CHAPTER 24

2694 Words
            GUSTONG matawa ni Isla sa naging hitsura ni Rafael nang makita nito ang kasama niya sa kotse. Akala kasi nito ay silang dalawa lang ang magde-date. “Anong mukha naman iyan?” biro niya sa kanilang bunso.             “You are sitting at the back, ako ang nauna.” Singit ni Aquisha. Nang tumawag siya sa bahay para ipagpaalam ang bunso ay nandoon pala si Quisha at mabilis itong umalis ng bahay para sumama sa kanila.             “Why are you here? I thought you are in Milan?” nakabusangot pa rin ang mukha ng kanilang bunso.             “Kakauwi ko lang po.” Mahinang kinurot niya sa beywang ang kapatid na babae.             “Huwag mo ng asarin si Rafael baka magkasakitan na naman kayo.” Natatawang ini-start niya ang kotse at nagmamaneobra palabas ng parking lot ng university kung saan pumapasok si Rafael.             “Bakit ka pa sumama sa amin ni ate dapat ay nagpahinga ka nalang.” Bulong ng kanilang bunso.             “At hayaan na solohin siya? Dream on baby boy.” Kahit na palaging nagbabardagulan ang dalawang kapatid ay alam niyang mahal na mahal ng dalawa ang isa’t isa. Actually, close naman silang tatlo noong bata pa sila. Naging ganito lang ang dalawang nakakabatang kapatid noong pumasok na siya sa college at mag-condo. Every time na bumibisita siya sa bahay ay palaging nag-aaway ang dalawa, nag-aaway sa atensyon niya. Her parents said they just missed her and she appreciates the attention from her siblings but she doesn’t want to see them quarreling every now and then.             “Sinolo mo si ate two weeks ago, nag-shopping kayo bago ka pumuntang Milan. This is mine and ate’s time pero sumama ka pa rin.”             Aquisha snickers making their younger lost his patience. “It’s a girl thing you know, suck you’re a guy you can’t relate.” Isang hampas ang natanggap ng kapatid na babae mula sa kanya.             “Sabi ng tigilan mo na iyan.” Sita niya dito at tinawanan lang sya. Tiningnan naman niya ang bunso sa rear mirror. “How’s your exams, Rafael?”             “Okay lang ate, I passed them.” Masayang kwento nito sa kanya.             “Oh, sakto pala ang pag-invite ko dahil magcecelebrate tayo. Dahil pumasa ka sa mga exams mo kaya ikaw ang papipiliin namin kung saan tayo mag-lu-lunch.” Sinulyapan niya si Aquisha na abala na sa cellphone nito pero alam niyang nakikinig lang sa usapan nila.             “I want chicken.” Mabilis na sagot ni Rafael.             “Then, we are going to eat chicken.” Dahil palaging abala sa trabaho ay mi-minsan lang silang lumabas at magbonding. May hang-over pa rin si Isla sa nangyari sa kaibigan at katrabaho kagabi at paulit-ulit na bumabalik sa kanyang utak ang mga eksena kaya nahirapan siyang makatulog. Kaya siguro ilang hikab na rin ang kanyang ginawa habang nagmamaneho.             “Ate, how about I drive and you take a quick nap.” Volunteer ni Aquisha. “Mukhang sleepy ka pa at saka hindi naman malayo ang place where we are going to eat.”             “Okay lang ba? Medyo antok pa nga ako.” Ipinarada niya ang kotse sa tabi at nakipagpalit sa kapatid niya. “I’m really not that sleepy.” She said to her siblings.             “We will wake you up kapag nakarating na tayo sa resto.” Narinig niyang sabi ng bunso nila. Pagkadikit na pagkadikit ng kanyang likod sa sandalan ng upuan at habang nararamdaman ang mahinang pag-andar ng kotse na para ba siyang dinuduyan ay tuluyan ng bumigay ang kanyang mga mata.               “ISLA, please look at me.” A familiar voice… “Love, it’s me.” Who? “Kahit na hindi mo na ako maalala ang importante ay bumalik ka na sa dati. I missed you, I missed you so much Love please bumalik ka na sa akin… sa amin.” Saan ako babalik? At sino ang may-ari ng boses na iyon?             “Hijo, magpahinga ka muna. Hayaan mo muna si Isla na makapagpahinga at huwag mong pagurin ng husto ang sarili mo.” The owner’s voice tightened his grips on her hand. “She’s already awake that’s a good sign.”             “Yes, she’s awake but she can’t even recognize us.” Mahinang sambit ng lalaki. “She’s awake but not back yet.” May narinig siyang mahinang kaluskos.             “Kakagising lang niya and her body is responding to the treatment. Let’s not rush her, gagaling din ang kasintahan mo magtiwala ka na kaya niyang gumaling at babalik din siya agad sa iyo kapag nangyari iyon.” Naramdaman ni Isla na may mainit na bagay na dumampi sa kanyang noo.             “I’ll wait love, I am going to wait for you…”               “ATE ISLA!” Mabilis na binuksan ni Isla ang kanyang mga mata nang marinig ang boses nang kanyang dalawang kapatid na ginigising siya. “Are you okay? You are crying in your sleep.” Nag-aalalang sabi ni Rafael sa kanya, awtomatikong napahawak siya sa kanyang pisngi at napasinghap ng maramdamang may likido nga doon.             “Luha ito at hindi laway?”             Ngumiwi ang dalawang kapatid niya. “As much as I love you ate pero minsan talaga gusto rin kitang ikaila.” Reklamo ni Aquisha. “Nag-aalala kami dahil akala namin binabangungot ka na pero nagawa mo pang magbiro ng tungkol sa tears and saliva.” Tumawa siya, she felt refreshed after the quick nap.             “Mukhang nagdream na naman ako pero hindi ko maalala.” Na naman. Ilang beses na bang nananaginip siyang hindi niya maalala pagkagising niya pero iyong sumpa ay paulit-ulit.             “Ate, medyo matagal na rin noong last kang nag-vacation. I think masyado ka lang stress and burn out sa work mo, how about a vacation in Maldives or in Paris?” Suhestiyon ni Aquisha sa kanya. She crunches her nose, she loves the idea but she can’t afford to waste another day and jeopardize her work. Marahas siyang napabuntong-hininga lalo pa at napagtanto niyang masyado na nga siyang na-corner ng kanyang trabaho at kailangan na niyang isaalang-alang iyon bago pa siya makapagdesisyon.             “I think that’s a good idea and I’ll think about it.” Muli siyang napabuntong-hininga at niyaya na ang mga kapatid na pumasok sa Mall kung saan sila kakain ng unlimited chicken ni Rafael. Mabilis silang nakarating sa resto at nakahanap ng magandang spot. Napapansin din niyang napapalingon sa kanilang gawi ang mga kasabayang kumakain, who wouldn’t? Her sister is very pretty and a famous model, her brother is equally good looking as her sister. She’s a dotting sister to her siblings kaya masasabi nga na na-spoil niya ang dalawa.             “Ate, may invitation nga pala na dumating sa bahay the other day.” Anunsyo ni Rafa.             “What invitation? Bakit hindi naka-address sa condo ko or sa school?” takang tanong ni Isla.             “It’s a wedding invitation.”             “Is it from a family friend?” Aquisha asked in curiosity.             “A certain Travis Guzman, iyon ang nabasa ko sa invitation card.” Nahulog sa kanyang mga kamay ang hawak na chicken wings habang napatingin sa kapatid na babae. Kung gulat siya ay alam niyang iyon din ang nararamdaman ni Quisha. Agad na bumakas ang guilt sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. She really hates it when she sees her sister like that.             “Ate.” Mahinang tawag ni Aquisha sa kanya. Ramdam niya ang tension na nararamdaman nito sa mga sandaling iyon.             She smiled and assure her sister that she’s not affected anymore. Hinawakan niya ang palad nitong nasa ilalim ng mesa at marahan iyong pinisil.             “Do you want to go? Hindi pa ako nakakaganti sa gagong iyon dahil sa p*******t niya sa iyo dati.” Nanggigigil na ani niya dito. Mas lalong bumakas ng lungkot at pagsisisi sa mga mat ani Quisha sa kanyang sinabi at naging reaksyon. “Come on sister, ilang taon na ba ang nakakaraan and don’t tell me hindi ka pa nakakamove on sa masamang nilalang na iyon. Sana all hindi nakakapag-move on.” Biro niya at dahil sa kanyang sinabi ay bumakas naman ang disgust sa mukha nito.             “Nakakadiri, nasusuka ako kapag naaalala ko na minsan sa buhay ko ay pinatulan ko ang gagong iyon. Hindi niya deserved na sumaya at sana ma-karma siya sa mga kagaguhan na nagawa niya dati but then, hindi tayo pinalaking masama ang ugali.” Ngumiti at tumango si Isla sa sinabi ng kapatid.             “That’s right but it doesn’t mean we can’t give him a special gift for his wedding right?” A naughty grin appear on the side of her lips.             “Akala ko ba bawal ang gumanti?” natatawang ani ni Aquisha.             “Hindi naman ako gaganti, magbibigay lang ng special gift.”             “At wala akong maintindihan sa usapan ninyo.” Nakangusong reklamo ni Rafael.             “Huwag kang mag-alala Raffy, may special job ka para sa amin ni Aquisha. That guy hurt us before--.”             “What!?” Kulang nalang ay sumigaw si Rafael sa naging reaksyon sa kanyang sinabi. “That unknown species hurt my sisters? How? When? How to kill him?” galit na tanong nito. Ngumisi lang siya habang nilalahad ang kanyang plano na maaaccomplish lang sa tulong ng kanyang nakababatang kapatid. Seryosong nakinig ito sa kanya at napilit din niya si Aquisha na isupport siya sa kanyang plano. She made sure na hindi sila mapapahamak na magkapatid sa kanyang naisip.             After their brainstorming and their stomach filled with chicken meat and some potato crisps ay hiningi na ni Isla ang bill to pay. Balak niyang ipagshopping ang dalawa.             “Maam, paid na po ang bills niyo.” Kumunot ang kanilang mga noo sa sinabi ng waitress.             “Huh? Hindi pa kami nag-pay kanina.” Si Aquisha.             “May nagbayad po habang nag-uusap po kayo dito kanina.”             “Sure ka Miss? Baka maling table iyon--.”             “Ah, hindi po Maam.” May ibinigay na black magnet bill holder ang waitress at nang buksan niya iyon ay paid receipt na ng kanilang mga orders. May nakasulat na note sa likod.             You look better when you are smiling. – C             Kumabog ang dibdib ni Isla nang mabasa ang letrang nakalagay sa resibo. C? Si Caius ba? Pero paanong mapupunta si Caius dito? Maraming C sa mundo bakit ito agad ang unang pumasok sa kanyang isip.             “Who paid the bills, ate?” nagtatakang tanong ng dalawa. Mabilis niyang itinago ang resibo at ngumiti sa dalawa.             “I think a co-worker paid it.”             “Co-worker? Hindi manliligaw?”  Nagdududang tanong ni Raffy.             “Wala akong manliligaw kahit pumunta pa kayo sa Magnus kaya chill lang brother and sister.” Ngumiti siya sa waitress bilang pasasalamat at bumalik na ito sa pwesto nito. “At dahil hindi nabawasan ang kaban ng aking kayaman kaya marami tayong masho-shopping ngayon.” Nagdududa man ay walang naggawa ang dalawa kundi ang sumunod sa kanya. Habang papalabas ay napapalingon si Isla sa paligid at nagbabakasakaling masilayan ng mga mata ang may-ari ng pangalan na nagsisimula sa letrang C.             Hindi naman sa nagju-jump into conclusion siya pero malakas talaga ang kanyang feeling na si Caius iyon.             At paano kung hindi? Don’t raise your hopes high, Isla. Tandaan mo inaway mo iyon last night dahil pinatibok na naman niya ng mabilis ang puso mo. Paalala niya sa kanyang sarili.             “How about that guy ate?”             “What guy?”             “The one who visits the house before?” Natigilan si Isla sa tanong ni Aquisha. “I heard he’s working with you.”             “Ah, si Mr. Rueda.” She made sure she’s as chill as possible. “What’s with him?” Patay malisyang tanong niya kahit na lumalakas na rin ang t***k ng kanyang puso. Masyadong observant ang mga kapatid.             “May kakaiba akong nararamdaman sa kanya.”             Tinawanan niya ang bunso nila. “Sino ka naman ngayon si Ed Caluag?” Biro niya trying to divert their attention to other topics, huwag lang si Caius. “Masyado kang nag-iisip, overthinking is not good especially sa mga students.”             “Iba rin ang pakiramdam ko sa kanya ate Isla.” Sang-ayon ni Isla sa sinabi ni Raffy.             “He’s not bad naman and he’s working in the Uni and on his company at the same time. He is a busy man.”             “But I think he likes you, kakaiba ang titig niya sa iyo sa dinner natin.” She rolled her eyes at her siblings.             “Masyado kayong paranoid, baka naman kasi nagkita na kami sa university before the dinner at naalala niya ako.”             “It was a different stare, ate. Parang kikidnappin ka niya anytime soon.” Tinaasan niya ng kilay si Raffy. Kahit na matangkad ang kapatid ay inakbayan niya ito.             “Huwag kang magselos, Raf. Ikaw pa rin ang baby boy ka at hindi ako maaagaw ng ibang lalaki sa iyo.” Biro niya dito. “Wala ng mas gu-gwapo pa sa bunso namin, right Aquisha?”             Aquisha shrugged her shoulders. “Fine, dahil sinabi mo ate.” After diverting the topic ay kung saan-saan na sila nagpunta na magkakapatid. Nakalimutan na rin niya ang tungkol kay ‘C’ na binayaran ang kanilang bills.               ITINAAS ni Isla ang mga mata at tiningnan ang bagong dating na agad na naupo sa pwesto nito. Yes, alam na nilang lahat ang paboritong pwesto ni Caius sa kanilang opisina, wala talagang mesa ang tatlong tambay nila doon. Kapag may ginagawa na importante sina Felix at Gavin ay ginagamit lang nila ang malaking dining s***h meeting table nila at ganoon din si Caius pero kung wala naman ay pumupwesto lang ang tatlo sa couch. Ilang beses na rin niyang sinabi na pwedeng magrequest ng table for them but the three refused.             “Yes?” Untag ni Caius sa kanya. Napakurap siya at inayos ang paghinga dahil nakakatanga ang hitsura ni Caius lalo na ngayon. Aminadong gwapo ang lalaki pero mas lalo yatang naging gwapo ito sa suot nitong black turtleneck sweatshirt inside a gray suit with a matching grey trouser and a pair of black leather shoes. Kahit sinong makakakita nito ay baka maisigaw ang ‘step on me, daddy’. Umayos ka Isla! Sigaw niya sa kanyang nagliliwaliw na utak. “Isla?” pukaw nito sa kanya. “I know I look good, you can take a picture I won’t mind.” A glint of amusement is visible on his eyes.             Nagising yata siya sa kayabangan ng lalaki at inis na inirapan ito. “I was just thinking.” Umupo na ito.             “While looking at me?” mukhang wala yata itong balak na pakawalan ang kagagahan na ginawa niya kanina.             “Nope, dapat sa kisame iyon pero dahil humarang ka kaya kasalanan mo kung feeling mo sa iyo ako nakatitig. Huwag kang feeling.” She heard him chuckle at her answer. Medyo nataranta siya, who wouldn’t? she was caught in the act staring at him. “By the way, last Saturday nagpunta ka ba sa K-Mall?”             “No, why?” So, it wasn’t him.             “Wala lang.”             “Don’t tell me nakikita mo na ako kung saan-saan? Hmmnn, hindi kaya--.” Binato niya si Caius ng throw pillow na inosenteng nakalagay lang sa kanyang tabi.             “Don’t raise your hopes high, Caius.” Irap niya dito at ibinalik ang pansin sa binabasang notes para sa kanyang klase an hour from now.             “By the way, Isla.”             “Hmn?” napilitan siyang tingnan ang lalaki. “I remember you telling me that when I help you with your friend, you are going to do anything I ask you to do right?” Nakangiting paalala ni Caius sa kanya. Oh my, hindi pa ako ready for matured roles!             “Wh-what do you want? How much?”             “I will not ask you for a monetary payment, I want something else.” Nag-iba ang tono ng boses nito kaya nakaramdam siya ng kaba.             “Ano nga?”             “Bakit ba ang sungit mo?”             “Sabihin mo nalang kasi.”           “Don’t be nervous, hindi naman illegal ang gagawin natin.” Halah, gagawin natin? Anong gagawin nila? Syete, bakit ba ako na-e-excite? “I’m not like you.” She just glared at him.             “What do you want me to do?”             “Help me.”             “Help what? As long as hindi murder iyan o kaya naman ay k********g or robbery.”             Napabuntong-hininga si Caius sa kanyang sinabi. “Hindi ba sinabi ko, hindi illegal ang gagawin natin?”             “Bakit kaya hindi mo nalang diretsuhin iyang ipapagawa mo sa akin at ng hindi na paikot-ikot ang usapan nating dalawa at hindi na rin kung anu-anong pumapasok sa isip ko.”             “Chill lady, I just want to ask you for a help. Help me set-up a proposal, a marriage proposal.” Napatanga siya sa narinig niya mula sa lalaki habang humihigpit ang paghawak niya sa bitbit na iPad. A proposal? Magpo-propose it? Kanino? “I don’t have any idea on how to do it and since you are a woman, probably may ideya ka sa kung anong pwedeng gawin.”             Parang tangang tumango si Isla sa sinabi ni Cai, she wasn’t expecting that kind of request from him. Kung magpo-propose ito kay Coleen hindi ba dapat ay maging masaya siya dahil sign na ito na tuluyan ng magbabago ang ending ng kanyang mga panaginip? This proposal will end her dream’s never ending cycle and she should be happy… pero bakit parang malayo sa saya ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon? She’s not happy at all… it hurts. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD