigilan ito sa kanyang tanong. “Paano mo gagawin iyon? Buong akala ni Ari ay siya ang hindi makaka-survive kung wala ang presensya mo pero mukhang mali talaga ang akala niya. It was you, Josh. You can’t survive without her.” She tilted her head smugly wanting him to feel the intensity of her insults.
“I’ll be a better person.”
“Ang sabi ng aso sa puno.” Isang mapang-uyam na ngiti ang ibinigay ni Isla kay Joshua. “Parang imposible yata ang sinasabi mo, Mister.”
Kumunot ang noo ni Josh. “I can do it.” Naging strong na ito.
“Sabihin natin na magbabago ka nga. I’ll give you the benefit of the doubt. Anong sunod mong gagawin?”
Napatitig ang kausap sa kanya, bakas ang takot, pag-aaalala, at pagkalito sa mga mata nito. Naiintindihan niya ang kung anong nararamdaman ng lalaki. Buo sa isip nito na hindi tanggapin ang pagmamahal ng kaibigan dahil ayaw nitong masaktan ito sa kung anumang rason.
“Kapag may sagot ka na kausapin mo ulit ako, kung maiintindihan na kita ng lubusan ay tutulungan kita kay Arielle pero sa ngayon hayaan mo munang maghilom ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ng dahil sa iyo. Simulan mong ayusin ang buhay mo habang inaayos din niya ang sa kanya. She found new friends now, and I am very happy to see her changes. She’s becoming a woman you never want her to be.”
“I understand.” Malungkot na sagot ni Josh. “I’ll do it.”
Tumango si Isla. “Hindi kita minamadali pero huwag ka rin pabagal-bagal. Baka kasi dumating din ang oras na hindi ka na niya kakailanganin pa.” He really looks defeated, but she can’t feel any remorse.
“Kasali ba sa job description ng trabaho mo ang manghimasok sa buhay ng mga estudyante mo?” Uminit ang ulo niya nang marinig ang komentong iyon. Asar na tinapunan niya ng tingin ang taong iyon.
“Why are you still here? Akala ko ba pupunta ka sa office ninyo?”
Umupo si Caius sa binakanteng upuan ni Josh. “My meeting was cancelled.”
“At kasali din ba sa job description mo na maki-tsismis? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka invited sa usapan namin.” Inusod ni Cai ang isang paper cup na may tatak ng coffee shop na palagi niyang pinupuntahan.
“Coffee. Sabi ng mga assistant mo iyan lang ang nakakapagpalamig ng ulo mo.” She eyed him intently. “And, I asked you first. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.”
She huffed. “Walang manghihimasok kung walang gustong magpapasok.” Sagot niya.
“I am not eavesdropping, I accidentally heard your conversation.” Tinaasan lang ni Isla ng kilay ang binata.
“Yeah, right.” Kinuha niya ang binigay nitong kape. Her body needs caffeine at she won’t refuse it.
“You should let your students handle their problems.”
“I am.”
“Sa nakikita at naririnig ko ay hindi iyan ang ginagawa mo.” Inirapan niya si Caius.
Bumuntong-hininga uli si Isla. “Kung anuman ang ginagawa ko ngayon ay para sa kanilang dalawa din iyon. I can’t just sit and watch them in a mess, nasa kanilang dalawa pa rin ang desisyon sa bandang huli.”
“Hindi ka ba natatakot sa posibleng mangyayari sa pagpasok mo sa buhay nila?” nagkibit-balikat lang siya.
“Mas natatakot ako sa posibleng mangyari kung hindi ko tutulungan si Arielle. Ayokong paulit-ulit na mangyari iyon nasaksihan nating eksena sa parking lot. Kung wala akong ginawa imposibleng magbago ang mga mangyayari, paulit-ulit lang. And Ari gave me her blessings to help her.”
Napilitan siyang tingnan ang lalaki sa mga mata and what she saw makes her heart miss a beat again. She saw amusement on it. Ibinaling niya sa ibang lugar ang kanyang tingin hanggang sa dumapo iyon sa isang pamilyar na estudyante. Sinundan ni Cai ang kanyang tingin.
“You knew her?” tanong nito sa kanya.
“Aksidente ko siyang nabangga sa hallway noong isang araw.”
“She’s not your student.” Paalala nito sa kanya.
“I know.” Nakasunod lang ang tingin niya sa bata. Habang sinusundan niya ito ng tingin ay napansin niya ang kakaibang paglakad nito. “You knew her?”
“I remembered her face, I think she’s one my students.” Napatingin siya sa lalaki. “She’s just a little aloof and distant, but I think she doesn’t have any problem.” Kumunot ang kanyang noo sa huling sinabi ni Cai. Bulag ba ito? Hindi ba nito nakikita ang kanyang nakikita? The girl looks like… she can’t point it out, she looks troubled. “Huwag kang makialam sa mga hindi mo estudyante, hindi lahat ng tao ay maiintindihan ang mga ginagawa mo.” Hindi na niya ito sinagot dahil may punto si Caius.
“Mr. Rueda and Doc Aguirre, good morning.” Nakangiting bati ng ilang mga estudyanteng lalaki. “Sorry po kung naka-disturbo kami sa date ninyo.”
“We are not on a date.” Mabilis niyang pagtatama sa sinabi ng bata. Tinapunan lang niya ng masamang tingin si Caius na kampanteng umiinom ng kape. Narinig niya ang pagtawa ng mga bagong dating. Mula sa College of Computer Science ang mga estudyante base sa sling na suot ng mga ito.
“Sir, may request po sana kami.”
“I need to go--.”
“Oh, no. Huwag po muna, Doc Aguirre. We need you here.” Pigil sa kanya ng mga ito. “Baka po kasi hindi pumayag si Sir, we need back-up.”
Inilapag ng mga ito ang mga hawak na rubiks cube.
“Sir, ikaw na lang po ang nag-iisang pag-asa namin para makasali sa contest.”
“We need a coach and an adviser. Si Professor Kleena po talaga ang coach and adviser namin, kaso on-leave po siya.” Sinipa niya si Caius nang sa tingin niya ay hindi ito nakikinig sa mga bata. Kunot-noong napatitig ito sa kanya, she motioned t listen to his students.
“Nalaman po namin Mr. Rueda na magaling ka po sa rubiks cube kaya pasok ka po na maging coach and adviser namin.” Yeah, she remembered him being good at the game. It’s his stress reliever when he was stressed.
“Sir, please.” Pakiusap ulit ng mga bata.
“Papayag ako kung sa tingin ko ay magaling nga kayo.” Caius is very competitive. Hindi ito papasok sa isang usapan kung alam nitong hindi ito mananalo. Ika nga nila, sigurista ito. And he proved it to her so many times… before. “Let me see you play.” Mabilis na kumilos ang mga estudyante at inilabas ang iba pang rubiks cube at ang timer. Kinuha niya ang isa at tiningnan iyon ng mabuti. Marunong siyang maglaro ng rubiks cube, marunong lang, hindi magaling.
“Can I play as well?”
“Sure, po.”
Seryosong-seryoso ang mga ito. Nagset ng timer si Caius dahil ito lang ang hindi maglalaro. Hindi niya kayang lampasan ang 4.22 seconds na pagsolve ng rubik’s cube na nakatalo sa Guiness book of world record.
“Go.” Nagsimula na silang maglaro.
“Done.” Inilapag niya ang kanyang rubik’s cube sa ibabaw ng mesa kasabay ng pag-off ng timer. “Thirty seconds, not bad.” Napatanga ang mga kasama niya sa kanya. “What?”
“Marunong kang maglaro nito coach?”
“Yup.” Tinuruan ako ng future coach ninyo! “You can’t blame me everyone, I’m close to perfection.”
“Play with me.” Kinuha ni Caius ang cube at ito na ang gumulo sa mga kulay. Kinuha din nito ang sa estudyante nitong tumigil sa paglalaro. He is really competitive. Naalala pa niyang halos hindi siya nito lubayan noon hangga’t hindi siya nito natatalo. Hindi rin naman siya nananalo dito, palagi silang nauuwi sa tie.
“Go.” Senyas ng kasama nila at sabay nilang inayos ang cube.
“Done!” Sabay na wika nila, sabay din silang nag-pause ng timer.
“Eh, tie?” She tried to prevent herself from not grinning.
“Another game.” Nakatapos sila ng ilang laro pero ganoon pa rin ang resulta. Palagi silang tie, as expected.
“Wow.” Napapansin niyang marami-rami na ang mga estudyanteng nakapalibot sa kanila. Some were even taking some pictures as if they were doing a fan service or something. That’s her cue to escape.
“Sa tingin ko qualified ka ngang maging coach ng mga batang ito, Mr. Rueda.” Kinagat niya ang mga labi upang hindi tumawa ng malakas sa paniningkit ng mga mata nito. “I remembered, mas matanda ka sa akin hindi ba? Siguro, kapag dumating na ako sa edad mo sigurado akong matatalo na kita. It’s really good to be young. Chow!”
Alam ni Isla na nag-tie sila sa laro pero alam din niya kung paano asarin ang lalaki, pakiramdam niya ay nanalo siya sa laban nila. He doesn’t like it when someone younger than him beat him or tied with him. Good thing, naalala pa niya ang mga iyon, marami pa nga pero hindi niya ilalahad ang kanyang mga baraha.
Pagbalik niya sa laboratory ay hindi mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi, nawala ang pagod na kanyang naramdaman. She hates to admit it, medyo competitive din siya. Medyo lang naman dahil usually ay hindi siya sumasali sa mga contest at kung anu-ano pa dahil ayaw niyang ma-pressure. She learned to tame her competitive spirit, unlike before.
“Mukhang masaya ka, Mami.” Nakangiting bungad ni Margot sa kanya. “Dahil ba sa date ninyo ni Mr. Rueda?”
“What date?”
“Sabi na nga ba at sinundan mo siya, eh.” Panunukso ni Ari.
“What the—saan mo naman nakuha ang tsismis na iyan?” Lumapit din sa kanila si Felix at si Gavin na parehong hawak ang mga cellphone.
“May nagpost ng video sa f*******: group ng Magnus, Doc Aguirre.” Ipinakita ni Felix ang video. Silang dalawa ng ani Cai ang nandoon habang naglalaro ng rubik’s cube. “This is very interesting.”
“I-delete niyo iyan.” Utos niya sa mga ito. “On the other hand, it’s not a date but a game. Huwag niyo nalang i-delete para may record tayo na natalo—I mean nagtie kami sa game. Hindi iyan date, marami kaming kasama diyan.”
Tumawa lang si Margot at ipinakita ang mga pictures na naka-post bago pa ang video. Nakaupo silang dalawa habang parehong may hawak na kape at seryosong nag-uusap.
“Iyan ang i-delete ninyo baka kung ano na naman ang pumasok sa utak ng mga walang magawa dito sa Magnus.”
“Eh, Mi. Ang cute ninyong dalawa dito.”
“Anong cute?” Binalingan niya ang dalawang propesor na nakatingin din sa pictures.
“Kaya pala dito gustong mag-opisina ni Caius, may lihim na relasyon po pala kayong dalawa, Doc Aguirre?” Biro ni Gavin na naging dahilan kung bakit malakas siyang napasinghap.
“Of course not!”
“Ayeee, si Mami, nagba-blush.” Tukso ni Ari at umugong ang malakas na tuksuhan sa loob ng kanilang opisina.
“Kapag may lumabas pa na panunukso diyan sa mga bibig ninyo, I swear hindi ko na kayo papapasukin dito.” Banta niya. Tumahimik naman ang mga kasama pero alam niyang nanunukso pa rin ang mga ito.
Forgive them Lord for they have sinned. Dasal niya sa makasalanang pag-iisip ng kanyang mga kasama.