MABILIS na lumabas si Isla sa kotse ni Caius pagdating nila sa university. Gabi na kaya iilan nalang ang mga tao sa labas. Tatakbo sana siya papasok pero mabilis siyang nahawakan ng kasama at nagulat sa sunod na ginawa nito. Pinisil ni Cai ang kanyang pisngi hindi naman iyon masakit pero sapat na ang ginawa nito para kalmahin ang kanyang nalilitong utak at naghaharumintandong puso.
“What’s wrong?” Nagtatakang tanong nito sa kanya. “I don’t like it when you suddenly shut me out.” Nakaramdam si Isla ng guilt sa sinabi nito. Kahit siya ay ayaw din naman ng ganoon, ayaw niyang biglang hindi pinapansin ng walang dahilan at ang mas worst pa ay hindi niya masabi dito ang tunay na dahilan dahil alam niyang hindi siya nito paniniwalaan.
“I’m hungry.” Palusot niya dito. “I’m sorry nagiging grumpy ako kapag nagugutom ako.” Naguguluhan pa rin siya and she doesn’t want to blame herself, kasalanan talaga iyon ng palaka! Mas lalong nadagdagan ang hatred niya sa hayop na iyon. “Masakit ang pisngi ko.” Nakatitig lang ito sa kanya pero hindi siya binitiwan. “Caius!” Dahan-dahan na binitiwan ng lalaki ang pagpisil sa kanyang pisngi at pasimple nitong hinimas gamit ang mga daliri upang maibsan ang pamumula.
Punyeta talaga! Bakit ka ganyan Cai? Huwag kang pa-fall please, mukhang hindi naman ikaw ang unang nahuhulog eh kundi ako, buwisit ka talaga.
At bago pa man niya ma-enjoy ang paghaplos nito ay hinawakan niya ang mga daliri nito na halatang ikinagulat rin ng lalaki.
“Tsansing ka na pare, gusto mong baliin ko iyang mga daliri mo?” Nakataas ang kilay na tanong niya. She is about to invite him for a dinner when his phone suddenly rings. Nag-excuse muna ito habang sinasagot nito ang tawag.
“Yes, Coleen?” Parang nag-iba ang panlasa ni Isla nang marinig ang pamilyar na pangalan na binanggit ni Caius. “I’m free now, I’ll be in the meeting place in thirty minutes.”
Mabuti nalang pala at napigilan niya ang sariling hindi ito anyayahan na maghapunan kaagad. Hindi pa yata niya kaya na ireject ang kanyang bibihirang invitation. Pagkatapos nitong kausapin ang tumawag ay bumaling ito sa kanya, wala na naman siyang mabasang ekspresyon sa gwapong mukha nito.
“Thanks for today, Caius. Mauna na ako, may kailangan pa akong tapusin sa office bago ako umuwi. I need to finish it dahil deadline na siya bukas.” She lied. Wala na siyang tatapusin… meron pala, pero hindi naman madalian. Ayaw lang niyang maging burden dito.
“Ihahatid na kita.”
Masking her real emotions she raised a brow at him. “Anong tingin mo sa akin bata? May sarili akong kotse at pupuntahan ko ang kapatid ko sa University niya later.” Dahilan niya, she’s good in lying kaya alam niyang hindi nito malalaman kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki at saka marahang tumango.
“Call me if you need help.”
“Right.” She rolled an eye at him. “If I need one, quota na ako sa tulong mo today. Sa susunod na lang.” she waved at him and walks inside the campus with a faint smile plaster on her lips.
Coleen. Mahinang sambit ni Isla sa pangalan na iyon. “Bakit hindi ko matandaan ang hitsura mo at kung sino ka talaga? Sigurado akong nakita na kita sa mga panaginip ko.” Sambit niya sa sarili. Whoever you are please get your man, leash him by your side and don’t make him fall in love with me. Her silent prayers.
ALAS SIETE na ng gabi, naka-upo si Mindy sa isa sa mga benches sa park kung saan sila magkikita ng dating kasintahan. As usual on time siya and as usual maghihintay na naman siya na makarating ito. Wala ng masyadong tao sa park, may mga dumadaan pero hindi naman humihinto.
“Ready ka na ba?” untag sa kanya ni Iana na kasama niya. Nakaupo ito sa bench na nasa kanyang likod at ang mahabang halaman lang ang pagitan nilang dalawa.
“I will never be ready but I need to, sa ikakatahimik ko na rin.”
“Kung anuman ang magiging desisyon mo Mindy, nandito lang ako.”
Isang marahang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at napatitig sa langit. Walang mga bituin pero hindi naman nagbabadya na uulan.
“Thank you.” Mahinang sambit niya sa kaibigan, hindi niya alam kung narinig ba nito ang kanyang sinabi. Anuman ang kahihinatnan ng pag-uusap nila ni Rich ay handa siyang tanggapin iyon.
Makalipas ang halos kalahating oras ay nakita na niya ito sa wakas na tumatakbo papunta sa kanyang inuupuan.
“I’m sorry masyadong traffic.” Humihingal pa ito.
“It’s okay I’m already expecting you to be late. Never ka namang dumadating on time.” Sarkastikong ani niya.
“Look Mindy, I’m really sorry. I swear hindi na mauulit ito.” Hindi niya sinagot ang sinabi nito dahil ilang beses na rin na narinig niya ang mga salitang iyon. Umupo ang lalaki sa kanyang tabi, pareho silang tahimik at tila ba pinapakiramdaman ang isa’t isa. Wala siyang balak na basagin ang katahimikan at mukhang ramdam din iyon ng kausap.
“Mindy…” tawag nito sa kanyang pangalan. “Ano ba ang nangyari sa atin? Hindi naman tayo ganito dati.”
Wala itong mabasang kahit na anong reaksyon sa kanyang mukha. “Napagod lang siguro.” Maiksing sagot niya. “Gusto lang magpahinga.”
“Napagod? Saan? Bakit?”
“Rich, sa tingin mo kung bibigyan pa natin ang sarili natin ng isa pang pagkakataon, maaayos pa ba tayo?” Mabuti nalang at hindi nabasag ang boses niya.
“Of course, we still love each other and we can’t deny it. Mahal pa rin natin ang isa’t isa, mahal pa rin kita.” Tinitigan niya ang mukha nito, walang bahid ng kasinungalingan pero bakit hindi siya masaya? “We’ve been together for five years, huwag nating sayangin ang pinagsamahan natin Mindy.” Hinawakan nito ang kanyang palad.
Her heart is still beating for him, mahal pa rin niya ito pero bakit ganoon? Bakit kahit sinabi nitong mahal siya nito ay hindi siya makaramdam ng saya sa halip takot at sakit ang namayani sa kanyang puso.
“But is it enough?” she asks. “Tama ka pareho nating mahal ang isa’t isa pero sapat lang ba ang pagmamahal para hindi tayo masirang muli?”
“Hindi tayo perpekto may mga nagagawa tayong pagkakamali pero pwede naman nating pag-usapan para maitama ang mali?” Bakit napakadaling sabihin iyon?
“Am I enough?” another question from her.
“Anong klaseng tanong iyan? Hindi tayo magtatagal kung hindi.” Sagot ulit nito.
Isang pagak na tawa ang pinakawalan niya. “Are you really sure na sapat na ako para sa iyo at para magtagal ang relasyon natin? Dahil sa limang taon na magkasama tayo hindi ko naramdaman iyon, Rich. Pakiramdam ko kulang ako, pakiramdam ko hindi ako sapat para sa iyo.”
“That’s nonsense! It-.”
“Kung hindi bakit napakadali sa iyong iwanan ako?”
Kumunot ang noo nito na tila ba iniisip kung ano ang kanyang sinabi. Magsasalita na sana uli ito upang sagutin ang kanyang tanong pero nag-ring ang cellphone ng lalaki.
Don’t answer please. Her silent prayers as she stops herself from crying her heart out.
“Hello, Karen?” Mabilis niyang iniwas ang mukha palayo sa lalaki habang unti-unting kinakain ng sakit ang kanyang sistema. “May nangyari ba? Sige, pupuntahan kita.” Mariing kinagat ni Mindy ang kanyang mga labi habang binabalik nito ang cellphone sa bulsa at bumaling sa kanya.
“Pupuntahan ko muna si Karen, she needs me, I’ll be back--.” Mabilis niyang hinawakan ang palad ni Rich upang hindi ito tuluyang umalis.
“Pw…pwede bang ako muna ngayon?” she pleads.
“Mindy, alam mo ang kondisyon niya. She needs a friend.”
Umiling siya. “Sabihin na natin na hindi tayo naghiwalay ngayon, kailan mo ba malalaman na kailangan din kita?”
“Mindy… I really need to go.”
“Five minutes, ibigay mo sa akin ito. Five minutes lang.” hindi na niya pinigilan ang sariling umiyak. “Naalala mo ba noong third year anniversary natin, magdidinner dapat tayo pero hindi ka sumipot dahil kailangan ka niya may narinig ka ba sa akin? Fourth year anniversary, magkasama nga tayo pero parang wala pa rin dahil kausap mo siya sa telepono habang ako ang kasama mo. Naalala mo ba ang mga dates na hindi natuloy? Iyong mga natuloy pero iniwan mo pa rin ako.”
Mahigpit ang hawak niya sa palad nito. “A friend told me, minsan lang akong makiusap sa iba na samahan ako dahil ayokong maging pabigat at alalahanin sa iba pero sa minsanang iyon, Rich, you didn’t stay and chose to leave me. Hindi ka kahit kalian nanatili sa tabi ko mahal moa ko pero hindi mo nakikita na nasasaktan ako, pero bakit siya, bakit ang dali mong iwanan ang lahat para sa kanya… dahil sa sakit niya? Damn it! Paano naman ako? Paano naman iyong nararamdamang sakit ko tuwing iniiwanan moa ko?” wala siyang pakialam kung mabali man ang mga daliri nito sa kamay.
“We might love each other but it’s not enough for you to stay with me, hindi pwedeng ako lang ang magtrabaho para sa relasyong ito. Hindi pwedeng ako lang ang nakakakita sa pangit na meron tayo habang pinipilit mo ang sarili mong tingnan lang iyong good side. Rich, nag-iisa lang ako kailangan ko ng tulong mo.” She finally broke down.
“Masyado ka bang confident sa akin na kahit late ka sa mga usapan natin at kahit na hindi ka sumipot ay hindi ako mapapagod sa kahihintay sa iyo? Pagod na ako, pagod na akong bitbitin ang relasyon natin. Pagod na akong magdasal na sana ako naman ang piliin mo, na sana ay maayos pa natin ang lahat.” Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi. “Pero sa bandang huli siya pa rin.” Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa dating kasintahan. “Your love for me was never enough to choose me and to stay with me.” Unti-unti niyang binitawan ang pagkakahawak sa palad ng lalaki lalo pa at naririnig na naman nila ang pagtunog ng cellphone nito.
“And even if I love you, baka hindi rin siguro iyon sapat para hindi ako mapagod sa kahihintay at kakaintindi sa iyo.” Dahan-dahan siyang tumayo.
“Mindy—it’s not… damn it!”
“Tapos na ang five minutes ko, Rich. Salamat sa oras na ibinigay mo sa akin, hindi na siguro ito maaayos at kahit na ipilit natin, ayoko muna. Magpapahinga muna ako, ipapahinga ko muna ang puso ko.” She gave him a small push. “Go, puntahan mo na si Karen. She needs you more than I do. Good bye.”
Dahan-dahan siyang tumalikod at habang naglalakad palayo dito ay sa huling pagkakataon ay humiling uli siya, humiling na sana ay habulin siya nito pero wala… wala na talaga. Unti-unting bumalik ang luha sa kanyang mga mata at muntik ng bumangga sa puno ng akasya na nakaharang sa kanyang dinadaanan.
“Mindy.” Mahinang tawag ni Iana sa kanya. Mabilis niya itong niyakap at humagulgol ng iyak. Nasasaktan siya, mahal niya eh. Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ng kaibigan.
“Tanga baa ko dahil pinakawalan ko siya? Ang sakit Iana, ang sakit-sakit. Akala ko magiging okay ako pero hindi pala, tang inang sakit naman ito.”
“Iiyak mo lang iyan, isigaw mo, hanggang sa mapagod ka. Karapatan mo ang umiyak dahil nagmahal ka, hindi mo deserved na masaktan pero minsan kailangan din natin na tanggapin na kailangan nating matuto sa mga pagkakamali natin dahil diyan tayo nago-grow.” Suminok siya, mas tahimik na ang kanyang pag-iyak.
“Maybe you need to time away from each other. Tama ang sinabi mo kanina, kailangan mo ng oras para makapagpahinga at kailangan rin niya ng oras para pag-isipan ang kung tama ba ang naggawa niya habang kayo pa.” Hinawakan ni Iana ang kanyang magkabilang pisngi. “Always remember this, walang kulang sa iyo, walang mali sa iyo. Sapat ka Mindy, sapat ka sa taong nakatadha sa iyo kaya huwag kang magsettle sa maling tao, okay?” tumango siya sa sinabi ng kaibigan.
“I’m enough for the right person, the right person will choose me among others and the right one will stay with me even if I didn’t ask them to do so.” Iana gave her a smile of assurance.
“Masakit man ngayon dahil fresh pa ang sugat pero darating din ang oras na magiging okay rin ang puso mo. Tiwala lang, tiwala sa sarili mo na makakayanan mo ang sakit at tiwala na hindi kita… naming iiwanan sa pinagdadaanan mo.”
Having someone beside you in times like this is a different thing, kung siya lang siguro ang nandito ngayon ay baka naglupasay na siya sa isang tabi at ngumawa ng ngumawa. It really makes a difference.
“Thank you. Maraming salamat Iana.” Tiwala lang, makakayanan rin niya ito dahil hindi siya nag-iisa at may mga taong nakasuporta sa kanya. “Thank you for being here with me I really appreciate it.” A gentle and understanding smiles appears on her friend’s lips.
“Gusto mo bang sumama sa akin o gusto mo munang mapag-isa para makapag-isip-isip?” Iana asks gently.
“I want to sleep. Masakit ang ulo ko dahil sa pag-iyak.” At gusto din niyang makapag-isip. Kailangan din niyang isort out ang mga bagay-bagay ng siya lang muna.
“Gusto mong ihatid kita?” umiling siya.
“Pwede naman akong magtaxi o kaya ay mag-grab. I also need to think and sort out things. Don’t worry I won’t do stupid things again.”
Natawa ito sa kanyang sinabi. “Wala ng mas isu-stupid pa sa pagpapakatanga mo kay Rich, sabihin mo sa akin kung may gagawin ka pang mas sobra pa doon.” Kahit nasasaktan ay nagawa siya nitong patawanin making her feel… at ease. Ang weird, nasasaktan siya, masakit pa rin at gusto pa rin niyang umiyak pero may bahagi ng kanyang puso na tila ba nakakahinga ng maluwang.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na si Iana sa kanya, may nang-kidnap dito is the right term. Umupo muna siya saglit sa bench, lutang pa rin ang kanyang isip dahil siguro sa kakaiyak. When she looks at the sky she was surprise to see the stars that weren’t there awhile ago.
“Water?” nagulat siya sa biglang nagsalita.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa bagong dating. “Kanina ka pa?”
“Medyo, sapat na ang tagal ko dito para ma-witness ang eksena kanina.” Sinamaan niya ito ng tingin. Kinuha niya ang bottled water na ibinigay ng lalaking lumapit sa kanya.
“Hey.” Mahinang tawag niya dito. “Can you stay? For a while?”
“Well, I’m quite busy--.” Umupo ito sa kanyang tabi. “But I can spare a few minutes.” Nagulat man sa naging sagot ay hindi maiwasan ni Mindy na mapangiti sa naging sagot ng kasama.